H2.2 (R-18 Part)

34K 152 57
                                    

Pangpitong Hagood!

JULIO


NATARANTA si Letlet ng makita ang kanyang boyfriend. Hindi nito alam kung ano ang gagawin. Kung huhugutin na ba niya kahit hindi tapos, o tatapusin nila ang nasimulan.


"Boss!"


"O, Let? Ang sarap mo talaga..." ayaw magpaawat ng boss ni Letlet sa pagbayo. Sige lang ito sa pagbayo sa babae. "Boss! Hugutin mo muna!" biglang itinulak ng babae ang boss niya at tumambad sa kanya ang galit na galit na taguro nito.


"Bakit ba! Ano ba ang problema!" naiinis na wika ng boss ni Letlet. Hinawakan ng lalaki sa balikat si Letlet at pinahiga niya ito. Handa na siyang bumayo ulit. "Ayokong nabibitin ako, Scarlett!" nandilat ang mata ni Letlet ng banggitin ng boss nito ang totoong pangalan niya. Alam ni Letlet sa sarili niya na kapag tinawag siya sa totoong pangalan, kailangan niyang isuko ang sarili, dahil kung hindi, mawawalan siya ng sustento sa boss niya.


"Pero boss..." hindi na nakapalag pa si Letlet. Muling nagkaroon ng maganda at nakakapanindig balahibo sa pagitan nilang dalawa. Napapapikit at napapakagat labi na lamang siya, habang napapahiyaw sa sobrang sarap.


Habang nasisiyahan ang dalawa sa loob ng sasakyan, sige naman sa pag-contact ang boyfriend ni Letlet sa kanya. Nagtataka ito kung bakit walang sumasagot sa mga tawag niya.


"Tulog na kaya siya?" tanong nito sa sarili.


Napatingin siya sa itim na sasakyan na nasa kanto ng subdivision. "Kilala ko ang sasakyan na 'yon," wika nito habang nakatingin sa kotse.


Napailing ito at napahawak sa batok, "Kailan ka ba magtitino, Letlet," aniya, at naglakad na siya pauwi sa kanilang bahay. Hindi na siya lumapit pa sa sasakyan. Dahil alam na nito na may relasyon ang girlfriend niya at boss nito.


Habang naglalakad ang boyfriend ni Letlet, biglang bumuhos ang ulan. Hindi naman iyon pinansin ni Julio at hinayaan niya ang kanyang sarili na mabasa ng malakas na ulan. At sa bawat patak ng tubig na nanggagaling sa kalangitan, naalala niya iyong araw na mahuli nito ang girlfriend na nakikipagtalik sa boss nito.


"ANG BABABOY NINYO! MGA GAGO KAYO!" 


Nakita ni Julio ang kanyang karelasyon na sarap na sarap habang niroromansa ng boss nito sa parking lot ng kumpanyang pinagtatrabahuhan nito.


"Babe..." animo'y kambing na tinatawag ang tawagan nilang mag-boyfriend. Kahit na nakikita na kanyang karelasyon, hindi nito inaawat ang boss niya sa ginagawa sa kanya. Samantalang ang boyfriend niya, nanonood lang at nanggigigil na sa galit. Gusto niyang sugurin ang dalawa, ngunit, nanaig sa kanya ang pagmamahal niya kay Letlet. At nang matapos na ang dalawa, agad na tumakbo si Letlet papunta kay Julio na nakatayo sa exit ng parking lot.


Niyakap niya ito, "Sorry, babe. Kailangan ko iyon gawin. Dahil kung hindi ko siya hahayaan sa gagawin niya, mapapahamak ka at mawawalan ako ng trabaho," sabay halik sa labi ng kanyang boyfriend.


Sinampal ni Julio ang kanyang girlfriend, "BABE! HINDI AKO TANGA! HINDI RIN AKO UTO-UTO! KUNG MAY GUSTO SIYANG GAWIN SA AKIN, GAWIN NIYA! HINDI IYONG MAGBABANTA SIYA SA IYO PARA GAMITIN KANG PARAUSAN! TANG'NA BABE! KITANG-KITA KO ANG GINAWA NINYO! NAKITA MO RIN AKO, PERO HINDI MO MAN LANG INAWAT ANG BOSS MO! TANG'NA TALAGA BABE! PUTANG'NA TALAGAAAAAAA!"


Napasigaw ng malakas si Julio sa subdivision at napansin niyang bumukas ang ilang ilaw ng mga bahay at kanilang tinutuluyan. Nabulaho ang kasarapan ng tulog ng mga kapitbahay nila. Pero wala roong pakialam si Julio. Gusto niyang mailabas ang sakit na nararamdaman nito. Dahil kung kikimkimin niya at patuloy na magkikibit balikat, labis lang siyang masasaktan.


"Salamat, Let. Hindi mo ako binigo," hapong-hapo si Letlet at kanyang boss pagkatapos. Pero hindi pa nakuntento ang babae, sinunggaban niya ng halik ang boss niya at hindi naman pumalag ang lalaki. Hanggang sa magkaroon ng pangalawang pagniniig. Siguro ay dahil sa lamig na dala ng lakas ng ulan sa labas at lamig ng aircon ng sasakyang ginawang kama.


Nang makarating si Julio sa tapat ng kanilang bahay, umupo ito at niyakap ang dalawang tuhod. "Alam kong tanga ako, martir, pero kahit na ganoon. Gagawin ko pa rin ang lahat, mapagbago lang kita, Scarlett," anito, sabay tulo ng kanyang mga luha.


---

NOM's note: Naihi ako! Hahahaha!

---

Time Published: 9:40pm

HAGOOD!Where stories live. Discover now