H8.4

4.5K 36 105
                                    

Pangtatlumpu't dalawang Hagood


Sobrang naguguluhan na ako sa nangyayari. Kung hindi si Faye ang nagpakulong sa akin? Sino kaya? Hindi kaya iyong ama niya? Maaaring si Mr. Mendoza nga ang may pakana, at may kapangyarihan para ako ay ipakulong ng walang sapat na ebidensya.


Sinitsitan ako ng babe ni Eiluj. Kanina pa siya sa harap ko, hindi ko man lang alam ang kanyang pangalan. Tinignan ko siya ng walang kaemo-emosyon ang mukha ko.


"Bakit?" tanong ko na may kumpas pa ng kamay.


Ngumisi siya, "Ako pala si Scarlett. Girlfriend ng kaibigan mo," nagpakilala rin siya sa wakas. Akala ko ako pa ang magtatanong, eh.


Inilahad ko ang kamay ko, "Ako si Brett. Your man in the future!" lakas ng loob ko talaga. Kahit na nasa loob na ako ng kulungan, nagagawa ko pa ring bumanat.


Pinalo lang ni Scarlett ang kamay ko. Akala ko makikipagkamay na siya. Sayang.


"Man in the future? Ano ka magiging robot?" natatawang wika nito sa akin.


"Palabiro ka rin pala? Parehas tayo," sabay kamot ko sa aking batok. Animo'y nahiya pa ako sa sinabi kong iyon. "Oo nga pala. Bakit biglang umalis si Eiluj?" seryosong tanong ko.


Napansin kong sumeryoso ang mukha ni Scarlett. At kasabay no'n ang biglaang pagkabog ng dibdib ko. Bakit parang kinakabahan ako. Hindi ko mawari ang aking nararamdaman ng mga sandaling iyon.


"Bakit hindi ka makapagsalita? May problema ba?" wika ko, habang nakahawak sa rehas. Hindi ko namamalayan, nakakuyom na pala ang aking mga kamay sa bakal.


Inabot ni Scarlett ang aking cellphone. "P-Paanong napunta sa iyo ito?" tanong ko sa kanya na may agam-agam sa aking isipan. Imposibleng mapunta sa kanya ang cellphone ko.


Hindi pa rin sumasagot si Scarlett sa mga tanong ko. Kinalikot ko ang aking cellphone at nakita ko sa call log ang pangalan ni Pinkie. Ilang oras pa lang ang lumipas ng tumawag siya. Kinakabahan naman ako. Hindi kasi tumatawag ang kapatid ko sa akin, kapag walang problema.


Dinayal ko ang number ng kapatid ko at tinawagan ito. Sa unang ring pa lang, sinagot na agad ng kapatid ko ang tawag ko.


"KUYAAAAAAA!" malakas na sigaw ang binungad ng kapatid ko sa akin. "NASAAN KA NA! PATAY NA SILA MAMA AT PAPA!" pagkarinig ko no'n. Nabitawan ko ang aking cellphone at dahan-dahan akong napaupo sa sahig.


"Sila Mama? Patay na? Paano? Bakit? Hindi puwede! Hindi ko pa nasasabi kung gaano ko sila kamahal! Kung anong hirap ang handa kong isakripisyo para sa kanila! Marami pa akong kailangang baguhin sa sarili ko! Wala pa rin akong trabaho!"


"Brett..." naramdaman kong may humaplos sa aking likod. "Sorry..." bakit siya nagsosorry sa akin? Siya ba ang may sala? Siya ba ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ko?


"Bakit ka nagsosorry, Scarlett?"


"Hindi ko rin alam. Bigla ko na lang iyon nasabi. Kahit ngayon lang tayo nagkita, nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman mo ngayon..." ngayon lang kami nagkita? Eh, bakit parang kamukha niya iyong babae sa bus stop na inaalok ako kung gusto ko. "Kaya rin umalis si babe. Hindi niya kasi kayang sabihin sa iyo ng diretso ang nangyari sa iyong mga magulang. Maski siya ay nasaktan no'ng marinig sa kapatid mo ang nangyari. Nakikidalamhati ako sa inyo, Brett."


"Nararamdaman mo ang nararamdaman ko? Iisa lang ang katawan natin?" bigla akong hinampas sa balikat ni Scarlett. "Bakit mo ako pinalo? Ano ang kasalanan ko?" gusto kong libangin ang sarili ko. Ayokong isipin na wala na ang mga magulang ko. Naniniwala akong buhay pa sila. Dahil kung talagang wala na sila. Wala na akong magagawa, kungdi ang ipagdasal sila.


"Ano ka ba! Ganyan ba talaga kayong mga lalaki! Kahit nawalan na ng mahal sa buhay, parang wala lang?!" ganito ba talaga kami? Oh, ako lang? Bakit nandadamay siya. Kung ako lang, ako na lang.


"Ewan ko, Scarlett. Naguguluhan ako."


Yuyuko na sana ako para takpan ang aking mukha. Ayokong umiyak sa harap ng isang magandang babae. Baka mamaya, isipin niya na bakla ako.


"Brett, nandito pa kami ni Julio," biglang hinawakan nito ang mukha ko. Ang init ng palad niya. Ang sarap sa pakiramdam. Parang nalilimutan ko ang masamang balitang narinig ko, mula sa aking kapatid.


Maya-maya pa'y, hindi ko namalayan, magkadikit na pala ang aming mga labi.


"Babe? Pare? Ano ang ginagawa ninyo?"


---

NOM's note: Patay!

---

Time Published: 8:35pm

HAGOOD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon