H10.2

4K 43 49
                                    

Pangtatlumpu't siyam na Hagood


Nang makauwi sa bahay ang magkakapatid na Topacio. Nagulat sina Faye, Pinkie at Royce, dahil hindi na sila pinagbayad ng taxi driver. Bitbit ni Brett ang maraming pagkain galing sa MCDO.


"Kuya, saan ka kumuha ng pambili ng mga ito?" tanong ni Royce habang nilalantakan ang BFF Fries. "Inferness! Malutong ang pagkakaluto nila ngayon!" natatawang patuloy na wika nito.


"Bakit, Royce? Dati ba malata?" tumango-tango si Royce sa tanong ni Pinkie.


"Eat it while it's hot!" wika ni Brett habang sinasalansan ang mga softdrinks na nakalagay sa supot na papel.


Umalingawngaw ang ingay ng mga torotot sa bahay ng Topacio. Nakita nito ang kanyang mga magulang na may bitbit na cake at iba pang pagkain.


"Happy Birthday, Breeeeeeeeeett!" sigaw ng kanyang ama.


"Happy Birthday, Anak!" inilapag ng ina nila Brett ang bitbit nitong cake sa lamesa at mahigpit na hinagkan ang kanyang kaisa-isang lalaking anak. "Nasorpresa ka ba?" wika nito.


Natulala at hindi makapagsalita ang binata ng mga oras na iyon. Ang buong akala nito ay wala na ang kanilang mga magulang. Lubos pa naman ang kanyang pag-aalala noong nasa loob siya ng piitan.


"A-Akala ko po-" tinakpan ng ina ang labi ng anak. "Mamaya na namin ipapaliwanag sa iyo ang nangyari. Kumusta ka na, Anak? Pinahirapan ka ba sa loob ng kulungan?" wika ng ina na halatang nag-aalala dahil sa pagkakakulong ng anak.


Maluhang-luhang umiling si Brett sa tanong na iyon ng kanyang ina. Napayakap ito ng sobrang higpit, at doon nagsimulang bumuhos ang mga emosyon. Hindi na rin napigilan ng mga kapatid ng binata ang mapaiyak. Gayon din ang ilang bisita at kanilang ama.


"Mama, alam ninyo ba, nang tawagan ako ni Pinkie, labis ang aking pag-aalala. Halos mabaliw ako pagkarinig ko na wala na kayo! Sabi ko nga po sa aking sarili, hindi pa kayo puwedeng mawala, dahil wala pa akong trabaho. Paano ko na lang masusuportahan ang pag-aaral ng mga kapatid ko. Lalo na si Pinkie, magtatapos na siya sa sekondarya. Salamat sa Diyos at hindi po kayo totoong napahamak. Dahil kung hindi, sisisihin ko talaga ang sarili ko."


"Anak, pasensya ka na kung nagbiro kami sa inyo ng hindi maganda. Napagkasunduan kasi namin ng Papa mo na bigyan ka ng hindi makalilimutang birthday surprise. Kaya naisip namin ang ganoong paraan. Patawarin mo kami, Brett."


Humingi ng tawad ang ina ni Brett sa kanya habang magkayakap silang dalawa. Napakamot na lang tuloy sa ulo ang ama ng Topacio Siblings.


"Marami ka bang kuto, Pa?" seryoso ang pagkakatanong na iyon ni Brett. Dahilan para matawa ang kanyang mga kapatid at ilang bisita na nasa kanilang bahay.


"Nagkamot lang ako, Anak. Marami na agad kuto? Hindi ba puwedeng may dandruff muna?" hinablot ng lalaki ang anak - paagaw sa kanyang asawa. "Halika nga rito! Payakap naman ako!" wika nito.


"Sus! Kunwari ka pa, Papa! Ipapasa mo lang sa akin ang mga itlog ng kuto mo, eh!" nagpupumiglas na sambit ni Brett.


Hinawakan ng lalaki sa magkabilang braso ang kanyang anak na lalaki, at pinunasan nito ang luha na umaagos sa pisngi ni Brett. "Alam mo anak, ang tunay na lalaki, hindi takot umiyak. Pero huwag iyong sobra, baka mapagkamalan kang bakla!" anito.


Tinulak ni Brett ang kanyang ama, pero mahina lang ang puwersang iyon. "Ako bakla? Ha ha! Malamang maraming babae ang umiyak at nagbigti!" animo'y pinasok ng malakas na hangin ang bahay ng mga Topacio sa sinabing iyon ni Brett.


"Isa ba ako sa mga iiyak at magbibigti na iyon, Brett?" sabay-sabay na nagtinginan ang lahat sa gawing pintuan.


---

NOM's note: Nangangamoy happy ending!

---

Time Published: 9:50pm

HAGOOD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon