Katorse || Part Two

1.6K 49 1
                                    


He would do anything to make you happy, even though he looks like weird or anything else.


Kadarating lang ni Vice sa studio nang madaraan nga ang mga kumpulang tao sa may Dr ni Karylle. Nagtaka naman sya dahil andun na rin sina Mrs. Z at Dr. Modesto at ang mga kapatid nito na parang instant reunion.

"Anne, anyare?" Minabuti nyang tanungin si Anne na nakatingin lang sa malayo.

"Kanina pa sya nagkukulong dyan Girl. She's brokenhearted."

"Kay Yael? Hindi na ako magtataka."

"Kelangan nya ng karamay now girl and I know, ikaw yun."

"O sige. I'll try.."

Unti unti namang humawi ang mga tao ng dumating si Vice. He slowly knock the door trying to talk to her.

"Karylle? Karylle, si Vice to. Andito lang ako. Kahit ako lang ang kausapin mo?"

Nalungkot naman ang mga tao sa paligid nya ng hindi tumugon si Karylle. Unti unti na syang lumayo sa pinto at aalis na sana ng biglang bumukas ito, showing the Karylle na ayaw nyang makita. Her eyes was swollen like she spent her whole day for crying but even though she's hurting right now, she still showed up her smile for those people na nasa likod ni Vice. She suddenly held his hand at ipinasok sya sa loob.
Pagpasok, kaagad silang umupo sa isang upuan. Hindi naman na nakapagsalita si Vice dahil isinandal na kaagad ni Karylle ang ulo nya sa balikat ni Vice at nagsimula na namang umiyak.

"Ok lang na umiyak, it is the least thing you can do now Karylle. Basta, andito lang ako lagi." Sabi ni Vice habang inaalo ang likod ng dalaga. Hindi naman makasagot si Karylle dahil sa paghikbi. "Iiyak mo lang yan Karylle. Andito lang naman ang clown mo."

Isang impit na ngiti naman ang nakita nya sa mukha ng kaibigan.

"Naalala mo ba when you told me about natamaan kita ng doll sa ulo mo?"

"Vice naman eh!" Napangiti naman si Karylle nang maalala ang tagpong iyon.

"Hindi pa talaga ako nakakabawi sayo nun. Kapag naalala ko yun, naguguilty ako."

"Hm? Bakit naman?"

"Ewan ko. Sa sobrang lakas ng tama ko sayo, nasaktan na kita."

"Vice, parang iba na ata yung sinasabi mo?"

"Basta. Wala akong pakealam kahit na magmukha akong tanga, mapasaya lang kita. Lagi mo yang tatandaan huh?"

"Kelan ko ba yun nakalimutan?"


Inistalk ka nya ng hindi mo alam. Kelangan nyang malaman ang personal details mo. Ang behaviour mo at kung nasaan ka.

"Ana.. Karylle.. Tatlonghari.."

He quickly closed his laptop nang mabasa iyon ni Vhong.

"Vhong, a..anong ginagawa mo..dito?" He asked, worriedly.

"Wala. Gusto ko lang makipagkwentuhan. Teka, bakit may pangalan ka ni K sa laptop mo?" Nagtatakang tanong ni Vice. Hindi naman makatingin ng maayos si Vice sa kaibigan dahil sa kinakabahan.

"Umm. Ehh.."

"Wait, are you--?" Kaagad namang nakuha ni Vice ang gustong sabihin ni Vhong kaya pinutol nya ito kaagad.

"No way! Hindi ko inistalk si Karylle no! Wala kang patunay Vhong!" Napanganga naman si Vhong dahil sa sinabi ni Vice. Wala naman kasi syang sinabi pero kaagad itong pinagpawisan ng malalamig.

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Where stories live. Discover now