Your Not Sorry || Part One

969 31 0
                                    

         Hindi ko alam kung paano ako magsisimula.This is my first time na magsulat ng ganito kadrama para sayo.I really don't know kung anong nag encourage sa akin para isulat ito. Siguro dahil na rin sa mga Babies natin.Sobra na akong nasasaktan para sa kanila.Gusto kong malaman nila. Gusto kong malaman mo lahat. Lahat ng rason kung bakit ako umiiwas sayo.Ayoko na kasi silang paasahin sa loveteam natin. Mas mabuting ako na ang umiwas kasi sanay naman sila na ako ang tumatanggi diba? Sanay sila na ako na yung nakakasakit kahit ang totoo, ako yung nasasaktan sa set up nating to. Nasasaktan ako Karylle. I tried to forget my feelings pero kapag nakikita kita, bumabali lahat. Hindi ko kayang kalimutan ang lahat. Gusto ko silang pasayahin. Gusto kong pasayahin ang fans natin pero paano? Karylle, madami ng nagbago at isa na dun ang katotohanang "Kasal ka na". Ikaw na si Mrs. Yuzon. Kaya sinabi ko na lang sa direktor na wag ng ipush yung loveteam natin kasi ayoko silang paasahin. Gusto ko silang sanayin na hanggang dito na lang talaga. Na hindi talaga pwede. Kahit na anong pilit, wala na talaga. Wag kang magalala, masasanay rin naman sila. Masasanay rin naman ako. Oo. Sanay na sanay na ako. Hindi ko nga alam kung paano pa nila nakakayanan lahat ng ito. Siguro masyado na silang manhid? Kasalanan ko naman ito lahat eh. Kung hindi sana ako naging banban eh di sana hindi ako umiiwas ng ganito ngayon.Hindi naman dapat nila ito nararamdaman eh. Dapat masaya lang ang fandom to. Walang drama pero anong nangyayari ngayon?This is all my fault. Hindi dapat ako dumamoves sayo ng ganun noon eh di sana sanay sila na makita na hindi tayo ka attach sa isa't isa ngayon. Masakit. Masakit isipin na ganito na tayo ngayon. Patawad ah? Patawad sa lahat. Mahal na mahal kita Karylle. Hindi ko nga alam kung manhid ka ba talaga o baka wala lang to sayo lahat. Hanggang friends lang tayo. ONCAM LOVETEAM. FOR THE FANS.

"Ma'am, ready na po yung car.." Nahimasmasan naman si Karylle nang magsalita ang kanyang driver. She then quickly wiped her tears away at ngumiti dito.

"Sige, sunod na ako. May kukunin lang ako sa dressing room ko." Paalam naman nya bago bumalik. Nagmamadali syang tumakbo papasok sa dressing room nya para hindi nya makasalubong si Vice. As she went inside, she quickly closed the door before fixing her things. Natigilan sya nang maramdaman nyang bumukas ang pinto. She then lift her face up to see kung sino ang tao at nagulat sya nang makita ang lalaking iyon.

"What are you doing here?" Tanong nya kaagad dito.

"Nakita ko kasing medyo kawang yung lock ng door kaya pumasok ako kasi baka may tao tapos nakita kita.." He then explained.

"Alam mo ng may tao so leave." Karylle stated, using her coldest voice.

"Ano. Can we talk? At least five minutes?"

"Some other time Vice. I ready need to go." Pagiwas ni Karylle as she planned to leave and run away but her feet stopped as she heard those words na inaasahan na nyang marinig from Vice.

"Yung sulat.Hindi naman talaga sana ibibigay sayo ng mga bakla yun eh. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung paano mo sya nalaman. Siguro ang tanga ko lang na ipinasa ko yun kay Brad at kay Bestie kaya siguro nalaman mo yun pero hindi ko yun intensyon.Pinagtritripan--" He was cut off mid sentence nang iikot nya ang sarili nya paharap sa binata.

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon