Heaven || Part One

1.5K 36 6
                                    

[A/N: Hi! So if you know the koreanovela, Hi School Love On, Medyo ganun yung genre. Hahaha. Sorry. Nagandahan kasi ako sa plot eh. Naadik kasi si Author. hahaha. Enjoy reading! Sana magets nyo sya! Mwah!]



"Would you know my name, if I saw you in heaven.."

"Would you feel the same, if I saw you in heaven.."

Biglang kinilabutan si Karylle sa narinig na kanta. Kasalukuyan syang nakahiga sa kanyang kama nang mataong iyon ang kanta. Lalo pa syang kinilabutan nang maramdaman ang kakaibang hangin na bumabalot sa kanya. Siya lang naman ang tao sa kwartong iyon pero pakiramdam nya ay may kasama pa syang iba.

"Karylle.."

She was stunned for a few minutes. Imposibleng si Vice iyon dahil hindi nya naman ito kasama sa loob. Napalingon sya sa kanyang likuran. Napako ang tingin sa lalaking nakatayo at nakatingin sa kanya. Sabi na nga ba eh.

It's really him. Hindi sya pwedeng magkamali. Ilang buwan silang hindi nagkita pero hindi pa rin nya nakakalimutan ang hitsura nito.

"Anong ginagawa mo dito?" Matapang nyang tanong kahit alam na naman nya kung anong sasabihin nito.

"Limang araw Karylle. Limang araw na lang.." Makahulugan nitong sabi bago ngumiti sa dalaga.

"You're just fooling me. Limang araw? Bakit parang ang bilis naman?" Naiinis na tanong naman ni Karylle.

"Karylle, alam mo ang batas natin. Hindi ka makakapalag."

"Pero---"

Hindi na nya naituloy ang kanyang sasabihin nang biglang mawalang parang bula si Billy. Naiinis sya. Bakit kung kelan masaya na sya kasama si Vice ay saka naman susulpot si Billy at sasabihing limang araw na lang sya.

She then took a deep breath as she stood up, facing a mirror in front of her. She's different now. Ibang iba na sya sa Karylle dati. From the ways she speaks, the way she smiles, and the way she dress. Nabago na sya ng mundong ito. Akala nya dati, gusto nya lang maging sya. Yung happy go lucky na Karylle na walang problema kundi kung paano sya susundo ng mga namamatay. Oo. Isa syang anghel. Isa syang taga sundo pero ngayon, nagbago lahat. Gusto na nyang maging permanenteng tao. Magkaroon ng kaibigan at magkaroon ng pamilya. Gusto nyang makasama si Vice hanggang sa huli pero paano nya magagawa iyon kung limang araw na lang ang nalalagi para makasama sya?

"Karylle?"

Natigil ang kanyang pagiisip nang unti unting bumukas ang pinto, showing Vice na nakangiti.

"Hmm?"

"Let's eat? Gutom na pinakagwapong nilalang sa buong mundo." Sabi nito bago magpacute. Napangiti naman si Karylle bago umoo. Magkasabay silang lumabas habang nakaangkla ang kanang braso ni Vice sa leeg ni Karylle habang ang isa naman ay nilalaro ang buhok nito.

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Where stories live. Discover now