Same Old Love

1.3K 48 1
                                    


Kasalukuyang nakatambay sa lounge area ang Fabulous 5. Magkatabi si Vhong at si Anne na halatang nagkukulitan samantalang si Billy at si Vice naman ay magkalayong nakaupo sa isang couch. Katawagan kasi ni Billy ang kanyang Love na si Coleen samantalang si Vice naman ay aliw na aliw na nanonood ng kung ano sa YouTube.

"Brad.." Natigil ang panonood nya nang tinawag sya ni Vhong. His eyebrows knitted na tumingin sa binata.

"Pede paupo?" Vhong asked saka itinuro ang free space sa tabi ni Vice. Vice nodded his head bilang sagot. Itinago nya naman muna ang kanyang cellphone saka humarap sa binata.

"Ano bang pinapanood mo at busy ka dyan?" Nagulat naman si Vice sa sudden interest ni Vhong sa pinapanood nya. Umiling lang naman si Vice saka sagot ng "Wala.."

"Siguro red tube yan no? Hala, pashare!"

"Putangina mo Vhong! Anong tingin mo sa akin, katulad mo?" Galit na sagot naman ni Vice sabay batok sa kaibigan.

"Eh ano ba kasi yan?" Tanong ulit nya sabay hilot sa batok nya.

"Yung moment lang kanina. Ano ba to!"

"Pinapanood mo siguro kung paano ka dumamoves kay Karylle no?" Nakangiting sabi ni Vhong.

"Hindi no! Tinitinggan ko lang if havey ba yung mga punchlines kanina sa TNT!" Pagpapalusot naman ni Vice sa kaibigan. Tila hindi naman naniniwala si Vhong sa mga sinasabi ni Vice na halatang kumontra pa.

"Sus! Wag nga ako Brad. Alam kong paunti unti, dumadamoves ka na ulit dun! Sus! Galawan mo talaga!" Kontra naman ni Vhong sabay pulupot ng kanyang kamay sa leeg ni Vice.

"If I know, tuwang tuwa ka kapag moment na namin ni Vhong kasi ipupush ni Billy yung inyo! Wag nga ako!" Bigla namang sumingit si Anne na hindi man lang tinatapunan ng tingin si Vice na busy
kaii-scroll sa kanyang news feed.

"Tama ka dyan Ngangabu! He always texted na ganito ganyan!" Dagdag pa ni Billy na katatapos lang tawagan si Coleen. Tumayo ito at tumingin kay Vice with his nakakalokong ngiti.

"Alam nyo, kayong apat favorite nyo talaga akong i bully ano? Porket wala si Binibining Kurba ginaganyan nyo na ako!" May inis na sabi ni Vice. Sakto namang dumating si Karylle na may dala pang pagkain. Kaagad namang lumapit sa kanya si Vice at tumago sa likod nito na parang bata. Nagtaka naman si Karylle sa inasta ni Vice saka tumingin sa direction nina Billy, Anne at Vhong.

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Where stories live. Discover now