Chapter 3

47.6K 1.5K 276
                                    


Nagising ako nung may yumuyugyog sakin. Ayokong pansin dahil inaantok pa ako at gusto ko pang matulog pero mapilit itong yumuyugyog sakin.

"Ano ba?!" sigaw ko sa taong yon. Si maid lang pala. Mukhang natakot ko sya dahil napaatras sya. Ano bang problema nito?

Pinapagising po kayo sakin ni Ma'am Letti. May pasok po daw kayo sa school.

Yun ang nakasulat sa sketchpad nya. May pasok na? Hindi ba summer palang?

"Anong date ngayon?" naiinis ako dahil nasasayang yung oras sa pagsusulat nya. Ugh! hindi na pinalitan ni Mama itong maid ko. Mas gusto nya itong si maid kaysa sa ibang maid sa agency. Ewan ko dito kay Mama, pare-pareho lang naman silang maid eh. Ang arte talaga ni Mama.

June 17 po.

Pasukan na nga. Kinuha ko cellphone ko at tinext ang apat na bugok.

To: Gia, Fin, Jade, Veron

Hoy papasok kayo? Pasukan na.

Wala pang isang minuto nag-text na si Jade.

From: Jade
Ikaw?

Tignan mo ito, tinanong ko nga, tinanong din ako. Gago ito. Tinignan ko ang text ni Fin.

From: Fin
Mga sira kayo pumasok kayo! Hindi ako papasok.

Letche ito, tinamad na naman.

To: Fin, Jade, Gia, Veron
Mga gago kayo pumasok tayo, sugurin natin si Teron!

Syempre biro lang yon para mag-text si Gia, hanggang ngayon kasi ay hindi pa din kami nag-uusap. Ewan ko don ang arte, pabebe masyado.

From: Veron
Sige sige gusto yan! Bwahaha!

From: Gia

Gago ka Kaliwa! Nananahimik ako dito ah!

Natawa ako sa reply ng dalawa lalo na si Veron. Ang hilig talaga makipagbakbakan ng isang 'to.

From: Veron, Gia
Veron ano, abangan natin sa gate?

Gia my baby, I love you bwahahaha!

Ang sarap talagang pagtripan nitong si Gia. Ang cute nya kasing mapikon, napapamura.

From: Jade

Kaliwa pakain naman dyan oh walang pagkain sa bahay huhu!

To: Jade

NO.

Ano sya sinuswerte? Hindi ko nga sila pinapapasok tapos kakain sya dito. Ayoko lang magpapasok sa bahay except sa family ko, nanggugulo lang naman sila Fin dito kaya ayokong papasukin. Malinis ako sa bahay pwera sa kwarto ko. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pang kumuha ng maid si Mama eh kaya ko naman maglinis, magluto at maglaba, in short kaya ko sarili ko.

Tumingin ako sa pwesto kanina ni maid. Buti alam nyang gagawin nya, wala na sya dito. Bumangon na ako at nag-text ako sa apat na papasok ako tsaka ako naligo.

Pagkatapos ay hindi ko muna sinuot ang uniform ko at nagsuot muna ako na maluwag na tshirt at naka-panty lang. Wala akong paki kung may kasama na ako.

Pumunta ako ng kusina at nakahanda na ang pagkain don. Hindi ko nakita don si maid, siguro nasa sala or garden sya. Two weeks na syang nandito, sinabihan ko sya na wag syang magpapakita sakin kung walang kailangan. Katulad ngayon, ginising nya ako dahil kailangan pero ngayon hindi kailangan wala sya. Simple lang.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon