Last Chance || Part Three

1.2K 57 4
                                    


"Bitchesa, I know you watched it and I'm sorry na hindi man lang ako nagsalita. Sobrang miss ko na ang pagsigaw mo sa akin. Pwede ba kitang makita? Miss na kita :-) "




Natigilan si Karylle nang mareceive ang text na iyon from Vice. Madali syang napatayo sa kanyang kama. Hindi nya maiitangging nagdala iyon ng kakaibang pakiramdam sa puso nya. Bigla syang napangiti. Gusto na nya talagang makita si Vice. Hindi na nya kaya. Gusto nyang sundin na ang puso nya. Gusto na nyang makita ang mga ngiti nito na sobrang miss na miss na nya.

"Hayaan mo na muna ako ngayon.. Hindi mo na ako makikita.."

Nalungkot naman sya nang maalala ang mga katagang iyon. Hindi nga pala pwede. Kelangan nya munang ayusin ang sarili nya bago ayusin kung anong meron sa kanila ni Vice pero sobrang namimiss na nya talaga ang binata. Hindi na nya kaya.

"Bahala na.."

She uttered as she grabbed her keys on the table and drove off. Alam nya kung saan sya pupunta. Sa Park. Dun lang naman ang tambayan nila kapag gusto nilang magkita. Once she reached the park, madali syang lumakad papasok sa park at hinanap ang binata. Minabuti nyang tumakbo sa dulong bahagi ng park, praying that andun si Vice dahil alam naman nyang ito ang pinakagusto nyang pwesto. Hindi nga sya nagkamali. From  where she's standing right now ay nakikita nya itong nakaupo sa favorite bench nya, still waiting for her to come. Nasasaktan sya para sa kanya. Hindi nya kayang magpakita sa kanya dahil alam nya sa sarili nyang hindi pa sya handa. She wasn't sure kung kaya pa nyang harapin ang binata.

"I wish I could be a better me so I could be good enough for you..."

She whispered habang palihim na pinagmamasdan ang binata out of nowhere. Bigla naman syang napapikit dahil may kung anong pumasok sa mata nya. Her body froze literally as she open her eyes. Nanigas sya sa naramdaman nya. May kung sinong yumayakap sa kanya ngayon. Hindi nya kilala kung sino.

"You came.." He said. That voice. Kilalang kilala nya ang boses na iyon. Hindi pwede.

"Bakit hindi ka nagpakita sa akin?" Sabi nya sa dalaga as he untangled himself at iniikot sya paharap sa kanya. Napapikit na lang sya dahil she felt her tears rushed down her face. Hindi dapat ito nangyari. She never saw it coming. Hindi nya pa kayang harapin ang binata. Hindi pa sya buo.

"Magsalita ka naman oh.." He said, almost pleading. "I wanna hear you voice again.." His voice is starting to crack.

"Kung akala mo ay pumunta ako dito para sayo pwes, you're wrong. Gusto ko lang magpahangin. That's it." Tila gusto nyang bawiin lahat ng nasabi nya pero yun na eh. Nasabi na nya eh.

"Karylle, I miss you. Miss na kita. Miss ko na yung pagsigaw mo sa akin, kung pwede nga lang na gawin ko yung ringtone gagawin ko eh." He said with a smile, trying to hide yung totoong nararamdaman nya.

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Where stories live. Discover now