Undercover

1.7K 65 2
                                    


A Monthsary gift :)


"Halata namang hindi pagod na pagod si Karylle diba?" Natatawang sabi ni Teddy na dahang dahang naglalakad sa harapan ng dalaga. Naagaw naman nun ang atensyon ni Vice na busy lamang kanina sa kanyang cellphone. Hindi nya mapigilang hindi mapatingin sa dalaga at napangiti sa nakikita. Taimtim itong natutulog kahit na alam nyang maraming makakakita sa kanya. Halatang pagod na pagod sa mga kantang ginagawa nya. Hindi namang mapigilang magalala ni Vice na agad na lumapit sa kanya at dahan dahan itong ginising.

"Karylle.." He asked as he slowly tapped her shoulder bago umupo sa tabi nito.

"Hmm?" Sabi ni Karylle na hindi pa rin minumulat ang kanyang mga mata. Antok na antok kasi talaga sya.

"Hindi naman halatang pagod na pagod ah?" Natatawang sambit ni Vice na nakapagpangiti sa dalaga.

"Inaantok pa kasi talaga ako eh. Hindi kasi ako masyadong nakatulog kahapon eh." Tinatamad na sagot ni Karylle.

"Hay naku, pinapagod ka na naman ni Yael ah?" Sabi ni Vice na nakapagpangiti sa dalaga.

"Baliw ka talaga!" Karylle uttered na hindi pa rin minumulat ang kanyang mga mata. Maya maya pa ay unti unting isinasandal na ni Vice ang kanyang ulo sa balikat ng dalaga. Hindi naman nagsasalita si Karylle dahil pinapakiramdaman nya lang ang ginagawa nito.

"Vicerylle, dali pose na kayo. Kuhanan ko na kayo ng POTD!" Pagsingit ni Jugs na handang handa na ang camera. Dismayado namang umayos ng upo si Vice saka tatayo sana pero kaagad syang pinigilan ni Karylle as she quickly held his hand na ikinagulat ng binata.

"Wag kang tatayo. Maganda na ang position natin eh. Umawra ka lang ng slight tapos nakapikit pa rin ako. Ok lang ba?" Pabulong na suggestion ni Karylle para hindi sya marinig ni Jugs. Umoo naman si Vice saka pumose na medyo nakaawra ng slight.

"Jugs, handa na kami!" Pag  inform nya kay Jugs.

"Teka, paano si Karylle?'" Tanong naman kaagad ni Jugs.

"Hayaan mo sya, maganda naman yan kahit natutulog eh ako konting pose lang, lelevel up na sa kagandahan ni Kurba!"
Pabaklang sabi ni Vice na lihim na nakapagpangiti kay K.

"One two three!" Pagbilang ni Jugs saka kinuhanan ang dalawa ng picture. Medyo inedit nya ang filter saka ipost ito sa Twitter at Instagram. Pagkapost ay kaagad na nagwala ang mga fans ng dalawa na hindi na ipinagtaka ng tatlo.

"Iwanan ko muna kayo ah?" Pagpapaalam ni Jugs saka iniwan ang dalawa sa ganoong posisyon. Unti unti namang isinandal ulit ni Vice ang ulo nya sa balikat ng dalaga.

"Happy 52nd Monthsary sa loveteam natin." Pabulong na sabi ni Vice na halatang nahihiya.

"Eh bakit sabi mo kanina on cam, 53 na?" Paguusisa ni Karylle na hindi pa rin iminumulat ang kanyang mga mata.

"Eh kasi nga tumatanda na ako saka hindi ko naman masyadong nasubaybayan yang loveteam na yan katulad ng pagsubaybay mo sa kanila na parang mga anak mo na talaga.." Pagamin ni Vice.

"You are never too old for me Vicey. Masaya na silang nabati na natin sila on cam.."

"Ay si Kurba oh! Teka, hindi ka pa ba aalis?" Pagiiba ni Vice ng usapan. Umiling naman kaagad si Karylle bilang sagot.

"Susunduin ka naman siguro ni Yael diba?" Tanong ulit ni Karylle na inoohan ni Karylle.

"Mauuna na ako huh? May gagawin pa ako eh." Pagpapaalam ni Vice bago tuluyang iwanan doon magisa si Karylle. Dumiretso na agad sya sa parking lot at kinuha ang kotse. He quickly drove off and went on.

Kaagad nyang binuksan ang radyo at kaagad na bumungad sa kanya ang kantang hindi nya naman inaasahan.


"Nobody sees, nobody knows,"
"We are a secret can't be exposed."
"That's how it is, that's how it goes,"
"Far from the others, close to each other..."

"Sabihin ko lang kay Vice, ang daming nagpapaasa sayo pero tayo, 52nd months na!"

"In the daylight, in the daylight,"
"When the sun is shining,"
"On the late night, on the late night,"
"When the moon is blinding."
"In the plain sight, plain sight,"
"Like stars in hiding,"
"You and I burn on, on."

"52nd na! Ang tagal na! Si Karylle na lang ang kumakapit sa akin ngayon! Charot!"

"Put two and together, forever we'll never change.."
"Two and together we'll never change.."

"Happy 52nd Monthsary sa loveteam natin.."

"Nobody sees, nobody knows.."
"We are a secret, can't be exposed.."
"That's how it is, that's how it goes.."
"Far from the others, close to each other.."
"That's when we uncover, cover, cover.."
"That's when we uncover, cover, cover.."

"Wag.. Maraming magagalit.."

"Some thoughts are better left unsaid, some feelings are better left kept to yourself but I know, love has its own way of expressing itself despite of the silence.." Makahulugan nyang sabi sa sarili bago tuluyang ilipat ang istasyon ng radio.


Sorry! Puchu puchu! ❤✌

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Where stories live. Discover now