Little Do You Know?

1.5K 58 4
                                    

DISCLAIMER: PAKINGGANG MABUTI ANG SOUND TRACK. MADADALA KAYO SA MGA EKSENA. IHANDA ANG TISSUE DAHIL DRAMA NA NAMAN ITO. HAHAHA. PAALALA, ALTERNATE UNIVERSE PO ITO MEANING ORDINARYONG MGA TAO LANG SILA. :) POV PO ITO NI KARYLLE. ENJOY!








Heto na naman ako sa favorite spot ko sa coffee shop na ito. Hinihintay ko na naman syang dumating. Its been two weeks since simulant ko tong gawin. Alam kong may pagka "stalker "ang dating nito sa iba pero wala na akong ibang option eh. It is the best and safest option that I have.

Napatingin ako sa orasan na nasa harapan ko lang. Its already 7:30 pm. Parating na sya. Kelangan ko ng maghanda. I quickly get the book na gagamitin kong pantakip once na nakita ko na sya dito sa loob. Oo.Props lang. Props na lang ngayon ang librong minsan naming naging paboritong basahin.

"Vice talaga!"

Natigilan ako nang marinig ko ang boses na iyon kasabay ng mga tawang iyon. Ang tawang dati ay paulit ulit kong naririnig kapag inaasar nya ako dati. Kulot na kuripot. Napapangiti na lang na lang ako kapag naalala ko ang call of endearment nya sa akin na sobrang kinaiinisan ko. Tuwang tuwa naman sya akin kapag nakikita nya na akong naaasar kasi he always find it cute daw na lagi nya akong nakikitang naiinis pero paano na kayo ngayon? Paano naman ngayong iba na ang kasama nya? Magagawa nya pa kayang ngumiti once na nakaharap na nya ulit ako? Ang babaeng nakasakit sa kanya.

"Tara dito na lang tayo umupo para mas private.."

Hindi pa rin sya nagbabago. Kung ano sya noon ay ganon pa rin sya ngayon. Mas gusto nya talagang maging pribado ang ilang bagay kaysa naman maraming makakaalam.

Natigilan na lang ako as I saw them na palapit sa table katabi ko. Sa lahat ba naman ng table, bakit dito pa? God naman! Alam kong alam mong may pagka "stalker" ang dating ko pero wag naman ganito Lord. Diyos ko. Pinagpapawisan ako. Ano bang nararamdaman kong ito? Minabuti ko na lang tumingin sa may bintana para naman ma convert yung kabang nararamdaman ko. Shit. Umuulan nga pala. At ngayon ko lang narealize na wala akong dalang payong. Napapikit na lang ako dahil sa katangahan ko. Sa dinami dami ba naman ng araw, bakit ngayon ko pa nakalimutan ang payong?

"So now, can we talk about our wedding?"

Nabilaukan ako sa narinig ko. Buti na lang at wala pa akong naiinom na kape kung hindi, malaking kahihiyan ito. Narealize ko na lang na lahat na pala sila nakatingin sa akin dahil sa eksenang ginawa ko. Crap. Dahil dito, mabilis ko nang inayos ang mga props na ginamit ko. Kelangan ko ng umalis. Bukod sa kahihiyang naidulot ko ay ayoko ring marinig ang mga bagay na iyon. Tama na sa akin na makita ko sya ngayong araw. Mabilis akong tumayo at naglakad palayo. Ni hindi ko na nga natitingnan ang dinaraanan ko sa sobrang pagmamadali ko.

"Miss!!"

Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Masyadong mabilis na hindi ko na pala namalayan na siya na pala ang sumalo sa akin mula sa sana ay pagkakahulog ko sa sahig.

"Ok ka lang ba?"

Masyadong malapit para sa pagkikita naming ito. Ngayon ko na lang ulit nakita ang mga mata nyang iyon na hindi ko man aminin ay kumokontrol sa akin.

"Miss?"

Nahimasmasan na lang ako when he called me again. Ngayon lang nag sink in sa akin kung anong posisyon naming. Hindi. Mali to. Maling maling ito. Mabilis akong tumayo at humingi ng tawad sa kanilang dalawa. Pagkatapos ay mabilis na rin akong lumabas. I roamed my eyes around para makahanap ng masisilungan and luckily may nakita naman akong shade na medyo malapit lang naman dito sa coffee shop but unfortunately, kelangan kong sumayi dahil wala naman akong dalang payong. Maghihintay na lang ako ng taxi kung may darating.

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon