I'll Never Go || Part Three

1.1K 47 10
                                    

Magiisang araw na rin simula ng umalis ako sa realidad. I'd rather choose this private resort here in Subic kesa naman kung saan pa ako magpunta.

"Lalo akong nasasaktan kapag nakikita kitang nahihirapan Karylle pero anong magagawa ko diba? Ikaw pa rin naman ang magdedesisyon kung kailan mo ito tatapusin.."

Napabuntong hininga na lang ako nang maalala ko ang mga huling salitang sinabi ni Vice sa akin. Siguro tama nga sya. Ako lang ang makakatapos sa set up na ito. Sa akin nakasalalay ang lahat.

After some random thoughts, I decided to twirled my hair into a messy bun. Pagkatapos ay humiga din ako sa isang duyang gawa sa abaka. Then I slowly closed my eyes to give me some rest. Sana ganito na lang lagi. Na wala akong proproblemahin na Vice o Yael. Na hindi na ako kelangan magdesisyon para sa iba. Na ang problema ko na lang ay ang lamig ng tubig sa dagat at lakas ng paglampas ng hangin. Sana hindi na lang matapos ang araw na ito.

"Girl, wag masyadong ifeel, mawawala rin yan mamaya.."

Idinilat ko ang right eye ko para makita kung sino yung nagsasalita. Kinusot ko yung mga mata ko para makita sya ng maayos. Teka. He's not familiar. Sigurado akong hindi sya taga dito. Teka, paano nga pala sya nakapasok dito eh sa pagkakaalam ko eh private resort to?

"Andami mo namang tanong Girl. Hindi nga ako taga dito."

Paano nya nasagot ang mga tanong sa Isip ko? Teka, nababasa nya ang laman ng isip ko?

"Basang basa kita girl. Wag kang ano dyan."

"Eh kung ganun, sino ka?" Tanong ko sa kanya habang nalilito pa rin sa mga nangyayari. Hindi naman sya nakasagot. Teka. Baka naman magnanakaw sya ngayon. Or baka gagahasain nya ako. O baka naman. Dyosko naman.

"Girl don't worry, hindi kita gagalawin. Angel kaya ako.Mabait ako."

"Angel? Kung Angel ka eh sino ka namang anghel aber?" Tanong ko sa kanya. Sinasakyan ko lang naman ang mga sinasabi nya eh. Ewan ko ba kung maniniwala ako o hindi.

"Ako ang anghel ng buhay nyong tatlo.."

"Anghel naming tatlo? Sino namang tatlo?" Nalilito ko paring tanong.

"Ikaw, Si Vice at si Yael." With that, bigla akong hindi nakagalaw. Sya ang anghel naming tatlo? Paano nangyari yun?

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Where stories live. Discover now