Heaven || Part Two

885 40 1
                                    


"Karylle.."

Nagising si Karylle nang may biglang kumalabit sa kanya. She quickly rubbed her eyes and then open it at kaagad na tumambad sa kanya ay ang pagmumukha ng binata. Mabilis naman syang napabangon as she realized that kaharap nga nya si Vice.

"You don't have to pretend Karylle. Vhong told me already. Don't worry, I will protect you always." Nagulat naman si Karylle sa sinabi ni Vice. Nakita nya ang sensiridad sa mga mata nya kaya naman napatahimik sya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin Karylle? Maiintindihan ko naman eh." Dagdag ni Vice na umupo katabi ng dalaga. Hindi naman mapigilan ni Karylle na makonsensya sa mga naririnig nya kay Vice.

"Vice kasi.. To be honest with you, natatakot ako. Natatakot ako sa magiging reaksyon mo." Bigla namang napayuko si Karylle habang sinasabi ang mga katagang iyon. Napansin naman iyon ni Vice kaya naman he slowly lift her chin up, saka ngumiti dito.

"No. Wag mo ng isipin yun ah? Basta ngayon. Magkasama tayo hanggang sa huli. Tatapusin ang limang araw na magkasama tayo. Sa limang araw na yun, ikaw ang magiging sentro ng buhay ko. " Nakangiting sabi ni Vice para mapagaan ang atmosphere sa kwartong iyon. "Ipaparamdam ko sayo na secure ka sa akin. I will protect you hanggang dulo. Ganun ka kahalaga sa akin ah?" Dagdag pa nya. Hindi na naman napigilan ni Karylle na mayakap ang binata.

"Hindi kita makakalimutan Vice. Hindi ngayon, hindi bukas, hindi kailan man." Karylle said which made him smile.

"Corny mo!" Banat naman ni Vice bago tuluyang tumayo. "Oh sige,fix yourself."

"Huh?" Bigla namang nalito si Karylle sa sinabi ni Vice.

"I said fix yourself. We're going to a roadtrip. Tayo lang dalawa. Ililibot kita sa buong mundo hanggang sa makalimutan mong limang araw na lang ang natitira."

Natouch naman si Karylle sa sinabi ni Vice kaya naman mabilis pa sa alas kwatro syang tumayo at ngumiti sa binata.

"Sige but say please with your cutest voice.." Asar naman ni Karylle sa binata. Pinagbigyan naman sya ni Vice na nagpuppy eyes pa.

"Please?" Vice asked, almost pleading.

"Kulang pa eh. Konti na lang.."

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Where stories live. Discover now