Chapter 34

32.5K 1.1K 203
                                    


Left's POV

Agad kong hinila si maid nung sinabihan kami ni Ms. Dani na mag-partner partner sa room. Napangisi ako kay Kris nung bigla syang bumalik at naghanap na mapar-partner nung hinawakan ko si maid. Asa pa sya.

Tumingin ako kay maid dahil kinalbit nya ako. Wala syang nakasulat sa whiteboard bagkus nakaturo sya sa isang direction. Nilingon ko yon. Isang shop na punong puno ng mga salbabida. Tinignan ko na nagtataka si maid. Nginitian nya ako tsaka nagsulat sa whiteboard nya.

Bili tayo ng salbabida.

Napangiti ako at kinurot ang pisngi nya. "Isip bata." nag-pout sya at mabilis ko syang hinalikan. Namula sya at niyakap ako para itago ang mukha nya. Natawa ako. Ang cute talaga ng maid ko.

"Mamaya." bulong ko sa kanya. Umangat ang tingin nya sakin na tila sinasabi kung totoo ang sinasabi ko. Hinalikan ko noo nya.

"Hoy love birds. Ito na susi ninyo." napatingin ako kay Gia na may hawak ng susi. "Kahit saan talaga ang PDA ninyo." nginisian ko sya. 

"Inggit ka lang."

"Mukha mo." sabi nya tsaka umalis dala ang gamit nya.

Kinuha ko ang gamit namin ni maid tsaka kami pumunta sa room namin. Agad namin nilibot ang paningin namin sa buong kwarto. Napangiti ako nung makitang isang king bed size lang ang meron dito. Maganda din ang kwarto dito at may balcony. Pumunta don si maid habang ako nilapag ko sa gilid ang mga gamit namin. Pumunta ako ng banyo para i-check ang itsura non.

"Wow! may Jacuzzi." manghang sabi ko dahil medyo malaki din yon. Ang swerte naman namin na dito kami naka-room.

Lumabas ako ng banyo at hinanap si maid na nasa balcony pa din. Tinatangay ang mahaba nyang buhok dahil sa hangin. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya sa likod. Sumandal naman sya sa balikat ko. Sabay namin pinagmasdan ang magandang dagat. Hindi masyadong mainit dahil maulap ulap pero hindi naman nagbabadyang uulan.

Siguro mga ilang minuto din kami sa ganong pwesto nang maisipan namin na pumasok na sa loob. Pinagpatuloy na lang namin ang pag cuddle sa isa't isa sa kama. Sinabihan naman kami na magpahinga na muna galing sa biyahe kaya magpapahinga na muna kami ni maid. Umunan agad sa braso ko si maid at niyakap ako. Niyakap ko din sya pabalik at dinantay ang paa ko sa katawan nya.  Natulog na kaming dalawa.


Nagising ako nang makarinig ako na mahihinang boses at tunog ng camera. Namulat na ako at nakita ko ang mga letche kong mga kaibigan na may kanya kanyang hawak ng camera. Natigilan lang sila nung makita nila akong gising.

"Anong ginagawa ninyo dito?" mahinahon pa ako na sabi ko. Nilingon ko si maid na gising pala at namumula ang mukha. Nakayakap pa din sya sakin.

"Gigisingin kayo dahil pinapatawag tayo ni Ms. Dani?" patanong na sabi ni Veron.

"Ginigising ba yung pinipicturan ninyo kami?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanila.

"Wag ka na magalit. Ipapasa namin sayo 'to. Ganda kaya ng kuha namin oh." pinakita sakin ni Jade yung kuha nya. Nakayakap kami ni maid sa isa't isa na mahimbing na natutulog tapos nilipat nya pa yung ibang picture na gising na si maid at namumula ang mukha habang nagtatago ang mukha sya leeg ko minsan sa kumot. May isa pang picture na nakatingin sya sakin habang namumula ang mukha. Ang cute ni maid dito.

"Ipasa mo 'to kundi masasapak kita." sabi ko sa kanya. Nagsi-apiran naman silang apat. Nailing na lamang ako.

Tumingin ako kay maid na hanggang ngayon ay namumula pa din yung mukha. Napangiti ako at hinalikan sya sa labi. Wala akong paki kung nandyan yung apat. Gusto ko kada gigising ako ay labi agad ni maid ang matitikman ko.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon