H3.1

18.6K 100 18
                                    

Pangsampung Hagood!

HALIK!


"Ano ba ang gusto mong kainin?" pag-uulit na tanong ni Pare sa akin. Sa isip ko, gusto ko nga ay siya ang kainin. Pero dinadaga ako. "Kahit ano." Sagot ko.

Binatukan niya ako, "Siraulo ka talaga! Anong kahit ano? Mayroon ba rito niyan sa 7eleven?" babatukan niya sana ulit ako - gamit ang kanang kamay niya, pero nahawakan ko ang kamay niya.

"Isa pang batok mo, Babe! Ikaw ang kakainin ko!" Seryosong sabi ko sa kanya.

Natawa siya at ginamit ang kaliwang kamay para mabatukan ako. Tawa siya nang tawa ng mga sandaling iyon. Siguro ay gusto rin niya na kainin ko siya. Pero hindi nga pala puwede. Dahil may kinakasama na siya.

"Seryoso, Pare. Ano gusto mo? Cup noodles ba?" Tumango na lang ako at iniwanan na niya ako mag-isa para kumuha ng cup noodles. Sinundan ko siya tingin. Iyong puwet niya, kumekembot. Napapangisi ako. Kung hindi lang siya tomboy, malamang pinatos ko na siya. Pero puwede pa rin naman. Basta isisikreto lang namin.

"Hoy kumag! Bakit pangiti-ngiti ka d'yan?" narinig ko ang boses ni Pare. "Bakit, Pare? Nagseselos ka sa iniisip ko? Huwag kang mag-alala, ikaw ang iniisip ko!" Wika ko.

Namula si Pare sa sinabi kong iyon. Sinasabi ko nga ba. May gusto rin siya sa akin e.

"Pare, namumula ka?" Tumayo ako sa bangko at nilapitan ko siya. Hinaplos ko ang namumula niyang mga pisngi. Hindi pumalag si Pare. Kaya inabuso ko ang pagkakataon. Bigla ko siyang hinalikan sa pisngi.

Tinulak niya ako, "Alam mo, pare! Bastos ka rin e! Baka akala mo, may gusto ako sa'yo! Ang kapal ng mukha mo, Pare! Sa lahat ng lalaking nakilala ko, ikaw ang pinaka-hambog! Alam mo 'yong hambog? Kilala mo kung sino 'yong ham..." narindi ako sa ingay ng bunganga ni Pare kaya sinunggaban ko siya ng halik sa labi!

Habang magkadikit ang aming mga labi, nakadilat ang aking mata at nakita kong natulala ang guwardiya, cashier at ilang costumer na nasa loob ng 7eleven. Tuwang-tuwa ang isip ko ng mga oras iyon. Sa wakas, nakapuntos ako.

Matagal-tagal din ang paghahalikan namin ni Pare no'n. Ngayon alam na niya kung gaano kasarap humalik ang isang hambog.

Mag-asawang sampal ang inabot ko nang sipsipin ko ang dila ni Pare. Sayang lang at nag-iinit na talaga ako no'n. Kung nasa bahay lang kami, sigurado akong bibigay siya sa akin. Pasalamat siya at nasa isang pampublikong lugar kami.

"DON'T YOU DARE TO DO THAT AGAIN, BRETT! HINDI AKO NATUWA SA GINAWA MO! TANG'NA MO!"

Binalibag sa akin ni Pare ang dalawang cup noodles na kinuha niya, sabay tulak sa akin. Pero iyong tulak niya, parang may feelings. Kunwari pa siya, gusto lang niyang makatyansing sa akin.

Bago makalabas ng pinto si Pare, "Pa-english-english ka pa, Eiluj! Nagustuhan mo rin naman!" Natatawang sambit ko sa kanya.

Nagulat ako nang bigla siyang huminto at humarap. Nakangiti siya at ako rin ay napangiti. Sabi ko na nga gusto niya rin ang ginawa ko.

Humakbang siya palapit sa akin, "Nagustuhan? Sure ka?" sabay halik sa aking labi. "Tang'na Brett! Ang tindi mo!" mga salitang umaalingawngaw sa isip ko.

"G*go! Ayan ba ang nagustuhan! Letse!" Sabay takbo palabas ng 7eleven.

Paglabas niya, bumalik ako sa puwesto namin. Nakita ko ang mga cellphone ko. "Kanino kaya ito?" tanong ko ng makita ang isa pang cellphone sa tabi. Kinuha ko iyon at pinindot. "Teka..."

"May nakalimutan ako!" hindi ko napansin na bumalik pala si Pare at kinuha niya ang cellphone ko.

Agad akong tumayo at hinabol siya. Pero nakasakay na siya ng taxi. "Paano na 'to. Nagkapalit kami." Wika ko.

Hindi talaga mawaglit sa isipan ko ang halikan na iyon.

"Sayang talaga! Sayang, Brett!"


---

NOM's note: Gawain ko rin 'yan, Brett! Pero sayang lang at ikaw ang nakauna kay Eiluj! Sa susunod ako rin, kahit smack lang! xD

---

Time Published: 12:25am

HAGOOD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon