Huling Sayaw

1.3K 39 0
                                    


"Misto? What are you wearing?" Nagtatakang tanong ni Yael sa asawa before he gave her a kiss on her cheek. "A pajama pants?" He added as he examined what she was wearing.

"Misto, kasi..." Karylle uttered, choosing the right words to say.

"I thought we'll go clubbing tonight?" Nagtatakang tanong pa rin nito.

"Ewan ko ba. I am tired. I am too sleepy Misto eh. Maybe later after I wake up. Can we?" Karylle said, almost pleading. Pumayag naman si Yael dahil kitang kita nya sa mukha ng asawa na sobrang pagod na pagod sya.

"Fine. I'll write some songs muna. You rest and then we'll go later." Nakangiting sabi ni Yael saka hinayaan ang asawa na dumiretso sa kwarto nilang dalawa.

~~~~\/~~~~

"Nay, diretso na po muna ako sa kwarto ko.." Paalam ni Vice sa ina.

"Teka, sobrang napagod ka ba sa pamamasyal anak?" Nay Rosario asked as he noticed na sobrang pagod na pagod ang anak.

"Ewan ko ba. Hindi ko na magets tong katawan ko. Hindi naman ako masyadong pagod sa pamamasyal kanina pero heto ngayon, pagod na pagod." Vice uttered, before yawning.

"O sige." Nay Rosario stated before giving her son a good night kiss. "Goodnight Tutoy." She added na hinayaan na ang anak na pumunta sa kanyang kwarto.

•~•~•~•~•~•

As Karylle went inside, kaagad syang bumagsak sa kama dahil ramdam na ramdam nya ang pagod nya. Sobrang nagtataka sa pagod na nararamdaman nya dahil physically fit naman sya. Hindi sya madaling mapagod pero sa pagkakataong ito ay parang hinihila na talaga sya ng kanyang kama pabagsak at nagtagumpay nga ang kama nya sa plano nya. Paghiga nya sa kanyang kama ay nakatulog kaagad sya ng hindi nya inaasahan.

Kasabay ni Karylle ay sobrang nagtataka rin si Vice sa pagod na nararamdaman nya. Wala naman syang masyadong ginawa ngayong araw kundi maglakad lakad lang pero heto sya ngayon, nakabagsak sa kanyang kama. He's tired to do everything he wanted to do tonight. Naiinis tuloy sya pero kahit anong inis ang nararamdaman nya ngayon, mas nangibabaw pa rin ang antok na sobrang hinihila sya sa kanyang kama.

"Eto na ang ating huling sandali, Di na tayo magkakamali.."

"Kasi wala ng bukas sulitin natin, ito na ang wakas.."

Ang kantang iyon ang nagpamulat sa mga mata ni Vice mula sa mahimbing na pagkakatulog. Kaagad naman syang nagtaka dahil sa lugar kung saan sya kasalukuyang nakahiga. Kanina lamang ay nasa kama sya ngunit ngayon ay nakahiga na sya sa mga damong iyon. Inaamin nya naman na sobrang komportable sya sa pagkakahiga nyang iyon ngunit nagtataka pa rin sya. Paano sya nakarating sa lugar na ito. Pagkatapos makiramdam kung mayroon ba syang kasama ay mabilis syang tumayo at pinagmasdan ang lugar na iyon. Napangiti sya sa di mawaring dahilan. It is a paradise he could never imagine. Mula sa mga bulaklak na halatang sobrang inaalagaan hanggang sa damong komportable nyang hinihigaan.

"Bes, feel na feel natin ah?"

Halos mapatalon si Vice sa boses na narinig nya. Kaagad syang tumayo saka mabilis na hinanap kung saan nagtatago ang boses na iyon.

"Sino kang gago ka ah!?" Tanong ni Vice na may halong pagbabanta. Natawa na lang naman ang persona saka paunti unting nagpakita sa binata. His brows furrow as soon as nakita nya kung sino ba talaga ang personang iyon.

"Ikaw yung.."

"Tama ka Bes. Ako nga yun. Welcome sa mundo ko ah?" Nakangiting sabi ng personang iyon. "Isa akong Sueno Attrapeur." Magiliw na pagpapakilala ng personang iyon sa kanya.

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon