Welcome

1.6K 63 0
                                    


Welcome Back Elbruh!" Vhong welcomed her as he hug her tightly. Ngumiti lang naman ang dalaga saka pinantayan ang higpit ng yakap ni Vhong. Samantalang tawang tawa naman si Anne sa reaksyon ni Vice na halatang kanina pa selos na selos sa mga pasimpleng damoves ni Vhong.

"Psst! Tama na yan!" Anne interrupted saka pasimpleng itinuro si Vice na halatang busy talaga sa pagkalikot sa kanyang cellphone para i-convert ang inis na nararamdaman nya. Ngumiti lang naman si Vhong samantalang si Karylle, pailing iling na lang.

"Don't worry, wala namang magseselos. Wala naman si Yael eh." Sagot naman ni Vhong na halatang lalo pang iniinis ang kaibigan.

"Pakshet! Game over!" Napapadyak naman si Vice nang saktong na-game over sya.

"Tama naman si Vhong eh. There's no malice because we're friends.." Paggatong ni Karylle, capitalizing the word 'friends' na may kakaibang ngiti sa kanyang labi.

"Turtle net! Nakakainis!" Sabay na reklamo ni Vice na nahalata ng tatlo. Pasimpleng tumingin si Karylle sa mga kaibigan saka itinuro ang pintuan. Sumangayon naman ang dalawa saka tahimik na lumabas sa dressing room.

Halata namang wala pa ring pakealam si Vice kung nakaalis na ba ang tatlo. Busy pa rin sya sa kanyang cellphone at hindi pa rin tumitingin sa direksyon ng mga ito. Maya maya pa, nakaramdam sya ng mga kaluskos na palapit sa kanya meaning hindi pa nakakaalis si Karylle.

"Masyado kang halata." Natatawang sabi ni Karylle na kasalukuyang nakatayo na sa harapan nito. Hindi naman sya pinapansin ng binata na halatang nagpapachicks na lang.

"Hindi mo talaga ako papansin ah? Sige. Aalis na lang ako. Wala naman pala akong kausap dito eh." Karylle added as she planned to leave pero bago pa man sya maka-isang hakbang ay pinigilan na sya ni Vice saka tumingin sa kanya.

"Alam mo namang ang bilis kong magselos tapos ginagatungan mo pa? Nakakainis ka naman Kurba eh." Napangiti naman si Karylle sa narinig. At last, napaamin na nya ang binata.

"Tinitinggan ko lang kung namiss mo talaga ako." Sabi naman ni Karylle na hindi inaalis ang pagkakahawak ni Vice.

"Alam mo namang hindi kita nakita ng dalawang araw diba kaya sobrang miss na miss kita tapos yun yung aabutan ko? Sino bang hindi maiinis dun? Dahil sa sakit na yun eh wala ka ng dalawang araw. Parang dalawang taon na yun sa akin Kurba."

"Grabe naman to. Dalawang taon talaga Vicey? Pwede namang dalawang linggo lang?" Natatawang sabi ni Karylle.

"Ah Basta. Gegerahin ko talaga si Munchie. Pinagod ka eh. Nako, patay talaga sa akin yang si Luisito!" Nagbabantang sabi ni Vice.

"Vicey naman eh. Anyways, akala mo ba hindi ko napansin?"

"Ang ano?"

"Na nakashorts ka sa dalawang araw na wala ako?"

Napalunok naman si Vice sa narinig mula sa kanya.

"I allowed you naman to wear shorts right?" Dagdag nyang tanong. Kaagad namang tumayo si Vice para makausap ng maayos si Karylle.

"Alam ko naman eh. Kaso nga lang, ayokong ako si Vice Ganda kapag ikaw yung katabi ko. Alam mo na." He reason out.

"Eh anong gusto mo kapag katabi mo ako?"

"Gusto kong maging natural lang ang lahat. Babae at lalaki na naguusap. Ganun."

"Babae at lalaki talaga ah? Vicey. Though, wala tayong romantic relationship, ayokong ako pa yung magiging hadlang para gawin mo yung gusto mong gawin." Paliwanag ni Karylle. Bigla namang nainis si Vice dahil paulit ulit si Karylle sa pagbanggit na wala talaga silang relationship.

"Oo. Alam ko. Wag mo ng ulit ulitin. Alam ko na naman eh." Nalito naman si Karylle sa sinabi ni Vice. Lalo pa syang nalito nang bigla na lang syang nag walkout, leaving her clueless.

Maya maya pa ay nagsimula na ang show. Kapansin pansin na hindi man lang tinitingnan ni Vice si Karylle na busy sa pakikipagkwentuhan kay Vhong samantalang si Karylle naman ay   umikot kasabay ni Anne. Pagkatapos ay kaagad syang tumabi sa binata na hindi pa rin pinapahalata na mayroon silang misunderstanding. Hindi na naman pa nakatiis si Vice. Pasimple nyang hinatak si Karylle palapit sa kanya saka pasimpleng bumulong.

"I'm sorry. I'm really sorry Karylle." Vice whispered bagay na ikinangiti ng dalaga.



~~~~~

KOTA BES. HUHUHU. KOTA.

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon