Heaven || Part Three

1.2K 46 4
                                    


Lumipas ang ilang araw na halos laging magkasama ang dalawa. They won't last a day without each other. Hindi nila sinasayang ang bawat segundo at minuto ng buhay nila.

"Let's go K? Last day mo na to kaya sulitin na natin.." Sabi ni Vice na nakaagaw ng pansin ni Karylle. Nalungkot sya bigla. Ito na nga ang kinatatakutan nya. This is her last day. At nalulungkot syang isipin na dito na nagtatapos ang lahat. Umoo naman sya kaagad at sumunod sa binata.

Papunta sila ngayon sa isang park malapit roon. Mas pinili nilang pumunta dun kesa naman magpunta sila kung saan. Mas romantic. Kasalukuyan silang nakaupo sa isang bench malayo sa nakakarami. Nakapulupot ang kamay ni Vice sa leeg ni Karylle na palagi nyang ginagawa samantalang nakasandal naman ang ulo ng dalaga sa balikat nya. Sanay na sanay na sila sa ganitong posisyon kahit nasa bahay lang sila.

"Mamimiss ko to.." Vice blurted out of nowhere. Napatingin naman si Karylle sa kanya na may lungkot sa kanyang mata.

"Mamimiss kita." Dagdag pa nya na inayos ang upo. Humarap sya sa dalaga at tumingin sa kanya.

"Vice naman. Akala mo ba ikaw lang ang makakamiss nito? Vice, ilang minuto na lang ang itatagal ko dito. Ang sakit nun sa akin."

"Karylle naman.." Sabi naman ni Vice na napatayo na. Napatayo rin naman si Karylle at nagulat nang makita ang pigurang iyon na medyo malapit sa kanya. Itinuro noon ang wrist watch nya. Pinilit namang takasan ni Karylle si Billy at hinila si Vice kung saan.

"Vice, hindi na ako magtatagal. Hindi mo na ako makakasama sa bahay ngayong araw. Paalis na ako eh. I'm sorry na dito na nagtatapos ang lahat. I'm sorry kasi hindi ko napigilan. I'm sorry.." Karylle stated. Hindi na nya napigilan ang mga luhang kanina pa nya pinipigilan. Napayakap naman sa kanya si Vice na hindi na rin napigilang mapaiyak.

"Wala kang dapat ihingi ng tawad Karylle. Wala kang kasalanan. In fact, dapat nga akong magpasalamat dahil dumating ka sa buhay ko." He said as he untangled himself and wiped her tears away.

Nakikinig lang naman si Billy sa di kalayuan. He then formed a fist habang tinitinggan lang ang dalawa. Nasasaktan syang marinig ang mga katagang iyon. Ni minsan sa buhay nya, hindi nya yun narinig kay Karylle. Ngayon lang.

"Masakit diba?" Nagulat na lang sya nang biglang lumitaw kung saan si Teddy.

"Hindi. Masaya. Babalik na sya akin. Masaya na ako." Pagsisinungaling nya.

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Where stories live. Discover now