H2.3

26.3K 127 46
                                    

Pangwalong Hagood!

LIHIM


HABANG ngumangawa sa pag-iyak si Julio sa tapat ng kanilang bahay, biglang bumukas ang pinto, "Julio, ikaw ba iyang nasa labas?" tanong ng matandang babae.


Suminghot muna si Julio at nagpunas ng luha at sipon.


"Opo, Ma," hindi matatago sa boses nito na galing siya sa pag-iyak. "Bakit gising pa po kayo?" tanong ni Julio.


Tumayo siya at niyakap ang ina ni Letlet. Masamang-masama ang pakiramdam ni Julio ng mga oras na iyon. Pero nang yakapin niya ang matanda, parang bulang biglang naglaho ang sakit.


"Julio, bakit ka ba umiiyak? Dahil ba kay Scarlett?" wika ng matanda at tinapik-tapik nito ang likod ni Julio. "Hindi mo siya dapat iniiyakan, Julio. Dahil kung talagang mahal ka ng anak ko, hindi para magtaksil siya at humanap ng ibang roromansa sa kanya," nagulat si Julio sa sinabing iyon ng ina ni Letlet. Kaya mabilis siyang kumilos para alalayan ang matanda papasok sa loob ng bahay.


Humihikbi pa ng sandaling iyon si Julio habang pinagmamasdan ang mukha ng ina ni Letlet. Nakangiti at animo'y walang problema ang matanda. Pero kahit na ganoon, halata sa mata nito na pagod at inaantok na.


"Ma, bakit po ninyo iyon nasabi? Saka alam po ba ninyo na mayroong ibang kalaguyo ang anak ninyo?" nasabi na rin lang ng ina ni Letlet ang mga katagang may ibang romoromansa sa anak nito, tinanong na rin ni Julio kung paano iyon nalaman ng matanda.


Pakapang hinawakan ng matanda ang mukha ni Julio, "Bago pa man maging kayo, Julio. Nagkikita at nagkakadaupang-palad na ang anak ko at boss niya," mabilis na umagos ang luha sa mata ng matanda. "Pasensya ka na, dahil itinago ko sa iyo iyon. Alam kong kasalanan ang ginawa ko, at ginawa ng aking anak sa iyo. Alam ko rin na mahal na mahal mo siya. Subalit, hindi ko siya mapigilan sa ginagawa niya. Dahil iyong boss ni Scarlett-" biglang naghabol ng hininga ang matanda.


"Ma!" hinaplos-haplos ni Julio ang gawing dibdib ng matanda para masimasmasan ito at itinapat ang electric fan sa kanila. Subalit, giniginaw ang matanda kaya pinatay na lang nito ang electric fan.


"Ma, okay lang po ba kayo?" tanong ni Julio sa matanda ng maging okay-okay na ang pakiramdam nito.


Humagikgik pa nang tawa ang matanda, "Natakot ba kita, Julio?" animo'y seryoso sa kanyang sinabi, pero ang totoo, maski siya ay natakot nang bigla siyang maghabol ng hininga. Pero dahil sa labis na nag-aalala na si Julio sa anak nito, hindi na niya ninais na dagdagan pa iyon.


"Opo, Ma! Sobra!" natatawa ngunit may kaba sa dibdib ang salitang iyon ni Julio. "Alam kong gusto lang ninyo akong patawanin, Ma. Pero sana, tatagan pa po ninyo ang loob ninyo. Nandito lang po ako para sa inyong dalawa ni Scarlett," usal nito sa kanyang isipan habang nakatingin sa mukha ng matanda.


Kapwa sila may luha sa mga mata. Kapwa rin sila may nais sabihin sa isa't-isa. Pero hindi nila mailabas dahil sa takot na nararamdaman. Sa consequences na maaaring mangyari kung sakaling mabulgar at masiwalat ang kanilang mga inililihim.


"Ma, may sasabihin ako."


"Julio, may kailangan kang malaman."


Sabay na nagsalita si Julio at ang ina ni Letlet. Kung gaano kalamig ang panahon sa labas, kabaligtaran naman iyon sa loob ng bahay nila Julio.


---

NOM's note: Binitin pa tayo nila Julio! Hindi pa nila sinabi XD

---

Time Published: 12:00am

HAGOOD!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora