Dating Tayo[02]

582 16 0
                                    


"Sigurado ka na ba talaga dyan Vicey?" Karylle asked, worried.

"Oo nga Kurba. Hindi naman ako papasok kung I'm not feeling well pa eh. Sige na, payagan mo na ako." Sagot naman ni Vice, almost pleading.

"O sige na nga." Halatang napilitan na lang naman si Karylle na umoo na lang sa hiling na iyon ng kaibigan. "Btw, sa amin ka na ni Kaykay sumabay, ako na ang bahalang magpaliwanag sa mga bakla." Dagdag pa ng dalaga na pilit isinusuot ang kwintas na iyon.

"O sige. Teka, ako na ang maglalagay nyan, hirap na hirap ka na eh." Nahihirapang sabi ni Vice na kinuha ang kwintas na iyon mula sa leeg ni Karylle. Hindi na naman umangal pa si Karylle dahil nahihirapan na talaga sya. Mula sa malayo, aakalin mong totoong magkarelasyon sila, mula sa tindig at sa mga kilos nilang dalawa. Pagkatapos ng ilang minuto ay nailagay na rin ito ni Vice sa leeg ng dalaga.

"Teka, yan ba yung kwintas na ibinigay ko sayo when you celebrated your birthday three years ago?" Vice asked as soon as he realized kung anong kwintas ang suot ni Karylle.

Karylle smiled as she nodded. "Oo. Syempre, mahal to no. Pwede kong maibenta kung kelangan namin ng pera, oh diba nakatulong ka pa." She added. Napailing nalang si Vice sa narinig at hindi mapigilang mapangiti dahil sa pagiging praktikal ng dalaga.

"Btw, ok na ba yung outfit ko?" Tanong ni Vice na iniba na ang usapan. Pinagmasdan naman ito ng dalaga at napasimangot na lang dahil sa maling nakita.

"Yung collar mo, wait lang." Karylle stated habang lumalapit sa kanya. "Baba ka ng konti, I'll just fix your collar." Medyo lumuhod naman si Vice na ngayon ay kasing tangkad na lang ni Karylle. Karylle on the other hand, immediately fixed his collar dahil alam nyang medyo nangangalay na rin naman si Vice.

"Teka, bakit parang bihis na bihis ka ata?" Karylle noticed pagkatapos nyang maayos ang collar ng kaibigan. "Don't tell me.."

"Kasi Karylle, nagconfirm na ako kay Tito Boy. I'll have a quick interview later sa Tonight with Boy Abunda." Sagot naman ni Vice.

"Sabi na nga ba. Vice naman eh. Hindi ka pa nga ok na ok tapos magpapainterview ka na agad? Paano kapag---" Karylle was cut-off mid sentence when Vice gave her a sweet smile.

"Karylle look, don't worry about me. Kaya ko na. Trust me kapag sinabi kong ok na ako. At saka andyan naman kayo ni Kaykay diba?"

"What do you mean?" Nalilitong sabi ni Karylle.

"Busy ba kayo mamayang gabi? Pwede ko ba kayong isama sa set?" Pagaaya ni Vice.

"Fine.We will come with you." Napilitan na lang namang sumama si Karylle para naman mabantayan nya ang kalagayan ni Vice.

~~~/

"Please welcome back, my sisteret Vice Ganda!!" Masayang sabi ni Anne kasabay ng malakas na hiyawan ng mga madlang people.

"Yes nemen. Hello Madlang People!" Vice greeted the audience with two much energy na parang hindi kagagaling sa sakit.

"Namiss ko talaga ang madlang people. Ilang araw ba akong absent?" Vice then asked bago unti unting umurong para tumapat sa mga kaibigan.

"Almost one week na rin Ate." Sagot ni Jugs.

"One week pala Brad. Malaki laki ang kaltas natin dyan." Natatawang dagdag ni Vhong.

"Langhiya ka talaga Hipolito!" Sagot naman ni Vice na sasabunutan sana si Vhong.

"Oppss. We're live now guys." Pagpipigil ni Anne. "Btw, balita namin may nagalaga sayo. Pwede ba naming malaman kung sino?" Ngiting kilig na tanong ni Anne. Karamihan naman sa kanila ay napatingin na lang kay K na nananahimik lang katabi ni Vice.

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Where stories live. Discover now