Chapter 5

42.7K 1.5K 556
                                    


"Maid pakikuha nga yung lapis sa kwarto ko."

"Maid ikuha mo ako ng Nestie lemon."

"Maid nakita mo ba yung ballpen ko? Pakihanap nga."

"Maid pakidala ito sa kwarto ko."

"Maid mountain dew ko pakikuha sa ref."

"Maid magluto ka ng menudo para sa dinner."

"Maid bilis bilisan mo magluto nagugutom na ako!"

"Maid pakikuha nga ulit yung libro sa kwarto."

"Maid pahingi nga ng cake. Ang tagal mong magluto!" banas na sabi ko. Kanina pa ako ginugutom, ang tagal nya magluto ng ulam.

Napangisi naman ako nang makita ko ang haggard na haggard si maid. Sabi ko naman humanda sya eh.

"Nasaan ang tinidor?" ano 'to kakamayin ko?

Agad na pumunta si maid sa kusina. Sumandal ako sa upuan at pumikit. Napagod ako sa paggawa ng thesis at the same time sa pag-utos sa kanya. Bigla naman akong nakaisip kung paano sya paaalisin sa pamamahay ko. Bakit hindi ko agad ito naisip? Umabot pa ng ilang weeks bago ko naisipan paalisin sya dito na sya mismo ang aalis.

Ano ang plano ko? Edi papagurin sya sa kakautos para sa oras na pagod na sya at hindi na kayanin ang mga utos ko, sya mismo kakausap kay Mama na aalis na sya pagiging maid ko. Ayos hindi ba? Talino ko talaga.

Tumingin ako kay maid na kalbitin nya ako sa balikat.

Luto na po ang ulam. Kakain na po ba kayo?

Sawakas! Luto na din ang ulam.

"Oo, ipaghanda mo ako pagkain. Damihan mo ng kanin tapos dalhin mo sa garden doon ako kakain. Yung cake balik mo na sa ref." sabi ko at pumunta sa garden. Gusto ko magpahangin saglit. Buong araw ako nasa loob ng bahay kaya gusto ko makalanghap ng sariwang hangin.

Tumingin ako kay maid habang nilalapag nya sa lamesa ang pagkain ko. Halata sa mukha nya ang haggard. Utusan ko ba naman maya't maya sinong hindi mapapagod? Pero bakit ganon? Parang hindi man lang ako nasayahan sa ginawa ko. Baka kulang pa.

"You can go." sabi ko sa kanya. Paalis na sya nung may maalala ako. "Teka, pakiayos pala yung gamit ko sa sala tapos pakidala na lang sa kwarto ko at ayusin mo yung higaan ko at tsaka pakihanda yung paliliguan ko. Gusto ko maligamgam na tubig. Makaalis ka na." agad naman syang umalis para gawin ang inuutos ko.

Habang kumakain ako, umilaw yung cellphone ko at nag-vibrate. Tinignan ko kung sino nag-text.

Si Ice lang pala. Himala nag-text ang batang ito.

From: Ice
Ate dyan ako matutulog ngayon ah! Naiinis ako sa dalawa eh nag-aaway na naman.

Kailan pa hindi nag-away ang dalawang malamig na yon. Yung tinutukoy ko ay si Frost at Cold. Sa kanilang tatlo si Ice ang ayaw sa mga ingay at napakasungit ng lalaking 'to. Si Frost isip bata at makulit habang si Cold makulit din pero pikon kapag inasar. Iba iba ang personality nilang tatlo pero magkakamukha silang tatlo na hindi mo na malalaman kung sino si Cold, kung sino si Ice at Frost. Kung ano ang pinagkakasunduan ng tatlo ay yung manlinglang ng tao kaya gusto nila magkakamukha sila. Dyan sila magkakatalo sa oras na magkagusto na sila sa isang babae.

Pagkatapos kong kumain ay pumasok na ako sa loob. Saktong may nag-doorbell, nasa taas si maid kaya hindi nya mabubuksan yung gate. Ako na lang ang bumukas.

"Ate panget tabi." inirapan ko si Ice at sinara ang pinto. Sinundan ko sya sa loob. Nilapitan ko sya na nakapreteng nakaupo sa sala. Buti na lang inakyat na ni maid ang mga gamit ko dahil baka babuyin ng batang ito yon.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon