[23] 737

1.8K 55 2
                                    

"Vice, handa ka na ba para sa iyong task?" Mabilis na napalunok si Vice ng marinig ang tanong na iyon kay Kuya."Opo?" He then laughed fakely bago muling magisip. Kaya nya nga kaya ang task na iyon para lang sa isang bagay? Sa isang tao.

"Bakit parang nagaalinlangan ka ngayon Vice? Nagbago na ba ang isip mo? Akala ko ba, gusto mong mapasaya si Karylle kahit ngayong araw lang, ngunit parang nagdadalawang isip ka na ngayon."

"Hindi naman sa nagdadalawang isip Kuya. Iniisip ko rin naman ang sarili ko. I know the fact na masasaktan lang ako kapag ginawa ko ang bagay na iyon. Ayoko na ulit umiyak Kuya.. Ayoko na.." Malungkot at sinserong sabi ni Vice. Mas komportable syang sabihin ang mga bagay na iyon ngayon dahil walang camera. Walang plastikan.

"Alam naming masasaktan ka dahil mahal mo sya ngunit kelangan mong isipin na kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat, mapasaya lamang siya at yun ang gagawin mo. Naiinis ka sa sarili mo dahil nakikita mo si Karylle na malungkot sa aking bahay kaya mo ginawa ang task na ito. Alam mong miss na nya si Yael kaya mo ito gagawin. Yan ang tandaan mo Vice. "

Vice smiled sadly habang nakikinig. He slowly nodded habang nagiisip isip. Nakapagdesisyon na sya.

"I'll do the task Kuya and I'll promise, mapapasaya ko si Karylle." Matapang na sabi ni Vice na may bitbit na ngiti sa kanyang labi.

"Maaari mo ng kuhanin ang small envelope na nakapatong sa aking lamesa at basahing mabuti ang aking task.."

Pagkabasa ay dumiretso na sya kaagad palabas at sinimulang gawin ang kanyang task. Nakita nya ang mga kapwa nya housemates na naglilinis kasama si Karylle.

"Right on time.." He said to himself habang palihim na ngumingiti.

"Vice!Vice!" Nawala naman ang kanyang iniisip ng tumalon sa kanyang harapan si Karylle at niyakap sya ng napakahigpit.

"Kanina pa kitang hinahanap."

His eyebrows knitted together as he untangled himself from the hug at confused na tumingin sa dalaga.

"Bakit?"

"I need your help. Can you make isod isod the sofa? It's too heavy eh."

"O--Hindi pwede. Pagod ako eh." Papayag na sana sya nang maisip nya ang kanyang task. Mabilis pa sa alas kwatro syang tumanggi at saka umupo sa sofa na pinapausod ni Karylle. Nagtaka naman ang mga housemates maging si Karylle sa inasal ni Vice. Pinabayaan na lang nya iyon ni K dahil baka pagod nga lang ito.

Ilang minuto ang lumipas, lumingon lingon si Vice para silipin ang ginagawa ng mga housemates. Mukhang busy pa sila kaya kinuha na nya itong pagkakataon para muling isagawa ang kanyang task. Unti unti nyang ginulo ang ayos ng mga unan sa sofa at ang carpet. Pagkatapos, mabilis syang umalis at pumunta sa kwarto. Napailing na lang si Karylle nang makita ang iniwanan ni Vice. Tumingin sya sa kwarto ng mga boys at nakita nya itong nakasara.

"Parang may mali. " Ang mga katagang iyon ang namutawi sa kanyang isipan bago muling ipagtuloy ang kanyang ginagawa.

Let's tend to Vice's side, mabilis syang kumuha ng isang face towel at ipinunas sa kanyang mukhang basang basa na sa pawis. Hindi na nga ata kaya ang misyon nya pero susubukan pa rin nya alang alang kay K.

"Kuya Vice, kakain na daw po.." Ylona said while knocking on his door. Mabilis naman iyong binuksan ni Vice at sinundan ang dalaga. Naninibago naman ang mga housemates dahil hindi iyon ang kadalasan na Vice na nakikita nila. Madaldal, magalaw, makulit. Hindi pa man natatapos si Vice ay nagwalk out na kaagad sya at dumiretso sa pool area. Hindi na nakayanan ni Karylle at sinugod na si Vice para kausapin.

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Where stories live. Discover now