ALWAYS

1.2K 53 9
                                    


"This is your show, your time, it's Showtime!"

Pagkatapos magpaalam sa mga tele viewers ay mabilis na hinatak ni Vice si Karylle papunta sa kanyang kotse. Hindi na naman pa nakaangal si Karylle sa ginawa ng boyfriend dahil sanay na sanay na syang higitin nito papunta kung saan. Minsan, ay sa club kung saan kadalasan silang nagdadate nang hindi naman masyadong nahahalata ng mga nagpupunta doon.

"Tell me, san mo na naman akong planeta dadalhin Vice?" Natatawang tanong ni Karylle habang nakasandal sa bintana ng kotse. Naka crossed arms pa ito habang pinagmamasdan ang boyfriend na halatang nagmamadali.

"San naman kayang club mo ako balak pagtripan Viceral?" Pangalawa nyang tanong na syang nakapagpalingon sa binata.

"Ano bang sinasabi mo dyan Karylle? Hindi kita sa club dadalhin." Pagkumpirma ni Vice bago nagbawi ng tingin para tingnan kung hihinto ba sila o hindi.

"Eh saan? Mukhang ngayon ka lang nagmamadali ng ganyan ah?" Usisa nya bago umayos ng upo. Humarap sya sa binata na kasalukuyang inililiko ang sasakyan.

"Alam mo naman ang traffic diba? Syempre I don't want to disappoint you." Nakangiting sagot nya. Hindi naman mapigilang kiligin ni Karylle sa sinabi ng boyfriend.

"And tell me, mahalaga ba yang pupuntahan natin at ayaw mong matraffic?" Paguusisa ulit ni Karylle. Nahahalata na naman ni Karylle ang interest nito sa pupuntahan nila kaya hindi na sya nagbigay pa ng hint na ikinainis naman ng dalaga. Napa pout na lang sya saka sumandal muli sa bintana. Napapangiti at the same time, napapailing na lang si Vice sa inasal ng girlfriend. He always found it cute  everytime naiinis si Karylle sa kanya.

Hindi na naman pa ulit kinausap ni Karylle si Vice dahil sa inis bagkus parang batang nagtuturo ng mga nakikita nya. Lalo pa nyang ikinainis ang hindi pagpansin ng boyfriend sa pagpapa chicks nito. Napapangiti na lang naman si Vice sa mga inaasta ng girlfriend na hindi man lang nya pinapahalata.

Mabilis naman silang nakadating sa kanilang pupuntahan dahil hindi naman ganoong traffic. Napaayos naman si Karylle ng upo nang makahalata na sya kung saan sya talaga dadalahin ng binata.

"Teka. Bahay mo to diba?"

Hindi naman sumagot si Vice instead dahan dahang itinigil sa kanyang usual spot saka bumaba at pinagbuksan ang dalaga. Wala man lang reaksyon si Karylle dahil sobrang inis na inis na talaga sya sa kanya.

"Wag kang papasok sa bahay ng hindi ako kasabay. May gagawin lang ako." Bilin ni Vice sa dalaga na hindi nya naman inintindi. Basta basta na lang ito nawala na ikinagulat nya.

"Pagkatapos balewalain, iiwan na lang ako basta. Tell me, boyfriend ko ba talaga yung lalaking yun? Tsssh. Nagsisisi talaga akong hindi ko pinaalalang monthsary namin. Aiish!" Naiinis na sabi ni Karylle sa sarili. Maya maya pa ay dumating na rin si Vice galing kung saan.

"Tara na. Pwede na tayong pumasok." Aya ni Vice bago hawakan ang bewang ng dalaga. Kaagad namang humiwalay ang dalaga at napairap.

"Kaya kong pumasok. Wag mo na akong alalayan!" May pagkamataray na sabi ni Karylle na nauna ng pumasok sa loob. Napapailing na lang naman si Vice sa mga napapansing kilos ng dalaga.

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon