Your Not Sorry || Part Three

682 35 5
                                    

"No! Ituloy mo yan! Yan naman ang gusto mo diba? Tumalon ka na!"Natigilan naman sila nang dumating sa eksena si Billy at si Vhong.

"Billy? Vhong?" Pati si Vice ay nagtaka na rin.

"Sige, tumalon ka na! Gusto mo ng mamatay diba? Try it. Wala naman kaming pakialam kung mamatay ka diba? Sige. Talon na Bestie. Yan gusto mo diba?" Billy said na ipinagtaka ni Karylle.

"Billy ano ba? Hindi ka nakakatulong!" Naiinis na sabi ni Karylle.

"No K. That is his choice. Fine. Akala mo ba dadalaw kami sayo? Ikaw ang pumatay sa sarili mo kaya hinding hindi mo kami makikita sa burol mo. Not even our shadows. Ibabaon mo na lang ba lahat ng pinaghirapan mo dapat pagod ka na? Dahil nahihirapan ka na? No. Kaya ngayon, bahala ka na sa buhay mo." Billy added.

"Billy is right. We are here. Andito kaming lahat kaya please lang, wag mo ng ituloy. Pakiusap Brad." Vhong said, almost pleading.

"No! Ayoko na! Wala na kayong magagawa! I'm really sorry guys." Vice farewell na aktong tatalon. Hindi naman kaya ni Karylle na makita ang pagtalon ni Vice kaya napapikit na lang sya. Hindi nya kaya.

"Billy!!!"Vhong shouted na ikinalito ng dalaga. She slowly opened her eyes at nagulat sa nakita.

"Omg! Billy!" She said habang tinutulungan ang binata. Mabilis kasing pinigilan ni Billy si Vice sa pagtalon at kasalukuyang hawak ito gamit ang kanyang mga kamay.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay mabilis na itinakbo sa pinakamalapit na hospital si Vice. Nagulat man ay mabilis naman syang inasikaso ng mga doktor at mga nurse. Kasalukuyan syang walang malay na matyagang binabantayan ng dalaga kasama sina Billy at Vhong.

"Ok ka lang ba talaga Billy?" Karylle asked, worriedly. Ngumiti naman saka tumango si Billy.

"Oo naman K." Nakangiting dagdag nito na iniikot pa ang kamay para mapanatag ang dalaga.

"Buti naman.." Nakahinga naman ng maayos si Karylle sa narinig.

"By the way, I'm really sorry K. Kasalanan rin naman namin kung bakit sya nagkakaganito ngayon." Billy said as he gaze at Vice's direction.

"Kasalanan ko rin naman. Hindi ko sya inisip. I thought ako lang ang nasasaktan pero hindi ko alam na ang lalim lalim na ng hukay na nagagawa ko sa puso ni Vice na ako mismo, hindi ko sya kayang tabunan ng pagmamahal na minsan kong ibinigay sa kanya." Karylle said with a sincere tone.

Napabuntong hininga naman sina Billy at Vhong sa mga narinig. Maya maya pa ay nagsitunugan na ang cellphone ng dalawang binata.

"K, we need to go. Hinahanap na kami nina Love at ni Tania." Paalam ni Billy at Vhong. Kaagad namang pumayag si Karylle sa hiling na iyon ng dalawa.

"Fine. Ako na ang bahala kay Vice. You two should go." Karylle answered with a smile.

"But how's Yael?" Tanong ulit ni Billy.

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon