H5.2

10.1K 66 98
                                    

Panglabing siyam na Hagood

Scarlett Mauricio, I love you so much!


"Tinawag mo po akong anak? What do you mean, Ma?" Gulat kong tanong sa mama ng girlfriend ko.

Muntik ko pang mabitiwan ang basong babasagin na hawak-hawak ko.

"Don't get me wrong, Julio. Boyfriend ka ng anak ko. Kaya ganyan ang tawag ko sa'yo." Natatawa nitong sabi sa akin.

Sabi ko na nga ba. Kahit wala naman akong sinabi.

"Iinom lang po ako, Ma."

Pagkatapos kong uminom ng tubig. Nilapitan ko si Mama at inalalayan pabalik sa sala. Wala pa rin si Scarlett. Siguro'y nag-eenjoy siya sa pakikipaglaro sa kanyang boss.

"Ma?"

"Bakit, Julio?"

Yumuko muna ako at pinagmasdan ng ilang segundo ang kamay ko.

"Paano po kayo nakarating sa kusina?" lakas maka-tanga ng tanong kong ito.

"Naglakad ako, Julio," sabi ko nga.

"What I mean po. Hindi po ba, may diperensya po kayo sa paningin? Kaya madalas ay akay-akay po kayo ni Scarlett?"

Biglang lumamig sa loob ng bahay - pagkatapos kong magsalita. Iyong hangin, parang bumabalot sa aking katawan. Nilalamig ako na hindi mawari.

"Iyon nga Julio. Gusto kong ipagtapat sa'yo na hindi talaga ako bulag. Isang palabas lang ang lahat."

Kinagulat ko ang sinabing iyon ni Mama. Napatayo ako mula sa pagkakaupo.

"For real, Ma?" naguguluhan ako. Iyong pawis ko? Tagaktak na! I still cannot believe na nakakakita si Mama. Akala ko, malakas lang talaga ang pakiramdam niya. Iyon pala, nakikita niya ang nangyayari sa bahay. And for all these years? Sa tagal ng panahon na magkasama sila ng anak niya, inilihim nito ang katotohanan.

"Sa tingin mo ba'y nagbibiro ako? Ikaw nga mismo, nagtaka kung paano ako nakarating sa kusina hindi ba?" oo nga naman. Tama si mama.

Natawa ako na medyo nauubo. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa isinambulat ng mama ni Scarlett.

"Maiba po ako, Ma. Iyon na po ba ang sikretong sinasabi n'yo? O, mayroon pa po kayong ibang sasabihin, bukod sa hindi totoong bulag po kayo?" may pakiramdam akong, mayroong mas mabigat pa sa sinabi ni Mama.

"Hindi pa, Julio. Kaya ipangako mo sa akin. Dadalhin mo hanggang sa kabilang buhay ang mga sikretong sasabihin ko sa'yo. Dahil kapag binali mo ang tiwalang ibinigay o ibibigay ko. Mawawala sa'yo ang anak ko."

Mukhang seryoso si mama sa sinabi nito. Ngunit, nakangiti naman siya.

"Seryoso po ba talaga kayo, Ma?" gusto ko lang makasiguradong hindi nagbibiro ang ina ng girlfriend ko.

"Kung pakiramdam mong nagbibiro lang ako. Sabihin mo sa anak ko ang isiniwalat ko. At kung sa tingin mo'y seryoso ako. Ititikom mo ang bibig mo, at magpe-pretend kang wala kang alam."

Seryoso nga si mama. Dahil iyon ang unang beses na makarinig ako sa kanya ng tagos sa pusong mga salita.

"Promise po! Walang makakaalam ng sikreto nating dalawa."

At nang matapos sabihin ni mama ang kanyang sikreto. Tulala akong naglakad no'n paakyat sa kwarto namin ng girlfriend ko.

"See u!" text ko kay Brett.

"Ba't gising ka pa?" sa gulat ko, muntik ko nang mabitawan ang cellphone ng pare ko.

"Hinihintay kasi kita, babe," malambing kong sagot sa girlfriend ko. "Saan ka ba galing?" kahit alam ko naman kung saan siya galing. Itinanong ko pa rin.

"May pinag-usapan lang kami ng boss ko," masyado talagang honest itong girlfriend ko. Palibhasa kasi, alam niyang hindi ako magagalit sa kanya. Kaya inaabuso nito ng sobra-sobra.

"Ano ang pinag-usapan n'yo babe?" pag-uusisa kong tanong.

Naglugay ng buhok si Scarlett - sabay higa sa tabi ko.

"Bakit ba ang dami mong tinatanong, babe?" Napapikit ako nang yapusin ng girlfriend ko ang aking katawan. Namiss ko ang kanyang yakap. Damang-dama ko ang init na sumisingaw sa katawan nito. Mukhang naligayahan siya sa nangyari sa kanila ng boss niya.

"Wala naman, babe," sabay alis ko ng kamay niya. "Matulog na tayo. Pagod na kasi ako. At siguradong pagod ka na rin."

"Goodnight, babe!" parang wala lang. Animo'y bato sa manhid ang girlfriend ko. Bakit ba kasi sa dami ng babae sa mundo, kay Scarlett pa ako nahulog. Ang tanga ko! Ay hindi. Sobrang tanga ko!

"G-g-goodnight, ba-" pagsilip ko sa kanya, tulog na siya at humihilik na. "Pagod na pagod ka ngang talaga. Kailan mo kaya mare-realize na mali ang 'yong ginagawa, Scarlett? Sana, kapag dumating ang araw na iyon. Nasa tabi mo pa rin ako. Dahil kapag nangyari ang bagay na iyon. Pangalawa ako sa magiging masaya para sa'yo. Mahal na mahal kita, Scarlett Mauricio."


---

NOM's note: Pareng Julio, sapakin ko na ba? Hahahaha! Hayaan mo na muna 'yang girlfriend mo. Intindihin mo naman ang sarili mo. At sarili mong kaligayahan!

---

Time Published: 11:59pm


HAGOOD!Where stories live. Discover now