OFF CAM

1.7K 74 2
                                    

#Disclaimer: ASANG ASA NA NAMAN SA HOPIA? HAHAHAHA.


“Yung tugtog na yan, ang sarap sanang sayawin, ang sakit lang sa tiyan, pakiramdam ko bubukas ulit ang tahi ko.” Seryosong daing ni Vice kay Billy at Vhong saka hinawakan ang parte kung saan sya inoperahan. Napatingin naman sa kanya bigla si Karylle na busy lang kanina sa pakikipagkwentuhan sa kanyang Ninong Kim. Hindi nya tuloy mapigilang magalala. She then excused herself saka lumapit sa tatlo. Hindi naman iyon nakaiwas sa peripheral vision ng dalawang binata kaya sila na ang gumawa ng first move.


“Brad, alis muna ako..” Unang nagpaalam si Vhong na tinapik ang balikat ng kanyang kaibigan. Pagkuway, sumunod na rin si Billy na kaagad naman ipinagtaka ng ating baklang bida.

“Ok ka lang ba Vicey?”

He then spun around nang marinig ang tanong na iyon ni Karylle. Nakita nya itong papalapit sa kanya kaya naman mas lalo pa rin syang lumapit sa kanya.

“Oo eh..” Dumaing rin sya sa dalaga na pagkuway humawak sa parte kung saan medyo masakit. Nagalala naman si Karylle kaya hinila nya agad ito sa isang malapit na couch na medyo malayo sa karamihan.


“Upo ka muna..” Aya ni Karylle sa binata na hindi nya naman tinanggihan.


“Salamat Kurba. Si Direk kasi eh, tinawag kami eh alam na kumakain pa kaming tatlo..” Parang batang pagsusumbong ni Vice which made her giggle.


“Para kang batang naagawan ng candy!” She then uttered. Hindi naman mapigilan ni Vice na mapapout dahil sa narinig.


“Ewan ko sayo Kurba!” Naiinis na sabi ni Vice. Hindi naman talaga mapigilan ni Karylle na hindi tumawa dala na rin ng cuteness ni Vice.

“Anyways, welcome back nga pala.” Pagiiba ni Vice ng topic dahil medyo nadadala na rin sya ng tawa ni Karylle.

“Sa..Sala..Salamat..” Karylle said between her laughs.

“Kapag hindi ka tumigil dyan sa pagtawa mo, uunatin ko yang kulot na buhok mo!” Naiinis na sabi na ni Vice. With that, tumigil na si Karylle sa katatawa kasi alam nyang naiinis na si Vice. She then zipped her mouth kahit medyo natatawa pa rin sya.

“Kamusta ang Malaysia Escapade nyo ni Yael?” Sunod na tanong ni Vice.

“I'm happy. Ang sarap sa feeling na kahit nagtratrabaho kami eh parang namamasyal lang kami sa ibang bansa..” Nakangiting sagot ni Karylle. Nakita na naman ni Vice ang kakaibang spark na iyon sa mata ni Karylle once na pinaguusapan nila ang kanyang asawa. Ang spark na dati ay araw araw nyang nasasaksihan kapag may magic moments sila. Ang spark na dati ay nakikita nya kapag nagtatama ang mga mata nila. Ang spark na iyon.

“Ok ka lang ba Vice?” Karylle asked nang mapansin ang biglang pagtahimik ni Vice. “Hey!”

“Ano. Halika nga!” Vice said para ibahin ang usapan saka hinigit si Karylle para mayakap. Napailing na lang naman si Karylle saka napangiti.

“Namiss mo talaga ako ano?” She asked. He then untangled himself sa yakap saka ngumiti.

“Oo.” Sincere na sagot ni Vice saka niyakap ulit si Karylle. “Namiss ko yung vibrato mong may parang binili lang sa may Recto!” Kumalas naman agad si Karylle sa yakap saka pinalo slightly si Vice sa kanang braso nya.

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Where stories live. Discover now