H3

22.8K 130 15
                                    

Pangsiyam na Hagood!

EXCHANGE PHONE!


Brett's POV

SINALUBONG ako ni Mama ng malakas na sigaw pagbukas ko ng pinto ng aming bahay. Muntik na akong matawa dahil doon. Paano ba naman, ang ganda-ganda ni Mama, biglang naging halimaw. Biro lang iyon. Kasi kahit na ganoon si Mama, maunawain naman siya at naniniwala naman sa akin - minsan.

"SAAN KA NA NAMAN GALING! KANINA PA AKO TUMATAWAG SA CELLPHONE MO!" Kinapkap ko sa bulsa ang cellphone ko, ngunit wala. "O, ANO ANG HINAHANAP MO? HUWAG MONG SABIHIN NA NAWAWALA NA NAMAN ANG CELLPHONE MO!" Nilapag ko ang bag ko sa sahig.

"Nandiyan lang po sa loob, Mama. Kahit tignan po ninyo. Saka, lowbat po kasi ako." Palusot kong sagot kay Mama. Pero ang totoo, hindi ako sigurado kung nasa bag ko nga ang cellphone ko.

"Sinasabi ko sa'yo, Brett! Kapag wala rito ang cellphone mo, humanap ka na ng ibang bahay!" Galit na galit talaga si Mama sa akin. Regalo niya kasi iyong cellphone na hinahanap niya. Gamitin ko raw para kapag nakapasok ako sa aaplayan kong trabaho, mabilis kong masasagot ang tawag.

Hinanap ni Mama ang cellphone sa bag ko, "Wow!" Sigaw ni Mama.

Nanlaki ang aking mata ng makitang ibang cellphone ang nakita ni Mama sa bag ko. "Hindi kaya kay, pare iyong cellphone na 'yon?" narinig ni Mama ang sinabi kong iyon. Kaya tumayo siya - hawak ang cellphone.

"Sinong pare? At kailan ka pa nagkaroon ng kumpare? Huwag mong sabihin, Brett..." patay na naman ako nito. Gumana na naman ang malawak na imahinasyon ni Mama. Sigurado akong nag-iisip na siya ng hindi maganda.

Nakakatakot ang mata ni Mama. Hindi ko gusto ang ngisi niya. Sabagay, para pa rin siyang teenager kung umasta. Takot kasing tumanda.

"Bakit ka natatawa, Brett? Siguro naisip mo na kung ano ang sasabihin ko, no?" hinawakan ko sa noo si Mama at saka ako naghubad ng sapatos. Mabuti na lang at matangkad ako sa kanya, kaya magagawa ko siyang mapigilan kapag lalapit sa akin.

"Mama, hindi iyon lalaki. Saka hindi ko magagawang mambakla. Kaya po ako late na nakauwi, inabutan po kasi ako ng malakas na ulan." Hindi na iyon palusot, totoo na talaga iyon - puwera na lang sa pangalawa kong sinabi. Medyo defensive nga ang sinabi kong iyon, kahit hindi naman kailangang sabihin.

"Sigurado ka, Brett?" tanong ni Mama pagkahubad ko ng sapatos. "Syempre naman po!" Mabilis kong sagot, sabay takbo papunta sa hagdanan.

"Hoy Brett! Hindi ko pa nasasabi ang sasabihin ko sa iyo! Bumaba ka nga rito!" Bababa na sana ako, "Ano ba iyan, Candice! Sigawan kayo nang sigawan!" Animo'y papel na tiniklop si Mama nang sumigaw si Papa.

Dahan-dahan akong pumanik sa taas at nang makapanik na ako, lumapit ako kay Papa at nagmano. Tinapik ako ni Papa sa balikat ng may ngiti sa mukha. Spoiled kasi ako kay Papa - kahit na ako ang mali, ako pa rin ang kinakampihan niya. Katuwiran niya kasi, ako ang lalaki sa tatlong magkakapatid. Kaya mas kinakampihan at pinaniniwalaan niya ako. Sana nga, kampihan pa rin niya ako kapag nalaman niya kung ano ang ginawa ko kanina.

Pagkapasok ko sa aking kuwarto, narinig ko sila Mama at Papa na nagsisigawan. Nag-aaway na naman sila dahil sa akin. Nakokonsensya ako. Pero hindi ko magagawang aminin ang nangyari. Ni hindi ko nga nasabi kung sino si Pare. At kung paano nagkapalit ang cellphone naming dalawa. Ayoko rin kasing dumating sa punto na palayasin nila ako at kamunghian dahil sa aking ginawa.

Habang nag-aaway sila Mama at Papa, humiga na ako sa kama at nagmuni-muni. Naalala ko tuloy iyong nangyari sa amin ni Pare kanina.


---

NOM's note: Pasaway pala itong si Brett! Saka ano kaya iyong nangyari sa kanila ng Pare niya? Pare, mahal mo daw ako na kaya? Dahil d'yan, maglalagay po ako ng music video ng Pare, mahal mo daw ako?

---

Time Published: 11:25pm

HAGOOD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon