[29] I Do

2.2K 66 11
                                    

"Meme, kaya nyo na bang magcommute? Medyo malayo kasi kapag inihatid ko pa kayo then pabalik sa bahay ni Karylle.." Nagaalalang sabi ni Vice.

"Dyos ko naman Meme, matatanda na kaya kami. Kaya na namin yun, ang intindihin mo eh yung may sakit mong Kurba.."

"Kaya nga eh. Hindi pa naman ako sanay na absent yun ng isang araw." Nalulungkot na sabi nito.

"Nakokonsensya ka na no? Hala si Meme, nafafall na talaga kay Kurba!" Kinikilig na sabi ni Archie.

"Hindi naman sa ganun.Natatakot lang ako na baka kung ano ang mangyare sa kanya, syempre kasalanan ko yun. Ako ang magdala sa kanya sa ganitong sitwasyon. I will make sure, ok na kami bukas." He then smiled. "O sya, maghiwa-hiwalay na tayo at baka ma stuck pa tayo sa EDSA."

"O sige na. Dapat magaling na si Kurba bukas huh?"

He smiled. A sana nga smile.

"At sana hindi ka na talaga banban."

Ilang bagay lang ang inayos nya bago magpunta sa bahay ni Karylle. Ilang oras ang biyahe ngunit tiniis nya ito para lang sa dalaga. He then stopped the car sa isang lugar bago pumasok sa loob.

Nang makapasok sa loob ay itinext nya muna si Anne to ask if Yael is there at nang malamang wala naman pala ay mabilis pa sa kidlat syang umakyat sa taas.

"Buti nakadating ka." Anne greeted as she gave Vice a beso.

"Yep. Medyo traffic but still, nagtimpi ako para malagaan sya."

"Buti na lang hindi ka busy kundi wala akong kasama dito para bantayan sya."

"Where's Yael btw? I thought, he's here?" Tanong nito habang pinagmamasdan ang buong lugar.

"Didn't he tell you that he has a concert in U.K with his band?"

"Na chika na sa akin yun ni Kurba nun but I thought hindi sya matutuloy. I thought it's just a plan."

"Well. Andun na sya..Ni hindi nga daw tumatawag sa kanya girl eh."

"Baka naman busy yung tao. We all knew him, kaya nyang isingit sa hectic sched nya si K pero siguro ngayon pagod na pagod na yun.."

Anne just shrugged her shoulder bago binuksan ang pinto. When he got inside, nadatnan nya si Karylle na mahimbing na natutulog.

"How is she?" He asked, worried. He then grabbed a stool at umupo sa gilid nito.

"She woke up at exactly 2:14 in the morning. Weird right? And guess what she wants?"

"What?"

"She asked if I come with her sa bahay mo para humingi ng sorry. Kahit may sakit yan, ikaw pa rin nasa isip."

Nabalot naman sya ng guilt as he heard what she said.

"A--anne, can you j--ust turn off the a--aircon?"

"Eto na girl." Sabi ni Anne at pinatay ang air con. Pinagmasdan nya lang ang kalagayan nito. She's wasted. She's too fatigued. Sya na ata ang pinakatangang taong nabuhay dito dahil sa ginawa nya sa dalaga.

"Umalis ka na sa buhay ko.." He said plainly and cold na may katamtamang boses.

"Hindi. Hindi. Ayoko.." She said, almost pleading.

"Hindi kita mahal! Diba, may asawa ka! Nasisiraan ka na ba K huh? Paano kapag nalaman ng mga tao ang ginawa mo? Anong sasabihin nila? Na malandi ka? Na pati bakla kinukuha mo? Sasabihin nilang you're too desperate for love."

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon