Magkabilang Mundo

1.2K 72 4
                                    

@vicegandako: Just landed in NYC.

Halos maipatak ni Karylle ang kanyang cellphone nang mabasa ang tweet na iyon ng binata. Tila ba ay nanlambot sya sa nabalitaan. Napalitan ng lungkot ang kanina lamang ay nakangiti nyang mukha. Excited pa naman syang umuwi ngayong araw dahil nga sobrang miss na nya ito pero wala naman pala ang binata doon. Hindi nya mapigilang malungkot. Eto na nga lang yung natitirang chance na makakapagusap sila ng maayos eh hindi pa nangyari dahil sa pagalis na iyon ng binata.

Vice on the other hand, ay kaagad na humiga sa kanyang kama pagkapasok na pagkapasok nya ng kwartong tutuluyan nila habang nasa New York pa sila. He then got his phone on his pocket saka binuksan ang kanyang twitter application para maging updated sa mga kasalukuyang nangyayari sa Pilipinas.

Napagdesisyunan ni Karylle na magsend ng direct message sa binata. Sana nga lang ay online ito upang hindi masayang ang effort nya.

Biglang naipatak ni Vice ang kanyang cellphone sa mukha dahil aa sobrang gulat sa nangyari. Dali dali nyang kinuha ang kanyang cellphone saka tinitigan kung totoo nga ba ang mga nababasa nya. Kinusot kusot pa nya ang kanyang mga mata until he realized na totoo nga ito. Totoo nga ang nababasa nya.

Please let me know if you are online here. We need to talk. Asap. Log in your Skype account. I want to hear your voice.
09/01/16, 9:30 pm.

Mabilis syang napatayo saka mabilis na binuksan ang kanyang Skype application. Hindi nya alam kung anong nararamdaman nya sa DM na iyon ng dalaga. Hindi nya maisip kung anong totoong nararamdaman nito while she typed it. Alam nyang uuwi na ang dalaga bukas at hindi nya mapigilang malungkot dahil nagkataong kahapon sya umalis. Tadhana nga naman. Masyadong mapaglaro.

Hindi nagtagal ay naka connect na rin sila sa isat-isa. Tahimik lang silang nakaupo sa magkabilang dulo ng kanilang kama.Si Vice ay nasa pinadulong bahagi samantalang si Karylle naman ay nakasandal sa headboard ng kanyang kama. Ilang minuto nilang tinitigan ang isat-isa hanggang sa si Vice na mismo ang unang nagsalita.

"Ano. Hi. I just landed here in New York City and it was fun." Pasimula ni Vice na ngumiti lang sa dalaga. Karylle just smiled back saka sinundan na ang sinabi ng binata.

"Oh. And me? I just finished packing my belongings para sa pagpunta sa airport later." She said bago ipakita ang dalawang maleta nyang nakaayos na talaga.

"Are you going to stay permanently sa Philippines?" Tanong ulit ni Vice.

"Hindi naman. I will come back here ulit. Uuwi lang talaga ako para makapagpahinga. Ganun."

"Ah. Size 7 ah." Sabi ni Vice na nagpapahiwatig ng pasalubong. Napangiti na lang naman si Karylle na may halo ring iling.

"Sus, paano ko maiibigay sayo eh wala ka naman. Uuwi ka na eh aalis na naman ako."

Hindi naman mapigilan ni Vice na malungkot sa marinig.

"I'm sorry to hear that Karylle. I'm really sorry na hindi talaga kita naabutan. Sobrang busy kasi sa schedule eh. Promise, babawi ako sayo when we are free?"

"Sus. Magaabala ka pa eh kelan kaya tayo magkakaparehas ng schedule. Kelan yang free time na yan?" Natatawang tanong ni Karylle.

"Ewan ko. Maybe in God's perfect time." Nakangiting pagsisigurado ni Vice.

"O sige. Oo na." Pagsangayon ni Karylle.

"Teka, diba kalat na kalat na dyan yung about sa Zika(I don't know the spelling. Lol.) Virus?" Biglang tanong ni Vice.

"Yup but don't worry kasi we are all protected here." Tila nakahinga naman ng maluwag si Vice sa narinig.

Magsasalita na sana ulit si Karylle nang biglang pumasok ang isang staff sa kanyang kwarto. Sinabi nitong kelangan na nilang bumyahe papuntang airport para hindi sila masyadong mahuli.

"Sige Karylle. Aalis na ata kayo.Bye!" Pagpapaalam ni Vice na aktong pipindutin ang end call. Mabilis naman syang pinigilan ni Karylle at pinaghintay ng ilang segundo.

"Vice, I want you to know how much I really missed you. I'm really sorry kung hindi tayo masyadong nagusap since I left. I was too busy." Karylle said na ikina touch ni Vice.

"Magkalayo man tayong dalawa, wag kang magalala kasi meron namang Skype. Magkikita pa rin tayo. Mwah!" Sagot naman ni Vice. "Sige na. Patayin mo na. Baka nakakaistorbo na ako sayo." Dagdag pa nito.

"Sige! Bye Vicey!" Paalam ni Karylle bago halikan ang screen ng cellphone nya sa mismong tapat ng labi ni Vice bago i end ang call. Nagulat naman pero at the same time kinilig si Vice sa ginawa ng dalaga.

"BBBBAAAKKIITT AAAKKOO KKIINNIILLIIGGGG!!?" Tanong nya sa sarili habang paikot ikot na nakahiga sa kamang iyon.




Exodus  /  ViceRylle One Shot.Where stories live. Discover now