SPEAK NOW

1K 47 2
                                    

"It's Showtime!"

Pagkatapos na pagkatapos ng show ay kaagad na dumiretso si Karylle sa kanyang dressing room at nagayos ng kanyang mga gamit. Sinundan naman kaagad sya ni Vice na may dala pang isang bouquet ng sunflower na alam naman nyang paboritong paborito ng dalaga.

"Hey.." He said as he tried to catch her attention.

"Hi Vicey!" Hindi naman umubra sa dalaga ang tactic ni Vice dahil hindi naman sya napalingon nito na halatang nagmamadali talaga.

"Mukhang nagmamadali ka ah?" Sagot naman ni Vice na hindi pa rin binibitawan ang sunflower na dala dala nya.

"Ah. Oo. Kelangan ko kasi maabutan si Yael eh. We have a date. Alam mo na, #asawaduties. Hahaha." Sagot ni Karylle saka lumingon sa kanya. Nagulat naman sya nang makita ang reaksyon ng binata.

"Ok ka lang ba?" She then asked,worriedly. Ngumiti lang naman si Vice saka inilapag ang sunflower sa table ng dalaga.

"Ano. Sige. Umalis ka na. Baka hindi mo na maabutan si Yael. Ako na bahala kay Direk Bobet." Sabi ni Vice na ikinatuwa ng dalaga.

"Sige. Bye Vicey!" Paalam ni Karylle bago bumeso sa kanya. Malungkot lang namang pinagmasdan ng binata si Karylle na kasalukuyang tumatakbo.

•••

Pagkalabas na pagkalabas ng dressing room ay dumiretso na agad si Karylle sa kanyang kotse at pinaandar ito. Hindi na naman nya naisip pa ang reaksyon man lang ni Vice dahil sa kelangan nya nga talagang abutan ang asawa bago ito pumunta sa kanyang gig.

On the other side, walang ganang pumasok sa kanyang dressing room si Vice dala dala ang bouquet of sunflowers na ibibigay nya sana sa dalaga.

"Meme, anong nangyari sayo? Bakit ang tamlay mo?" Napansin naman kaagad ito ng mga bakla na kanina lamang ay naghaharutan.

"At saka, bakit dala mo pa yang bouquet ng sunflower na yan? Diba, ibibigay mo yan kay Kurba? Anong nangyari?" Napansin din naman ni Buern ang dala nitong bulaklak na kanina lamang ay pinabili nya sa mga ito.

"Wala. Umalis. #Asawaduties." Napairap naman si Vice sa naging reaksyon ng mga bakla. Pinagtawanan lang siya ng mga ito.

"Walang hiya kayo, kayo nagsuggest ng idea na to tapos tatawanan nyo lang ako? Aba! Letchugas pala kayo! Oh! Bahala kayo dyan sa bulaklak na yan!" Inis na inis na sabi ni Vice bago tuluyang mag walk out.

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Where stories live. Discover now