[40] Let It Go || Part Two

1K 53 4
                                    

He texted her, "Ok ka lang ba talaga?"

Before she had the chance, he was already calling her.

"Ok lang naman ako. Salamat." She said,trying to convince him na ok lang sya.

"Sigurado ka? Pwede na naman natin tong hindi na ituloy?" He then suggested.

"No! Terrence no! I want to make your mom happy! One month lang naman diba?"

"Pero Karylle. Nakokonsensya na ako. Ayokong nakikita kang nasasaktan.."

Napangiti naman si Karylle sa narinig. Concerned din pala ang boyfriend ng kanyang ex boyfriend nya sa kanya.

"Wag ka ngang ano dyan. Just think na ginagawa mo ito just to make your Mom happy. Wag mo akong alalahanin." Patuloy na pagkumbinsi ni Karylle sa kausap.

"Babe! Sino ba kasing kausap mo dyan? We're getting late na eh!" Napatigil sya ng marinig ang boses na iyon. It's him. It's Vice.

"Sige, patayin mo na. Baka makahalata si Vice eh. Ikaw na ang bahala sa kanya. Mahalin mo sya para sa akin. Iparamdam mo sa kanya na andyan ka lang. Gusto ko na makita syang ngumingiti kapag ikaw ang kasama nya." She said.

"Karylle.." Ramdam naman ni Terrence ang lungkot sa tono nito.

"Sige. Ako na lang ang papatay." She quickly end the call dahil alam nyang ilang minuto na lang ay papatak na ang mga luhang kanina pa nya pinipigilan. Napakabigat sa pakiramdam nya na marinig ang boses ni Vice na masayang masaya kahit na hindi sya ang dahilan pero siguro nga tama ang desisyon nya. Tamang pinakawalan nya ito para sa isang rason.

~~~

"Babe, sino ba kasing kausap mo?" Nakapout na tanong ni Vice na nakaupo sa harapan nya. Kasalukuyan silang nasa isang restaurant para sa isang date kuno. Parehas kasi silang free ngayong araw so they decided to spend this day together.

"Si.." Hindi naman makasagot ng ayos si Terrence sa tanong na iyon ni Vice. Hindi nya alam kung sasabihin na nya ang totoo o hahayaan na lang nya na si Karylle na ang magsabi. "Si.."

"Sino?" Hindi naman mapigilan na usisain at the same kabahan dahil sa pagsagot na iyon ng nobyo. Ramdam nyang may hindi sinasabi ang nobyo sa kanya.

"May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Naging seryoso naman si Vice para makuha ang sagot na gusto nya.

"Babe what if, dumating yung time na magkaroon kayo ng closure ni Karylle, itatanong mo ba sa kanya kung bakit ka nya hiniwalayan?" Terrence asked out of the blue. Nagulat naman si Vice sa tanong na iyon ng binata.

"Wag dito Terrence. It's our date."

"Babe, I wanna know." Pagpupumilit ng kanyang nobyo.

"Oo." Seryosong sagot ni Vice na biglang yumuko. "Kasi hanggang ngayon lutang pa rin ako. Inaamin kong para bang may missing piece sa relasyon namin. Na para bang ang bilis. Ang bilis nyang bumitaw. Bakit ganun?"

Nagulat naman si Terrence as he saw Vice with tears streaming down. Naramdaman naman niya ang sakit sa part ni Vice kaya  he decided na sabihin na ang totoo.

"Si Karylle. Si Karylle ang kausap ko Babe." Biglang nagpintig ang tenga nya ng marinig nya ang pangalan ng dalaga. He looked at him, full of curiosity.

"Oo Babe. We have communication with each other since then, yun yung totoo." Bigla namang nakaramdam ng galit si Vice. He quickly formed a fist dahil sa galit. Pakiramdam nya pinagtaksilan sya ng buong mundo. Pinaikot at pinasakay sa kanyang laro. Hindi na nya napigilan ang sarili. He quickly stood up at umalis na lang basta. Alam naman ni Terrence kung saan sya pupunta kaya mabilis nya itong sinundan.

Exodus  /  ViceRylle One Shot.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon