Chapter 36

31.9K 1.1K 315
                                    



Left's POV

Tahimik kaming kumakain ni maid nung dumating ang pagkain namin. Iniisip ko pa din kung ano ba si Ate Yani kay maid. Hindi ko maiwasan isipin na baka si Ate Yani ng ex ni maid dahil sa tingin na pinupukol ni Ate Yani kay maid, alam kong may pagtingin sya kay maid dahil ganon ako tumingin kay maid.

Kahit na ikakasal na sila ni Ate Yani at Kuya History, pwedeng mapigilan yon if gustuhin ni Ate Yani na balikan si maid. Sabi ko nga hangga't hindi sila ikinakasal pwedeng mabagong ang ihip ng hangin kaya may posibledad na hindi matuloy ang kasal kahit na kitang kita sa mga mukha nila Kuya na masaya sila sa isa't isa.

Napabuntong hininga na lamang ako. Tumingin ako kay maid na hawakan nya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. Binasa ko ang nasa whiteboard nya.

May problema ba?

Umiling ako. Wala naman talagang problema kung hindi ka babalikan ni Ate Yani at bumalik ang feelings mo sa kanya.

"Nothing." ngumiti ako sa kanya ng pilit. Pinagpatuloy ako ang pagkain ko.

Napansin kong nagsulat sya sa whiteboard nya pero hindi ko na iyon pinansin. Tumingin lang ako sa kanya nung kalbitin nya ako at pinabasa ang nakasulat sa whiteboard.

 Alam kong may problema. Sabihin mo sakin kung ano. Ayokong ganyan ka katahimik

Umayos ako ng upo at tinignan sya. Tinignan nya din ako na may pag-aalala sa mukha. Bumuntong hininga ako.

"Tell me, si Ate Yani. Ano sya sayo?" hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Ramdam kong may past talaga sila ni Ate Yani.

Hinintay kong matapos sa pagsusulat si maid sa whiteboard nya at sa bawat segundong lumilipat mas lalo akong kinakabahan sa sagot na malalaman ko. Paano kung naging sila dati? Paano kung balikan sya ni Ate Yani? damn iniisip ko palang ayvsasabog na ang puso ko at isip ko na makitang may kasamang iba si maid. No! hindi ako papayag, kahit si Ate Yani pa yan, hindi ako papayag na mapunta si maid sa kanya. Sakin lang sya.

Sya ang unang girlfriend ko at minahal ko.

Nabitawan ko ang kutsara sa kamay ko at napapikit sa nabasa ko. Tama nga ang hinala ko. Ex sya ni maid. Sinasabi ko na nga ba, dadating at dadating ang ex nya pero walang kasiguraduhan kung babalikan nga sya ni Ate Yani dahil ikakasal sila ni Kuya. Pero natatakot ako kung babalikan sya ni Ate Yani, hindi lang na masasaktan ang Kuya ko, pati ako ay masasaktan kapag kinuha nya sakin si maid. Damn! bakit sa tuwing masaya na yung tao don nagkakaroon ng problema?

Napamulat ako nang may maramdaman akong malambot na bagay sa noo ko. Mga labi pala ni maid na masuyong hinalikan ang noo ko. Bumaba ang tingin nya sakin at pinagdikit ang noo namin. Sa bawat titig nya sakin ay tila may sinasabi sya pero hindi ko alam kung ano.

Maya-maya ay lumayo na sya sakin at bumalik sa kinauupuan nya. Nginitian nya ako at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit. Sa simpleng gesture nyang yon ay nawala ang iniisip ko na baka magkabalikan sila ni Ate Yani.

She's just my past. You're my present and future.

Yun ang nakalagay sa whiteboard nya nung pinakita nya sakin yon. Napakagat ako ng labi ko para mapigilan ang pag-ngiti ko dahil sa sinulat ni maid. Arh! kanina lang para akong binagsakan ng malaking bagay, ngayon para akong nasa cloud nine sa sobrang sayang nararamdaman ko. Sya lang nakakagawa nito sakin sa isang saglit lang. Ano bang meron sa kanya at ang bilis kong magbago ng mood kapag nandyan sya?

"Just make sure that I'm your future, maid." sabi ko. Ngumiti sya at tumango. "I want to kiss you right now, pero nandyan sila Mam.a" lumingon pa ako sa gawi nila Mama. Malayo sila sa pwesto namin, nasa bandang gitna sila habang kami ni maid nasa medyo madilim na pwesto dahil sa punong nakasilong samin.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidWhere stories live. Discover now