Last Chance || Part Four

1.2K 66 0
                                    

Pagkatapos ng Showtime ay dumiretso sila muna sa lounge area para magkamustahan. Masyado kasi nilang namiss si Karylle kaya naman super chika sila dito.

"Mommy, let's go to MOA, Game 2 na ng UAAP womenth volleyball, ADMU  bertut DLetU.." Hirap na hirap na pagaaya ni Ryan.

"Buuin mo muna yung S mo." Pagaasar ni Vice kay Ryan.

"Mommy naman eh!"

"Hindi, ayoko. Sa Game Three na lang. If ever na merong Game 3." Pagtanggi ni Vice. "Ayain mo na lang si Ate K mo, baka gusto nyan." Nagulat naman silang lahat sa sinabi ni Vice. Maging si Vice ay nagulat din sa nasabi nya. Nagbigay iyon ng awkward atmosphere sa kanilang lahat.

"Ate K, you want to come?" Pagbasag ni Ryan sa kakaibang katahimikan na iyon. "Mauna ka na Ryan, may pupuntahan pa ako eh."

~~~

Kasalukuyang naglalakad sa Hallway si Vice nang makasalubong nya ang ilang bata mula sa Child Haus kung saan tumutulong si Karylle. Minabuti nyang lapitan ang mga ito para kausapin.

"Hi Kids?"

Napatayo naman ang mga bata nang makita sya.

"What are you doing here?" Paguusisa nya.

"Hinihintay po namin si Ate Karylle. Sabi po kasi nya, ipapasyal nya kami." Nakangiting sabi ng isang bata.

"Hala, nanonood kasi si Ate Karylle ng game eh." Nakita naman nya na nalungkot ang mga bata kaya naman may naisip syang bright idea. "Gusto nyong sumama sa akin? Kain na lang tayo tapos itetext ko na lang si Ate Karylle nyo?"

Kanya kanya namang oo ang mga bata kaya naman isinama na nya sila sa kanyang kotse.

"Kuya, pakisabi naman po kay K kapag bumalik sya dito, sabihin mo kasama ko ang mga bata. Nasa mall lang kami." Pakiusap nya sa guard roon bago umalis.

••

Nagmamadaling bumalik si Karylle pagkatapos ng game dahil sa pangako nya sa mga bata. Pinabilis na nya ang pagpapatakbo dahil alam nyang kanina pa nya pinaghihintay ang mga ito pero nanlumo sya nang makitang wala na sila. Nagtanong naman sya kaagad sa isang security doon dahil baka hindi pa sila nakakalayo.

"Kuya, may nakita ba kayong mga bata dito?"

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Where stories live. Discover now