H9.2

4K 38 24
                                    

Pangtatlumpu't limang Hagood


Kinuha ko ang wipes na nasa bag ko para punasan ang mga luhang umagos sa aking mata. Binigyan ko rin si Daddy, para maging fresh. Pagkatapos naming magpunas, kinuha ko ang foundation at polbo. Ayaw ko namang humarap sa mga kapatid ko na haggard ang aking itsura.


"Honey, you don't need to put some foundation on your face. Baka kung ano ang isipin ng mga kapatid mo?" wika ni Daddy na medyo natatawa. Alam ko namang maganda ako. Gusto ko lang naman na dagdagan ang gandang iyon.


"Okay, Dad," pinasok ko na ulit ang foundation at polbo sa bag ko. "Let's go?" umalis na kami ng Daddy ko sa presinto. Walang make-up, walang lip stick, walang eyeliner, walang foundation. Haharapin ko ang mga kapatid kong babae na natural ang itsura ko.


Letlet POV

Nahuli na naman ako ng boyfriend ko na may kahalikang iba. Ang masama pa roon, kaibigan pa niya. Kailangan kong mag-isip ng gagawin kong palusot, para makuha ko muli ang tiwala niya.


"B-Babe..." tumayo ako mula sa pagkakaupo at pinunasan ko ang aking labi.


"Masarap ba, ah! Masarap?" ramdam ko ang inis sa tono ng boses ng boyfriend ko. "Hindi ka ba talaga nagsasawa na saktan ako, Scarlett? Durog na durog na puso ko! Gusto ko mang iwanan ka, hindi ko magawa! Dahil ayaw kong mapariwa ang buhay mo!" nakadurong wika ni Julio sa akin.


Nakaharap sa pader ang mukha ng boyfriend ko ng sandaling iyon. Iyak siya nang iyak, habang ako naman ay nakatingin kay Brett na nakayuko rin. Wala akong pake kung pagtinginan kami ng mga pulis, para namang wala silang pakialam, kahit magsigawan kami sa loob.


"Nabigla lang ako, babe," hinimas-himas ko ang likod ng boyfriend ko. "Saka alam mo namang ikaw lang ang mahal ko. Gamitin man ako ng iba, sa iyo pa rin naman ang puso ko. Alam mo naman iyon hindi ba?" patuloy kong salita.


Hinawi ni Julio ang kamay ko, "Talagang sa iyo pa nanggaling ang mga salitang iyan, Scarlett? Oo, mahal mo ako! Dapat lang naman iyon hindi ba? Dahil mahal kita! Hindi naman puwedeng ako lang ang nagmamahal! Buwisit talaga! Dapat noong unang niloko mo ako, hiniwalayan na kita! Ang tanga ko! Sobrang tanga ko!" binalibag niya ang kanyang sombrero - patapon sa akin. Natamaan ako sa mukha no'n. Masakit, subalit, deserve ko naman ang masaktan niya kahit papaano.


Tumakbo palabas ng presinto ang boyfriend ko. Hindi ko malaman kung susundan ko ba siya, o mananatili na muna ako sa tabi ng kanyang kaibigan na nagdurusa.


"Brett?" hinawakan ko siya sa balikat. "Aalis na muna ako. Mag-uusap na muna kami ng kaibigan mo," nagulat ako nang biglang tumumba sa sahig iyong kaibigan ng boyfriend ko. Ang bilis naman niyang makatulog. Hindi bale na nga, susundan ko na lang si Julio.


Mabilis akong tumakbo palabas ng presinto para sundan ang nagtatampong boyfriend ko. Parang hindi naman ako nasanay sa gawain niya. Kunwari galit, pero kapag pinagbigyan ko, mawawala rin agad. Natatawa tuloy ako sa naiisip ko.


"Babeeeee!" medyo malayo na ang boyfriend ko, kaya sinigawan ko na siya. Subalit, hindi lumingon si Julio. Mukhang galit na galit talaga ang boyfriend ko sa nakita niya. Halik lang naman iyon, eh. Hindi naman big deal ang nangyaring iyon.


Nang bigla kong maalala na nakakalat pala sa sahig iyong cellphone ni Brett. Tumakbo ako pabalik ng presinto, para kuhanin at ipaayos ang cellphone na nasira.


Pagkapasok ko sa loob ng presinto, hinarangan ako ng isang pulis. Matipuno at may itsura ang pulis na humarang sa akin. Para nga siyang pinabata na boss ko.


"Hindi ba ikaw iyong babaeng kalaguyo ng Papa ko? Oo nga, ikaw nga! Hindi ako maaaring magkamali," hinawakan ako sa braso nang pulis at tinawag niya ang iba niyang kasamahan. "Gusto ninyo ba?" tanong niya sa kanyang mga kasama.


Nakaramdam ako ng takot at kaba sa gagawin ng mga pulis sa akin. Kaya pala no'ng tinititigan ko siya, nakikita ko sa kanyang mukha si Boss. Ang malas ko!


"Ipasok mo na iyan sa loob, Arthur! Masarap na miryenda ang kabit!" wika ng isang pulis na kalalabas lang galing sa banyo.


"Paano ba iyan? Kursonada ka ni Chief? Galingan mo, ah?"


---

NOM's note: Gumising ka Brett!

---

Time Published: 10:45pm


HAGOOD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon