Dating Tayo[01]

1.5K 55 5
                                    

Masarap balikan ang mga panahong matatag pa ang salitang tayo. Ang lumang tayong walang pakealam sa mga taong nakapaligid sa atin. Ang dating tayo na kahit walang lebel ay masaya sa piling ng isat-isa. Ang dati at lumang tayo na napalitan ng salitang kayo. Ang salitang kayo na paunti unting pumapatay sa puso ko. Ang salitang kayo ang nandyan sa puso mo at ang tayo? Wala. Wala naman talaga. Walang tayo. Ang tanging meron lang ay ang kayo. Ang salitang tayo ay hindi naman talaga nag- eexist sa buhay mo dahil ang tayo ay hanggang sa imahinasyon ko lang.

"NongNang Vice?"

Naalimpungatan si Vice nang may isang batang babae na pumasok sa loob ng kwarto nya. Paunti unti nyang iminulat ang kanyang mga mata saka sumandal sa headboard ng kanyang kama upang makita ang batang iyon.

"Kaykay?" Tawag nito na halatang nagulat sa nakita. "Sinong kasama mo dito?"

"Ako.."

Bigla syang nanlamig nang makita ang babaeng kasamang batang babae. Ilang linggo rin silang hindi nagkita but she still remember her face. Hindi sya makapaniwala sa nakikita nya ngayon. Ang babaeng kanina lamang ay nasa isipan nya, ngayon ay kaharap na nya.

"A--anong ginagawa nyo dito?" Medyo mahinang tanong nito sa dalaga.

"Ask your inaanak." Nakangiti namang sagot ni Karylle bago ituro ang batang babae. Before he ask the kid, binuhat nya muna ang bata at iniupo katabi nya.

"We're worrying na po kasi because ilang araw nyo na po kong hindi nikukulit sa dressing room ni Mama." Malungkot na sabi ng bata. Napangiti naman si Vice sa pagiging conyo ng bata.

"Manang mana ka talaga sa Nanay mo." Nakangiting sabi nya saka yumakap sa inaanak.

"You're still joking kahit may sakit ka? Iba ka talaga Vicey." Pagsali ni Karylle sa usapan.

"Oo naman. Ayoko namang magalala ang dalawa kong bagong recruit na nurse diba?" Vice answered as he gave her a smile. Napapailing na lang naman si Karylle sa mga banat ni Vice.

"But Mama, NongNang Vice is really hot.." Pagsali ni Kaykay saka hinawakan ang leeg ng Ninong nya.

"Kaykay, I'm really hot. Right K?" He said while smirking.

K immediately rolled her eyes. "Sige na anak, pumunta ka muna sa kwarto mo, ako na ang bahala kay NongNang Vice."She said bago lumapit at ibinaba ang anak. Bago magpabuhat sa ina, Kaykay gave her NongNang Vice a peck on his lips saka ngumiti dito. "That is a get well soon kiss NongNang Vice. Goodnight." She added as she hugged him. Hindi naman maiitangging natouch ang binata sa ginawa ng inaanak. Maya maya pa ay lumabas ba rin si Kaykay at ang dalawa na lamang ang natira sa kwartong iyon.

"Now tell me, bakit mo naman pinapabayaan ang sarili mo?" Maawtoridad na tanong ni Karylle na nakataas ang isang kilay.

"Sorry na naman Kurba. Medyo naging busy lang sa mga mall shows.." Vice said with a apologetic smile.

"Busy LANG? Busy ka LANG kaya napabayaan mo na ang sarili mo?" She asked, capitalizing the word "Lang".

"I'm really sorry K but pwede bang mamaya mo na ako sermonan? Can you please turn off the Aircon? Sobrang lamig lang kasi eh." Nangangatal na sabi nya.

Mas nangibabaw naman ang awa sa dalaga kaya mabilis nyang pinatay ang Aircon at hindi na muna sinermonan ang binata.

"You'll need to rest. Magluluto lang ako tapos babalik ako dito." Nakangiti pero nagaalalang sabi ng dalaga. Tanging tango lang ang nagagawa ni Vice dahil nanghihina talaga sya. Pagkalabas ni Karylle ay muling ipinikit ni Vice ang kanyang mga mata upang magpahinga ngunit hindi nya naman magawa. Maya maya pa ay naisipan nyang puntahan ang inaanak na nasa kabilang kwarto lang. Kahit nanghihina, tumayo pa rin sya at pumasok sa loob ng kwarto ng inaanak. Nadatnan nya itong nakahiga lang at parang may malalim na iniisip.

"Hindi ka ba makatulog?" Napatayo naman ang bata nang marinig ang boses ng NongNang nya.

"NongNang Vice?" Nagaalala na tawag nito. "Ano pong ginagawa nyo dito?"

"Can I sleep beside my inaanak? Namimiss na kasi kita eh. Pwede ba yun?" Nanghihina ngunit nakangiting tanong nito.

"Oo naman po." Nakangiti ring sagot ni Kaykay saka inalalayan ang kanyang NongNang sa kama nya.

Kasalukuyan na silang nakahiga nang magkatabi. Nakayakap ang mga kamay ng bata sa bewang ng binata habang mahimbing silang natutulog. Kung titingnan ay hindi aakaling inaanak lang ni Vice ang bata dahil masyado silang close. Ipinangako kasi ni Vice sa sarili nyang gagawin nya ang lahat para naman maipakita nya sa inaanak nya na mahal na mahal nya ito na hindi nya nagawa sa ina nito.

Ilang oras na rin ang nakakalipas, katatapos lang ni Karylle na maipagluto ang kaibigan kaya minabuti nyang tingnan muna ang kalagayan nito. Kaagad naman syang nagtaka dahil wala ito sa kwarto nya. Maya maya pa ay naisipan nyang pumasok sa kwarto ng anak. As she went inside, tumambad sa kanya ang anak na nakayakap sa kaibigan. Mahimbing silang natutulog habang nakayakap sa isat-isa.

Hindi pa nya inistorbo ang anak at ang kaibigan at dahan dahang isinarado ang pintuan ng kwarto. Pagkuway, dumiretso sya sa isa pang kwartong pinagawa ng kaibigan para sa 'emergency' sleepover nilang mga hosts. Pagpasok sa loob, tumambad kaagad sa kanya ang mga pictures nilang magkakasama na nakasabit sa dingding. May dalawang kamang nakalaan para sa mga lalaki at mga babaeng kasama nito.

Maya maya pa ay naalala nya na naman ang pangyayareng iyon. Ang pangyayareng minsan na nyang sinubukang kalimutan pero hindi nya naman magawa.

It was May 24 this year. The Showtime hosts decided to have a sleepover sa bahay nina Vice para naman makapagbonding sila. Naging busy rin naman sila these past few days. Si Anne for her events, Si Karylle for her daughter,Si Vhong at si Jhong for their tour at si Vice para sa sunod sunod nyang taping.

It was almost 1 am nang magising si Karylle. Mabilis syang bumangon at tiningnan ang mga kasamahan. Maya maya pa ay napansin nyang wala si Vhong kaya minabuti nyang lumabas muna para tingnan kung nasa kusina sya. As she went outside, kaagad na bumungad sa kanya si Vhong kausap si Vice. Mula sa malayo ay mukhang seryoso ang kanilang pinaguusapan.

"So seryoso ka na talaga dyan Vice?" Tanong ni Vhong bago tumingin sa kaibigan.

"Oo nga Brad. Naka ilang tanong ka na dyan?" Nakukulitan na sagot naman ni Vice.

"So ang sinasabi mo, sa anak ka na lang babawi ganun ba? Kay Kaykay ka na lang?" Tanong ulit ni Vhong. Mabilis namang tumango si Vice.

"Banban sa ina kaya naman dumadamoves sa anak, ganun ba yun?" Natatawang paghihinuha ni Vhong.

"Siraulo ka talaga. Hindi naman sa ganun. I just want my inaanak to feel na mahal ko sya. I will do everything just to make her feel loved na hindi ko nagawa kay K." Vice said sincerely.

"Hindi kaya nakokonsensya ka lang Brad dahil hindi mo pinaglaban ang pagmamahal mo sa kanya? Kaya ngayon ay bumabawi ka sa anak nya dahil pakiramdam mo puro sakit na lang ang nararamdaman mo kaya naman ayaw mong iparamdam sa anak nya ang sakit na naramdaman mo sa ina nya.."

Ilang linggo rin syang hindi pinatulog ng mga salitang narinig nya mula kay Vhong. Hanggang sa paunti unti na itong bumabalik sa isipan nya.

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Where stories live. Discover now