H6.1

9K 58 97
                                    

Pangdalawampu't isang Hagood


Pasipol-sipol na naglalakad sa loob ng mall si Brett habang hinihintay ang pagdating ng kanyang pare. Ang hindi nito alam, sinusubaybayan siya ng mag-ama sa monitor ng mga cctv's sa loob ng Farmers Mall.

"DAD! I AM SURE NA MAY KATATAGPUIN ANG MAHAL KO!" Nakabibinging sigaw ni Faye sa loob ng monitor's room.

"Relax ka lang, honey. Panoorin lang natin ang mga kilos niya." Wika ng daddy ni Faye.

Hindi mapakali si Faye habang pinanonood si Brett na palakad-lakad at di mawari kung saan patungo.

"DAD! PAANO AKO MAGRERELAX, KUNG MAY IBANG BABAE ANG LALAKING MAHAL KO!" Ibinalibag ni Faye ang mga papel na hawak nito at nagkalat iyon sa loob ng room kung nasaan sila.

Naririndi na ang dad ni Faye sa kasisigaw ng anak nito. Kaya kinuha nito ang kanyang cellphone at tinawagan ang taong makatutulong sa problema ng anak.

"Bwisit na Devorah 'yan! Inispoiled ka kasi!" Bulong ng ama ni Faye habang hinihintay ang sagot sa kabilang linya.

"I heard something, dad! I heard my mom's name!"

"Wala kang narinig. Dahil wala akong sina-" naputol ang sasabihin ng dad ni Faye, "Hello, Mr. Teleno. May ipapagawa ako sa'yo."

Napangiti ang dad ni Faye at nag-thumbs up ito sa anak.

"What does it mean, dad? Ano sabi ni ninong? Tutulungan ba n'ya ako? Sumagot ka dad!"

"YES! OK? YES! Your ninong will help us."

"Immidiately?" pagmamadali ni Faye.

"Wait a minute, Faye." Tumayo ang ama ni Faye at pumasok ito sa restroom.

At habang nasa loob ng restroom ang ama ni Faye. Napansin nito ang cellphone ng dad niya. Tinignan nito ang call logs at napangiti ito nang makita ang pamilyar na pangalan. Hindi pangalan ni Mr. Teleno ang tinawagan ng kanyang ama. Kungdi ibang tao.

"Hey Brett!" Paglingon ng binata, nakita nito ang kanyang pare - kasama ang inaasam makita nito. Ang babe ni Eiluj.

"Hoy Pare!" balik na sigaw nito.

Nag-smash appear ang dalawa na parang nakuryente sa dulo.

"Ang sweet n'yo naman," wika ni Scarlett.

Lumapit si Brett sa pare niya at inakbayan, "Siya ba si Babe?" Nagulat si Eiluj at naitulak ang binata.

"Paano mo nalaman ang tawagan namin? Huwag mong sabihin..." napamura ng mahina si Eiluj sa nakangising si Brett. "Umayos ka pare!" Sigaw nito.

"Kanina sweet, ngayon L.Q."

Animo'y pang-aasar ang mga pasaring ni Scarlett sa dalawa. Ngunit, sa loob-loob nito, para siyang naa-out of place.

"May bibilin lang ako, babe." Pagpapaalam ni Scarlett. Subalit, hindi siya pinansin ng boyfriend. Kaya naglakad na ito papunta sa food court.

"Pare naman! Okay lang 'yong messages ang pinakialamanan mo. Hindi na sana 'yong gallery! Tang'na naman pare!" papunas-punas sa ilong na sambit ni Eiluj.

"Para kang lalaki magalit, p're ah? Epekto ba iyan ng halik ko?" Natatawang sabi ni Brett.

Dinibdiban ni Eiluj ang kanyang pare, "Gago ka talaga! Suka ako nang suka pagkauwi ko! Nakakadiri!" sabay takbo nito pasunod sa girlfriend. Subalit ang labi, nakangiti at ang mga pisngi'y namumula.

"Denying talaga 'tong pare ko!" Wika ni Brett at sinundan na nito ang dalawa.

"DADDY, BILIS! NAKITA KONG MAY LUMAPIT NA DALAWANG BABAE SA MAHAL KO!" Singhal ni Faye na umuusok sa sobrang selos dahil sa nakita sa cctv.

Nagmamadaling naghugas ang dad ni Faye at pinilush ang inidoro.

"DADDYYYYYYYY! WHY YOU'RE SO TAGAL!"

"He is kinda, cute," usal ni Scarlett habang nakapila sa tindahan ng shawarma.


---

NOM's note: Mukhang magkakaroon ng war sa loob sa mall! Kanino kayo? Kay Faye? Kay Eiluj? O kay Scarlett? Hahahahahahaha!

---

Time Published: 11:00 pm


HAGOOD!Where stories live. Discover now