H4.4

11.2K 64 74
                                    

Panglabing-anim na Hagood

CAUGHT IN THE ACT


Diretso ang tingin ni Brett habang ito ay naglalakad papasok sa Araneta Center sa Cubao. At nang makarating sa entrance, hindi ito kinapkapan ng dalawang security guard, kaya nagtuloy-tuloy na lamang siya sa paglalakad - hanggang sa makarating sa lugar kung saan nito kikitain ang kanyang Pare.

"Ang tagal naman ni Pareng Eiluj!" Nakabusangot na sambit ni Brett habang pinapanood ang isang grupo ng mga lalaki na kumakanta sa event center ng mall.

Sa sobrang inip nito, pinasok niya ang kanyang kanang kamay sa bulsa ng pantalon na suot. Nandilat ang kanyang mata at nagmumura.

"Nasaan na 'yong cellphone ko!" Sigaw nito.

Pinagtinginan ng tao si Brett at halos maghubad na ito sa loob ng araneta.

"Sir, may problema po ba?" tanong ng guwardyang lumapit sa kanya.

Tinignan ng masama ni Brett ang guwardya, "Tanga ka ba? Magsisisigaw ba ako - kung walang problema? Ano tingin mo sa akin? Baliw?!" bwisit na wika nito.

"Sir, pasensya na po kayo. Nagtatanong lang naman ako, dahil trabaho po namin ang seguridad dito sa loob ng mall. At kung ganyan po kayo makipag-usap at sumagot. Mabuti pa pong sumama na lang kayo sa opisina."

Binitbit ng dalawang guwardya si Brett papunta sa opisina. At doon, kinausap siya ng isang babaeng, nasa edad bente hanggang bente otso.

"Good afternoon, sir. We saw you in our cctv-" hindi pinatapos ni Brett 'yong babae sa pagsasalita, at tumayo ito sa bangko at hinampas ang lamesa.

"Wala akong panahon makipag-usap sa inyo! Nawawala ang cellphone ko, at pakiramdam ko'y nadukutan ako rito sa loob ng mall ninyo!" Sigaw ni Brett.

Tumayo ang babae at hinawakan sa braso si Brett, "Please calm down, sir. Hindi po natin mareresolbahan ang problema n'yo kung magwawala po kayo rito na parang lasing."

Napapikit at napakagat-labi si Brett nang pisilin ng babae ang kanyang braso. At animo'y kinuryente ang buo nitong katawan.

"I'm sorry. Hindi kasi sa akin cellphone 'yong nawawala. Ibig kong sabihin, kay Pareng Eiluj 'yong cellphone na iyon."

Nakahawak pa rin sa braso ni Brett ang babae kahit nakaupo na sila parehas.

"I understand you, sir. I feel you. Pero may tanong lang ako," biglang napatawa nang mahina ang babae. "Sorry for that. Nakaka-distract kasi ang itsura mo," sabay halakhak nito. Mabuti na lang at lunch break ng mga oras na iyon at siya lang ang natira sa loob ng opisina.

Inalis ni Brett ang kamay ng babae, "Alam po ninyo, mahilig ako sa babae. Pero hindi sa katulad ninyong malandi!" Napatayo ang babae mula sa pagkakaupo at nilagay nito sa bewang ang dalawa n'yang kamay. "Nainis po ba kayo? Kasalanan po ninyo iyan. At kasalanan din ng dalawang guwardya ninyo ang pangyayaring ito. Kung hindi sana sila nangialam sa paghahanap ko sa cellphone ko. Hindi kayo makaririnig ng masasakit na salita mula sa akin!"

Pumintig ang tenga ng babae at animo'y umuusok na ito sa inis - dahil sa mga sinabi ni Brett sa kanya.

"HEY, SIR! HINDI AKO MALANDI! AT LALONG WALA AKONG INTENSYON NA I-FLIRT KA! ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MO PARA MAG-ASSUME?! HINAWAKAN LANG KITA SA BRASO PARA KUMALMA KA! AT KAYA SINABI KONG NAKAKA-DISTRACT ANG ITSURA MO, DAHIL IYON SA MALAKING NUNAL NA NASA ILALIM NG ILONG MO! TINALO MO PA ANG IDOL KONG SI NORA AUNOR AT LORNA TOLENTINO! KAPAL NG MUKHA NITO!"

Tumayo si Brett at bigla nitong hinalikan sa labi ang babaeng inis na inis sa kanya.

"Miss Faye? What are you doing? And who is that guy?"

---

NOM's note: Namiss n'yo ba ako? Ako rin e, namiss ko kayo! Hahahahahahahahahaha!

---

Time Published: 11:55pm


HAGOOD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon