Lost Boy

1.4K 55 9
                                    



DISCLAIMER : PAKINGGANG MABUTI NAMAN ANG LOST BOY KASI POV PO ITO NI VICE. HAHAHA. SYEMPRE KELANGAN FAIR SI AUTHOR. POV NAMAN TO NI VICE. EWAN KO LANG KUNG MASASAKTAN KAYO! CHOZ! ENJOY!

"There was a time, when I was alone"

"Nowhere to go and no place to call home.."

"Brad, kasal mo na. Masaya ako sayo.."

Nangingiti na lang ako kapag naalala ko ang mga sinabi sa akin kanina nina Billy at Vhong. Oo. Ikakasal na ako. Sa loob ng ilang buwan at linggo, ngayon na ulit ako naging masaya. Simula ng nagising ako mula sa pagka comatose ko, hindi ko alam kung paano magsisimula. Blangkong blangko ako kung sino ba ako pero hindi nawala si Anne sa tabi ko. Siya ang naging memory ko. Siya ang nagpaalala sa akin ng ilang bagay. Kahit alam kong may kulang pa rin sa pagkatao ko, sapat na yung ginawa nya para masabi kong gusto ko syang makasama sa bago kong buhay.

"My only friend was the man in the moon.."

"And even sometimes, he would go away too.."

Kahit minsan, gusto ko pa ring makaalala kung sino ako, siguro sapat ng dahilan yung aksidenteng sinasabi nila para kalimutan ko kung sino man ako dati. Masaya na ako kung sino ako ngayon. Masaya na ako sa babaeng makakasama ko habambuhay.

"Then one night, as I closed my eyes.."

"I saw a shadow flying high.."

Kung makaalala man ako, sana mga masasayang alaala lang yung pumasok sa utak ko. Ayokong maalala kung paano ba o sino bang kasama ko nung naaksidente ako. Ayoko ng balikan ang bahaging iyon ng pagkatao ko. Kung totoo mang ginawa ko yun dahil sobrang nasaktan ako sa isang babae, sana hindi ko na sya makita o makasalubong man lang isang araw kasi masaya na akong hindi ko na sya naalala kasi sya ang dahilan kung bakit blangkong blangko ako ngayon.

"He came to me with the sweetest smile.."

"Told me he wanted to talk for a while.."

"I'm Karylle. K for short. F—former classmate mo from FEU. Hindi mo ba ako naalala?"

Bigla ko namang naalala ang babaeng nakikita ko sa coffee shop na yun. Hindi ko pa rin sya maalis sa isip ko. Simula nang pumunta ako sa coffee shop, I always saw her na palaging nakaupo sa sulok na bahagi ng coffee shop. Hindi ko alam kung nagkakataon lang pero palagi ko syang nakikita.

"He said Peter Pan, that's what they call me.."

"I promise that you'll never be lonely.."

"O sige. Alis na ako? Baka, hinihintay na ako ni Anne. See you sa wedding ko. Magpapakita ka sa akin ah? Gusto kitang makitang nakangiti sa kasal namin ni Anne."

Hindi ko alam kung bakit ko sya inimbita sa kasal ko. Hindi ko naman sya ganoon kakilala pero bakit parang napakagaan ng pakiramdam ko na nung muntikan na syang mawalan ng balance ay mabilis akong tumayo at hinawakan sya.

"And ever since that day, I am lost boy from Neverland.."

"Usually hanging out with Peter Pan.."

Kung paano sya tumingin sa akin that day, hindi yun ang tingin ni Anne. Oo. Ibang iba. Na para bang isa syang malaking parte ng past ko. Na para bang sauladong saulado nya ang mukha ko, simula sa mata hanggang sa labi.

"And when we're bored, we play in the woods.."

"Always on the run from Captain Hook.."

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon