New York

1.4K 61 2
                                    

"Vice, can we talk?" Pakiusap ni Ms.Z sa binata na kasalukuyang pinagmamasdan ang magagandang lugar sa New York. Napalingon naman si Vice sa ginang saka ngumiti.

"Sige po. About po ba saan?" Magalang na tanong nito saka humarap at umupo kaharap nito.

"About Karylle. About my daughter." Natigilan naman si Vice sa sinabing iyon ni Ms. Z. Impit syang napangiti na hindi alam kung anong isasagot.

"Hindi pa kita napapasalamatan sa lahat ng ginawa mo para sa kanya." She then said sincerely, bagay na ipinagtaka ng binata.

"Ano po bang mga bagay na ginawa ko para sa kanya ang ipinagpapasalamat nyo sa akin Tita? Para namang wala akong matandaan eh. Puro na lang po kasi okray ang naririnig nya mula sa akin eh." Nahihiyang sagot naman ng binata na napakamot na lang sa kanyang ulo.

"They day before the wedding. Kung anong sinabi mo kay Yael. Yun ang dapat kong ipagpasalamat sayo. Karylle wouldn't know that thing, alam ko yun pero ako. Alam ko yun and I salutes you for sacrificing your love just for her happiness."

"Tita, you know how much I love her. I don't want to hurt her nor to make her cry kaya naman ibinigay ko na sya kay Yael. Masakit man sa akin eh alam ko naman pong tama yung desisyon ko. Tamang sa pangalawang pagkakataon ay pinakawalan ko sya." Nakangiti ngunit malungkot na tugon ni Vice.

"Vice. Hindi kita pinagbabawalan na mahalin sya. Please. Pakiusap ko saya. Don't stop loving Karylle. Kahit napapagod ka na. Kahit nasasaktan ka ng  makita syang masaya habang kasama si Yael. Please. That's a request from me. Please Vice. Please don't let her cry. Be a shoulder to cry on. Please Vice." Pakiusap ni Ms.Z sa binata saka hinawakan ang kamay nito. Ngumiti lang naman si Vice saka hinawakan din ang kamay ng ginang.

"Nung mga araw na hindi ko makayang tingnan sya na may singsing sa kanyang daliri, sabi ko sa sarili ko, I will stop loving her but how? Paano? Kahit ang sakit sakit na, andito pa rin po ako. Ewan ko. Masyadong malakas po ang tama ko sa anak nyo." Natatawang sabi ni Vice.

"Mahal ka rin naman ng anak ko Vice. Mahal na mahal ka nya and she didn't want to see na umiiyak kasi nasasaktan din sya." Sagot naman ni Ms.Z.

"I knew it naman po Tita. I really knew it ever since pero iba pa rin ang pagmamahal nya for Yael. Tita, alam nyong ako ang nauna pero bakit hindi nya agad naapreciate? Bakit?" He asked as he formed a fist saka tumingin sa may bintana saka napansing umuulan na pala sa labas.

"Kasi nabuo na nya sa isip nya ang konseptong bakla ka at kahit na anong mangyari, walang mangyayari kung umamin man sya sayo. Vice, you both are just waiting for each other. Naghihintayan lang kayo eh. Sa sobrang paghihintayan nyong dalawa, parehas nyo ng hindi kinaya. Mahal mo pa rin sya pero may mahal na syang iba." Sagot naman ni Ms.Z na hindi na rin mapigilang mapatingin sa labas saka impit na napangiti.

Saglit namang nalungkot si Vice sa narinig mula sa ginang. Nagbawi sya ng tingin at saglit na napatingin sa cellphone nito.

"Tita, I don't want to interrupt your moment but I guess your phone is ringing. Si Karylle po ata tumatawag." He then said as he pointed her cellphone. Ms. Z immediately get her phone saka sinagot ang tawag ng anak pero dahil may taglay din itong kapilyahan ay ini loudspeaker nya ito na hindi naman agad napansin ng binata.

"Hello Ma? Are you busy? Can we talk?"

Vice's eyes widened as he heard Karylle's voice. Ngumiti lang naman si Ms.Z sa kanya saka sumagot sa tanong na iyon ng dalaga.

"Oh yes. Why? Is there any problem?"

"Ma, I just hate this feeling! Arrgh!" Halatang halata naman ang pagkainis sa tono ni Karylle na ikinagulat ni Vice.

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Where stories live. Discover now