PROD

1.6K 60 7
                                    

Disclaimer: Pahabol! ❤❤❤

"Please welcome, our very own, Vice Ganda!"

Pagkatapos na pagkatapos ng sabing iyon ni Vhong ay pumunta na agad ang ibang Showtime hosts sa stage kung saan andun si Vice. Si Karylle naman ay literal na hindi makagalaw dahil sa mga narinig kanina. She was caught sa mga sinabing iyon ni Vice. Ramdam na ramdam nya ang mga lirikong kinanta ng binata. Na para bang sinadya nya itong kantahin para patamaan sya.

"Hindi ka ba aakyat sa stage inaanak?"

Natauhan naman si Karylle sa tanong na iyon ng Ninong Kim nya. Napatingin sya dito saka napatingin sa taas ng stage. Sya na lang ang kulang.

"Ano. Sige po. Salamat po Ninong." She said bago nya tuluyang iwanan doon ang kanyang Ninong. Dali dali syang umakyat sa stage at saka tumabi kay Anne na syang katabi naman ni Vice. Hindi na naman pa nagtaka ang mga fans ng dalawa dahil sanay na sanay sila sa ganoong routine ng dalawa nilang sinusuportahan.

Pagkatapos ng ilang spiels ay nag commercial break na. Sabay na naglakad papasok ng lounge sina Vice Ganda at Karylle para makapagkwentuhan sa isat-isa.

"Ok lang ba ang prod ko Kurba?" Vice said as grabbed her closer.

"Oo naman. Ang sakit lang nung mga hugot mo." Natatawang sabi ni Karylle saka ipinatong ang kaliwang kamay sa bewang ng binata.

"Grabe naman to kung makasakit. Mema lang naman yun eh. Memarelate lang sa mga madlang people.." Sagot naman ni Vice na hindi pa rin inaalis ang kamay ni Karylle sa bewang nya.

"May pinapatamaan ka ba sa kanta mo?" Karylle blurted out. Napaisip naman si Vice sa tanong na iyon ni Karylle.

"May pinapatamaan? Hmm. Bakit mo naman yun inisip Kurba?" Balik nyang tanong sa dalaga.

"Natamaan kasi ako eh.." She thought.

"Wala naman. Since you sang that song, I though pinapatamaan mo sya." Pero kabaligtaran naman nito ang isinagot nya dito.

"Sya? Bakit lagi na lang sya ang naiisip mo kung pwede namang ikaw diba? Gaano ba kadaming anesthesia ang itinurok sayo at ganyan ka kamanhid?" He thought.

"Sus. Wala yun. Ikaw talaga." Natatawa naman nitong sabi.

"Ah. Sige. Mauuna na ako sa dressing room ko. I need to retouch eh. Hiyang hiya naman daw yung light makeup ko sa putok nyang labi mo."

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon