Hate U Love U

1.5K 69 5
                                    

Disclaimer: Half Hopia/Half Paasa 😂😂✌

"This is your show, your time, it's Showtime.." Walang ganang pamamaalam ng binata bago tuluyang matapos ang show. Hindi na sya nakapagpaalam sa mga kasamahan at dire diretsong umalis ng studio.

"Asan nga pala si Vice?" Tanong kaagad ni Mariel as soon as nakadating sila sa lounge area. Nagkatinginan naman kaagad sina Billy, Karylle at Vhong dahil sa tanong na iyon ni Mariel.

"Siguro nasa bahay na sya. Hindi na lang nakapagpaalam.." Malungkot na sagot naman ni Vhong na hindi pa rin maiwasang magalala sa kalagayan ni Vice.

"He's very affected. Halata sa hosting nya." Dagdag naman ni Teddy na sumali na rin sa usapan.

"Kilala naman natin si Ate Vice diba? Hindi yun lalabas na lang basta  basta na hindi man lang nagpapaalam kay Ate May or Kuya Mel.." Sabi naman ni Jugs na hindi na rin mapigilang magalala. Karylle took a deep breath dahilan para mapatingin sa kanya ang lahat ng kasamahan.

"Anong gagawin mo ngayon sa kalagayan ni Vice, Karylle?" Tanong ni Vhong na hindi na nya ikinagulat.

"I will try to comfort him guys pero hindi ko alam kung paano. Kilala naman natin sya diba? Hindi nya ipapakita sa ibang tao na nasasaktan sya." Karylle said.

"Karylle, we all knew na sayo lang bumibigay si Vice. Magaan ang loob nya sayo. Dalawin mo sya or bring him his favorite dish. Adobo? Diba masarap ka namang magluto nun?" Jugs suggested na kaagad na sinang ayunan ng lahat.

"O sige. I will try na magpaalam kay Yael. Maiintindihan nya naman yun eh." Sagot naman ni Karylle na wala ng nagawa kundi sumangayon na lang sa suggestion ng mga kaibigan.

••••

Sa kabilang Banda, walang ganang pumasok sa kanilang bahay si Vice. Kaagad naman syang sinalubong ng nakangiting katulong.

"Magandang hapon ho Ma'am." Nakangiting bati nito sa kanya. Tipid lang namang ngumiti sa kanya si Vice na ipinagtaka naman ng katulong.

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Where stories live. Discover now