Happiest

1.5K 66 3
                                    

Disclaimer: This is pure hopia. Hope you like it. ❤❤❤ #Asadong asado





"Vice Ganda!! Bakla!! Uuuuwwwiii kaaaanaaa!!!" Sigaw ni Karylle na itinutok ang camera sa direksyon ni Vice.

"Meme oh, si Karylle lasing na ata.." Natatawang saad ni Buern kay Vice habang pinagmamasdan si Karylle habang nagvivideo.

"Hala. Nako. Patay ako sa asawa nya." Nagaalang sabi ni Vice habang umiiling.

"Teka, wala ba syang driver?" Tanong naman ni Russ na hindi parin inaalis ang tingin kay K.

"Inihatid ni Yael yan eh. Hindi ko lang alam kung masusundo sya kasi I heard na may gig sya ngayon.." Sabi ni Vice.

"Grabe Meme ah. Rinig rinig na talaga ah?" Natatawang tanong naman ni Buern sa kanya.

"Grabe kayo sa akin ah. Aksidente lang syempre yun. " Pagpapalusot ni Vice sa mga kaibigan.

"O what are you waiting for? Ihatid mo na si Karylle, baka may mangyari pa dyang masama, ikaw pa ang masisi." Russ suggested.

"Huh? Anong ako? Andyan naman ang Showtime family ko eh. Ipapasabay ko na lang sya.." Kontra naman ni Vice. Kasunod naman ng pagsasalita nyang iyon ay ang paglapit ng mga kapatid nya at ng direktor nila.

"Vice, we have to go. Medyo busy pa kami eh." Paalam ni Direk Bobet sabay beso kay Vice.

"Ah. Sige po Direk. Pwede po bang isabay nyo na si Karylle? Wala po syang sundo eh tapos lasing pa.." Pakiusap naman ni Vice na tumingin bigla sa direksyon ni Karylle. Napatingin naman ang mga bakla sa Showtime Family na para bang may kung anong sinasabi.

"Baka kung ano pang mangyari kay Kurba eh.." Nagaalang sabi ni Vice sabay lingon kaagad sa kanila, waiting for their answers.

"Eh Brad, gimik pa kami pagkatapos eh. Maya pa kami uuwi mga five.." Sagot naman ni Vhong na ikinangiti naman ng Team Vice.

"Bakit ba hindi na lang ikaw ang maghatid Bestie? Tutal, you're in good terms naman ni Yael right?" Dagdag pa ni Billy.

"Oo nga naman. Vice, ikaw na maghatid sa kapatid mo. Wala naman sigurong malisya yun for his husband. Sige na.We need to get going. Happy birthday again.." Paalam ng direktor sa kanya as he tap his back.

"Una na kami Brad.."

Wala naman ng nagawa si Vice dahil sunod sunod ng nagsialisan ang mga kaibigan nya na sana ay maghahatid kay K.

"Ihahatid mo ba sya or pauuwiin mo ba sya ng ganyan kalakas ang amats?"

"O sige. Kayo muna ang bahala sa bisita ah? Ihahatid ko lang si Kurba. Balik agad ako." Paalam ni Vice sa mga kaibigan sabay punta sa direksyon ng dalaga. Napangiti naman ang mga bakla dahil mukhang successful ang plan nila.

"Karylle?" Vice uttered as he tap her shoulder. Naalimpungatan naman si Karylle na kaagad na tumingin sa kanya confusedly.

"Bakit?" She then asked.

"Ihatid na kita?" Vice asked.

"Tapos na ba ang party mo? Hindi pa ata eh. Baka kasi magalit ka eh.." Karylle said which made him smile.

"No. Ok lang. Ako naman yung maghahatid sayo. I appreciate your efforts na makapunta sa party ko pero masyado ka ng lasing eh." Vice said as he knelt down. Lalo namang kinilig ang mga bakla ng masaksihan nila ang tagpong iyon dahil lumalabas talaga ang pagka gentleman ni Vice when it comes to Karylle.

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon