Instagram

1.8K 75 2
                                    


A/N : Shout out po kay Ateng kung makabash sa Instagram ni Nanay Karylle ay wagas. Oh, ate, famous ka na :-) . Masaya ka na? Bless your soul.

Kasalukuyang nagrerefresh ng kanyang news feed sa Instagram si Vice nang tumambad sa kanya ang post na iyon ni Karylle.

@anakarylle: WE TRUST MARLENI! Hanging with the woman of the hour. I love VP Leni!

May naka attach pa ditong picture nilang dalawa na parehas na nakangiti. Hindi naman maiwasan ni Vice na mapatitig sa dalaga. Lumulutang pa rin ang kagandahan nito kahit masyadong madilim na. Hindi nya mapigilang mapangiti.

"Meme, sino namang basketball player ang iniistalk mo at super ngiti ka dyan?"

Natauhan naman si Vice nang marinig ang tanong na iyon ni Buern. Napairap naman si Vice at saka humarap sa kaibigan.

"Ikaw, daot ka talaga. Wala akong iniistalk na basketball player, si Kurba ang iniistalk ko!" Sagot ni Vice sabay pakita dito ang phone na nakaclick sa timeline ni Karylle. Napangiti naman si Buern na halatang kinikilig.

"Bakit mo iniistalk si Karylle Meme? Miss mo na no?" Pangaasar ni Buern sa kaibigan.

"Sira! Nakita ko lang sa news feed ko yung picture nya with VP Leni. Yun lang yun."

"Ay, nakita ko na rin yan. Grabe no, naging pulutan sya ng mga bashers dahil lang dyan sa pic na yan."

Halata namang nagulat si Vice sa sinabing iyon ni Buern. He quickly clicked the photo at bigla syang nagulat sa 257 comments. Nag alala naman kaagad si Vice nang iclick nya isa isa ang mga comments. Puro disappointed comments ang nakikita nya. Nag alala naman sya for Karylle. Normal kasi na hindi pumapatol si Karylle sa mga bashers nya pero ngayon, nakikita nya itong sumasagot sa ilang usernames.

@anakarylle: Google, Article V. Suffrage.

@anakarylle: Everyone has the right to speak. You can choose to listen or ignore. No need to defend me. It's a beautiful Sunday. Enjoy mother's day with your wonderful mamas. I appreciate the love! Mwah!

Napangiti naman ito nang mabasa ang mga comments na iyon ni Karylle. "Palaban ka na." He thought. Pero hindi nya talaga mapigilang magalala nang hindi pa tumigil ang isang basher ni Karylle. Inungkat na naman nya ang nakaraan ng dalagang matagal na nyang kinalimutan. It says:

@salve_cadilo: No wonder ndi xa pinakasalan ni dingdong noon .. talonan na nga nagpapayad pa mukhang pera ang peg!

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Where stories live. Discover now