H2

30K 152 46
                                    

Panglimang Hagood!

LETLET


Letlet's POV

Finally, I got home! Grabe talaga iyong scenario kanina sa bus stop. Inisip siguro no'ng lalaki na flirt ako. Eh, iba naman 'yong ibig kong sabihin sa sinabi ko kanina. Iyong mata niya, iba eh. Iba talaga ang dating. Para siyang manyak na unggoy! Eh, iaalok ko lang naman iyong kinakain kong mani no'n.


"Letlet, magpalit ka ng damit bago ka matulog," narinig kong sabi ni Mommy pagdating ko. 


"Opo, Mom," sagot ko.


Inilapag ko na ang mga dala ko sa aking higaan at pumasok na ng banyo, para makapag-half bath. Nang matapos na ako magbuhos, nakahubad akong lumabas ng banyo. Ako lang naman mag-isa kaya okay lang ang ginawa ko.


Habang ako ay naglalakad papunta sa aking closet. Nararamdaman ko na parang may natingin sa akin. Para bang nasa kuwarto ko iyong lalaki kanina. Geez! Nakakapang-init ng dugo, kapag naaalala ko.


Nang makarating na ako sa cabinet, kinuha ko ang paborito kong damit na pantulog. Kulay itim na manipis iyon at pajamas. Hindi ko alam kung blusa ba ang tawag o nighties. Basta manipis siya na parang lambat.


Isinuot ko na ang aking pantulog at umupo ako sa kama. Kinuha ko ang cellphone at naglaro ng candy crush. Habang ako ay naglalaro, biglang tumunog ang isang cellphone ko na dinadala ko kapag papasok sa trabaho.


"Babe, late na ako makakauwi. May nangyari kasi sa kaibigan ko. Kailangan kong dalhin sa ospital," kinabahan naman ako sa text ni babe.


Agad kong dinayal ang number ng boyfriend ko. Ngunit, out of coverage area. Tumayo ako sa kama at naglakad-lakad. Hindi ako mapakali. Iba ang kutob na nararamdaman ko. Ano kaya nangyari sa kaibigan ng boyfriend ko.


Tinadtad ko ng text ang babe ko. Sigurado naman akong matatanggap niya ang mga text ko kapag binuksan o nakapagcharge na siya ng cellphone.


"Babe, magtext ka agad ah? I love you!"


"Babe, nakalimutan ko sabihin, hindi na pala kita naantay kasi ang lakas ng ulan kaya umuwi na ako. Ingat ka sa pag-uwi ah? Balitaan mo ako."


"Babe, hindi talaga ako mapakali. Please charge your phone."


"Babe..."


"Babe, hindi ako matutulog. Hihintayin kita."


Habang hinihintay ko ang reply ng boyfriend ko. Biglang tumunog ang isa ko pang cellphone. Mabilis akong naglakad pabalik sa kama. Nasa terrace kasi noong nagtetext ako sa boyfriend ko.


"Bakit kaya tumatawag si Boss," usal ko, habang nag-iisip kung sasagutin ko ba iyong tawag at magpretend akong tulog na.


Sinagot ko na lang iyong tawag ng boss ko. "Hello boss?" napapaismid ako habang hinihintay ang sagot niya.


"Nasaan ka, Scarlett?" iyong boses ni boss parang kinakabahan. "Nakauwi na po ako. Bakit?" sabi ko.


"Makakalabas ka pa ba? Nandito kasi ako malapit sa bahay ninyo," napahawak ako sa dibdib at kinabahan. Tumayo ako sa kama at naglakad papunta sa terrace. Nakita ko ang boss ko sa kanto ng subdivision na nakatayo sa tapat ng kotse nito.


"Ang ganda mo sa suot mo ngayon. Kitang-kita ang hubog ng iyong katawan," wika nito na nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Pero hindi ko na iyon inusisa pa kung bakit niya iyon nasabi. Alam ko naman sa sarili ko na sexy ako at maganda.


"May problema po ba, boss?" pumasok ito sa sasakyan niya. "Boss?" hindi na sumagot ang boss ko. Pero nang tignan ko ang cellphone ko, hindi pa naman call ended. Naririnig pa rin niya ang mga sinasabi ko.


"Sandali lang po. Lalabas na po ako."


---

NOM's note: Habang sinusulat ko ito - walang hingahan. Hahaha! Promise!

---

Time Published: 10:30pm


HAGOOD!Where stories live. Discover now