Chapter 39

28.1K 1K 332
                                    


Left's POV

Nandito ako ngayon sa room nila Mama. Nakaupo ako sa higaan nila habang nakatayo naman sila sa harapan ko at seryosong nakatingin sakin. Hindi ako makatingin sa kanila, nakayuko lang ako at naghihintay na magsalita sila. Narinig kong bumuntong hininga si Papa. Napapikit ako dahil alam kong magsasalita na sya.

"Tomboy ka ba Left Yumi?" napangiwi ako sa pagtawag sakin ni Papa sa buong pangalan ko. Seryoso na talaga sya.

Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakayuko. Ayokong munang magsalita dahil baka magalit sila.

"Hangga't maari Left, tigilan mo na yan." sabi ni Mama. Napaangat ang tingin ko sya sa kanya.

"Pero Ma.." sabi ko at yumuko ulit nang mawala akong iba pang masabi. Tigilan? paano ko ito titigilan kung mahal ko na si maid at ayoko syang mawala sakin?

"Akala ko naman kaya naging close kayo ni Nissan dahil magkaibigan na kayo, mas malala pa pala sa kaibigan ang nangyari." sabi ni Papa. Hindi naman kami naging magkaibigan ni maid dahil mas higit sa kaibigan ang gusto ko. "Hindi tama yang ginagawa mo Left."

"Kailan pa naging mali ang umibig?" mahinang sabi ko. Narinig kong bumuntong hininga si Papa.

"Mali sa mga mata ng diyos ang umibig ng kapwa nya babae, alam mo yan Left." napayukom ako ng palad. "Hangga't maaga pa tumigil ka na Left kung ayaw mong masaktan si Nissan."

"Kapag hindi ko ginawa? Ilalayo ninyo ba sakin si maid?" tanong ko sa kanila habang nakayuko pa din ako. Nai-imagine ko ang eksena na ito sa play namin. Ibang iba nga lang dahil wala akong lakas sagutin ang mga magulang ko.

"Kung yun ang nararapat."

"Pero mahal ko sya Pa!" tumingin ako sa mga mata ni Papa na may pagmamakaawa. Iniisip ko pa lang na ilalayo nila si maid sakin ay nasasaktan na ako. Dinudurog ang puso ko.

"Walang magagawa ang pagmamahal mo sa kaligtasan ni Nissan." sabi ni Papa.

"Pero Pa, mahal ko talaga si maid. Mahal na mahal ko sya. Ayoko syang mawala sakin Pa, please wag ninyo syang ilayo sakin, Pa." naluluha na ako sa harapan nila. Kung kakailanganin kong lumuhod wag lang nila ilayo sakin si maid ay gagawin ko. Ayoko talagang mawala sakin si maid. Hindi ko na alam mangyayari sakin kung mawala sya sakin. Minuto nga lang na nagtagal na mawala sya hinahanap hanap ko na sya, paano pa kaya kung tuluyan nilang inilayo sakin si maid?

"Darling.." sabi ni Mama kay Papa. Napahilamos ng palad si Papa. Lumapit sakin si Mama at pinunasan ang luha ko.

"Ma please. Wag ninyong ilayo sakin si maid. Mahal na mahal ko sya." sabi ko lalo ako napaluha tuwing iniisip ko na ilalayo nila sakin si maid.

"Look Left, hindi kami ng Mama mo ang kalaban mo dito." sabi ni Papa. Nagtataka akong tumingin kay Mama kung ano ba ang tinutukoy ni Papa. "Kita naman namin na masaya kang kasama si Nissan pero ayokong masaktan kayong dalawa dahil sa relasyon ninyong yan."

"Hindi ko naman sya sasaktan, Papa, Mahal na mahal ko sya, hindi ko syang kayang saktan." sabi ko.

"Sa lahat ng relasyon, kahit mahal na mahal ninyo ang isa't isa. Masasaktan at masasaktan ninyo pa din ang isa't isa na hindi mo inaasahan. Hindi sapat ang pagmamahal, Left." seryosong sabi ni Papa.

"Pero Pa! ayoko syang mawala sakin. Please!" tuluyan na akong napaiyak dahil parang desidido silang ilayo sakin si maid. Hindi ko yon matatanggap.

"Left, anak." nag-aalalang sabi ni Mama. Niyakap nya ako kaya napayakap na din ako sa kanya dahil sa bigat na nararamdaman ko ngayon. Napahagulgol ako sa balikat ni Mama.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon