H10

4K 36 29
                                    

Pangtatlumpu't pitong Hagood

Paglaya ni Brett


3rd Person's POV

Nagising si Justin Barber, dahil sa malakas na kalampag ng batuta.


"BRETT TOPACIO! LAYA KA NA!" ginising ni Justin Barber ang kakosa na mahimbing na natutulog ng mga oras na iyon.


"Bakit?" tanong ni Brett sa kasama. "Ano iyon, Sir?" nabaling ang tingin ng binata sa pulis na animo'y masaya sa paglaya nito.


"LAYA KA NA!" sigaw ng pulis na may kasamang mura sa dulo ng salita nito.


Pagkaalis ng kandado sa rehas, niyakap ni Justin Barber ang kapapasok pa lang na preso sa station 7. Animo'y matagal na silang magkakilala kung makapagpaalam.


"Mabuti ka pa, laya na agad. Samantalang ako, walang linaw kung kailan makakalaya, o kung makakalaya pa ba ako," wika ni Justin.


"Ako ang bahala sa iyo, Pare!" tinapik-tapik ni Brett ang likod ni Justin. "Babalikan kita rito!" napayakap muli ang preso sa binatang kinulong ng walang sapat na ebidensya. At ngayon ay makakalaya na.


Paglabas ni Brett ng presinto. Nilanghap nito ang malamig na hangin na umiihip sa paligid. Gabi na ng makalabas ang binata.


"Kuyaaaaaaa!" sinalubong nila Pinkie at Royce ang kanilang kapatid.


"Kuya, sorry! Hindi ko alam na nakulong ka pala! Sorry talaga!" naluluhang paghingi ng tawad ni Pinkie sa kapatid.


"Ako rin, Kuya! Sorry!" ani Royce.


Naguguluhan si Brett kung paano nalaman ng kanyang mga kapatid na makakalaya na siya. Gayong hindi naman nito pinaalaman sa kanyang pamilya na siya ay hinula ng mga pulis, at agad na ikinulong.


"Paano ninyo nalaman na nandito ako?" napatingin sa hindi kalayuan si Brett. Nakita nito ang mag-ama na nakangiti at kumakaway sa kanya.


"Hi Brett!" bati ni Mr. Mendoza.


"Mabuti naman at nakalaya ka agad," napataas ng kilay si Brett sa sinabi ni Faye. "Bakit ganyan ang itsura mo? Nakakaasar ba ang sinabi ko?" natatawang wika ng kanyang kapatid.


"Umuwi na tayo," pagkakayag ni Brett kanila Pinkie at Royce. Subalit, tumutol ang dalawa, at lumapit kay Faye.


"Uuwi tayo, basta kasama si Ate Faye!" pagkalito ang mamumutawi sa mukha ni Brett ng tawagin ni Royce si Faye na ate.


"Bakit tinawag mong ate iyan?" ngumiti si Faye, at nagsimulang magpaliwanag.


"Maski ako ay nabigla sa nalaman ko, Brett. Hindi ko alam, na sa loob ng mahabang panahon, may mga kapatid pala ako. Alam mo iyong pakiramdam na akala mo ay solo kang anak? Iyon pala, apat kayo. At higit pa roon, hindi mo pala tunay na magulang ang nagpalaki at nag-aruga sa iyo," teary eye na wika ni Faye.


"Ibig mong sabihin... ampon ako?" natawa ang apat na sinabing iyon ng binata. Akala nila, nagbibiro lang si Brett sa winika nito.


"Hindi iyon ang ibig sabihin ng kapatid mo," usisa ni Mr. Mendoza sa usapan ng magkakapatid.


"Kapatid ko? Sino? Iyan?" sabay turo ni Brett kay Faye. "Imposible naman po ang sinasabi ninyo, Sir. Paano ko magiging kapatid iyan? Eh, ako ang panganay sa aming magkakapatid. Ano ito? Dalawa kaming panganay?" wika nito.


Muling natawa ang apat sa sinabi ni Brett. Pakiramdam tuloy ng binata, pinagtitripan siya ng apat na nasa kanyang harapan.


"Sige lang! Tawa lang kayo! Gusto ninyo iyan, eh!" mabilis na naglakad palayo sa apat si Brett. Hindi pa man malinaw sa kanya ang lahat, nakangiti naman ito habang naglalakad.


"Masaya ako at mayroon akong nakatatandang kapatid na babae. May gagabay na ngayon kanila Pinkie at Royce," usal ni Brett habang hinihintay na habulin siya ng mga kapatid.


"Hintayin mo kami, Kuya!" sabay-sabay na sigaw ng tatlo. Pati si Faye ay naki-kuya na rin.


"Oo nga, Kuya Brett! Hintayin mo kami!" sigaw ni Mr. Mendoza na wagas kung makatawa.


Pagdating ng apat sa kanto kung saan naghihintay si Brett. Nawala ang ngiti sa mukha ng mga ito.


"Bakit ka malungkot, Kuya?" tanong ni Royce.


"Paanong hindi ako malulungkot? Wala na ang ating mga magulang," nagkatinginan ang tatlong babae pagkatapos magsalita ni Brett.


"Sabihin mo na, Ate Faye," tinulak-tulak ni Royce ang kapatid palapit kay Brett. Sa hindi sinasadyang pangyayari, natalisod si Faye.


---

NOM's note: Mukhang nadapa pa yata si Faye! Hahahaha! Maligayang paglaya, Brett!

---

Time Published: 5:00pm

HAGOOD!Where stories live. Discover now