H4

16.4K 80 19
                                    

Panglabing dalawang Hagood!

Kapirasong Papel


3rd Person's POV

Aliw na aliw si Brett habang pinagmamasdan ang mga lumang litrato sa telepono ng kanyang Pare. Hanggang sa makita nito ang litrato ng tatlong batang babae na hubo at walang saplot ang katawan. Pero nang i-zoom in niya ang picture, may nakita siyang isang lalaki sa pinaka-gilid nito.

"Parang ako 'yon a?" sambit nito sa kanyang sarili. Napaupo siya mula sa pagkakahiga. Nawaglit sa isipan nito ang hubo na litrato ng mga babae nang makita niya ang kawangis niya no'ng bata pa. Hindi man sigurado, pero malakas ang kutob nito na siya iyong batang lalaki na nakahubad din sa bandang likuran.

"Sana may load ang phone ni Pare," nag-check balance siya at napangiti siya ng malamang mayroong load ang telepono. "Matawagan nga ang number ko." Anito at dinayal na niya ang kanyang numero.

"The number you have dial is..." muli niyang idinayal ang kanyang numero, "The number you have dial..." nainis si Brett dahil sa hindi nito makontak ang kanyang telepono.

"Ano kaya nangyari kay Pare. Nakauwi na kaya siya?" nagugulumihanan si Brett. Nag-aalala siya kung ano ang nangyari kay Eiluj na Pare nito. Tumayo siya at naglakad-lakad sa loob ng kanyang kuwarto. Hanggang sa sumagi sa isip niya na puntahan na lang niya ito. Pero hindi niya alam kung paano. Hindi niya alam kung saan namamalagi ang Pare niya.

"Badtrip naman o!" Napakamot ng ulo si Brett dahil sa inis. Maya-maya pa ay tumunog ang telepono na kanyang hawak. May natanggap itong texts at sunud-sunod ang mga texts na kanyang nabasa. Kamot sa ulo, pamewang, lakad dito, upo sa kama, hindi alam ni Brett ang gagawin - kung bubuksan ba niya ang mga texts o hahayaan lang nito.

"Bahala na nga!" Pinakialamanan nito ang telepono ni Eiluj. Hindi lang gallery ang kanyang ginalaw. Pati ang text messages ng telepono ay kanya na ring pinakialamanan.

"Puro babe ang nababasa ko. Siguro girlfriend niya itong nagtetext. Kawawa naman, nag-aalala na sa kanya," anito sabay upo sa kanyang higaan. "Mabuti pa si Pare, may karelasyon. Higit pa roon, mahal na mahal siya. Ramdam ko iyong bawat letra ng text sa kanya. Ang suwerte ni Pareng Eiluj sa babe niya." Inggit ang mamumutawi sa mukha ni Brett ng mga sandaling iyon. Sumagi tuloy sa isip niya, sana iyong babe ng Pare niya ay babe niya rin.

"Makopya nga ang numero."

Inilapag ni Brett ang telepono sa kanyang kama at naghanap siya ng ballpen at papel. At nang makakita siya, agad niyang kinopya ang number ng babe ni Eiluj. Nakangisi ang kanyang labi ng mga oras na iyon. Parang naliligayahan siya dahil sa mga texts na nagpapakita ng umaapaw na pagmamahal sa isang tao. Siguro ay ganoon ang klase ng taong gustong makasama nitong si Brett. Pero saan? Siguro ay sa kama.

"Patay ka sa akin ngayon!" Napatalon si Brett pahiga sa kanyang kama at hinalik-halikan ang kapirasong papel na sinulatan niya ng numero ng babe ni Eiluj. Mukhang may binabalak na hindi maganda itong si Brett.

Bago tuluyang mamahinga si Brett, muli nitong dinampot ang cellphone na nasa kanyang tabi at nagtext sa kanyang numero.

"Pare, magkita tayo bukas sa Cubao Farmers! Magreply ka, kapag natanggap mo itong text ko!" maraming smiley ang karugtong ng text na iyon ni Brett. Animo'y nag-aasar na hindi mawari. Pero iba ang pakay nito kaya agad-agad siyang makikipagkita kay Eiluj. Marami siyang naiisip na gustong gawin kapag nagkita na sila.

"Oo nga pala, Pare! Isama mo ang babe mo! Kapag hindi mo sinama, makakatikim ka ulit ng bangis ni Brett!" Natatawang isinend nito ang pangalawang text niya sa number niya - gamit ang telepono ni Eiluj.

Nang makapagtext na si Brett, tinignan niya muli ang kapirasong papel, "Ano kaya ang itsura nitong si babe? Maganda kaya siya? Sexy? Hot? O baka pangit. Pero hindi naman siguro pipili ng nakakasura si Pare. Kaya sigurado akong maganda iyon at sigurado rin akong makukuha ko siya!" Wika nito at tuluyan nang natulog.

Natutulog nang nakangiti si Brett - hawak ang kapirasong papel. Ngunit sa kasarapan ng kanyang pagtulog, tumunog ang telepono at mayroong tumatawag.

---

NOM's note: Gisingin ninyo ako! Este si Brett pala! Hahaha!

---

Time Published: 11:30pm

HAGOOD!Where stories live. Discover now