Chapter 16

40.3K 1.4K 348
                                    


Left's POV

Nagising ako sa wangwang ng ambulansya sa labas ng kwarto. Panigurado yung apat na naman yon. May mga tunog pa ng baril at sound effect.

Welcome back Left.

Balak ko na sana umupo kaso may mga brasong nakapulupot sa katawan ko. Pagtingin ko, isang malaanghel na natutulog sa tabi ko. Hindi ko na tinuloy na umupo at nanatiling nakahiga habang pinagmamasdan ang maamong mukha ni maid.

Hinaplusan ko ang mukha nya. Hindi sya nagising at nanatiling mahimbing na natutulog kahit na sobrang ingay sa labas ng pintuan. Napadako ang mga daliri ko sa mga labi nya. Napangiti ako nang maalala ko ang nangyari sa library.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Alam kong maling makipag-arh..halikan sa kapwa babae. It's a sin. Pero bakit ganon? Ang sarap sa feeling, parang tama pero mali. Tama nga sila, masarap ang mali.

Tinignan ko ang mga labi nya. Arh! Gusto ko syang halikan ng paulit-ulit. Naaadik na nga talaga ako sa mga labi nya. Bakit kasi ang sarap?

Hindi ko na talaga matiis! Gusto ko na talaga syang halikan. Tulog naman sya kaya hindi nya iyon mapapansin. Tsaka saglit lang naman eh.

Lumapit ako sa kanya at dinampian sya ng halik. Lumayo agad ako dahil baka magising sya. Napangiti ako dahil nakahalik ako sa kanya na hindi nya alam. Pinagmasdan ko na lang sya. Hanggang ngayon nakayakap pa din sya sakin. Sigurado mahihiya sya kapag nagising syang nakayakap sakin. Mahuli ko ba naman na nayakap sya.

Maya maya namulat na sya.

"Goodmorning, pretty." sambit ko. Nanlaki ang mga mata nya na matanto nyang nakayakap sya sakin kaya mabilis syang lumayo. Napangiti ako dahil nagsisimula na naman mamula ang mukha nya. She so cute isn't she?

"Get your ass up. Hindi na tayo makakatulog sa ingay ng apat." sabi ko at tumayo.

Nag-unat ako bago naglakad sa banyo. Naghilos at nagsipilyo ako tapos hinubad ko ang suot ko at niligay sa labahan. Lumabas ako ng kwarto na walang saplot sa katawan. Nakita kong napatitig saglit sa katawan ko si maid bago umiwas ng tingin at mamula ang mukha ulit. Napangiti ako at kumuha ng susuotin. Nagpunta naman sya sa banyo para maghilamos siguro.

Saktong pagkatapos kong magbihis ay lumabas ng banyo si maid. Nakayuko sya at tila nahihiyang tumingin sakin.

Look how cute my maid is.

Nakangiting nilapitan ko sya at inangat ang tingin nya sakin.

"You're so adorable maid." and I give her a smack kiss. "Bitin." hinalikan ko ulit sya. Namula ang mukha nya kaya napangiti ako. Naglakad na ako papunta sa pintuan.

Pagkabukas ko ng pinto ko. Nakita ko yung apat na sisirain sana ang pinto ko sa kakakatok nila. Sinamaan ko sila ng tingin.

Si Frost may wangwang sa ulo, tapos si Cold may laruang baril, si Ice naman may baril din pero sa tingin ko water gun yon habang si Leaf may ispadang laruan na umiilaw ilaw pa.

"At ano sa tingin nyo ang ginagawa nyo?" tanong ko sa kanila. Ngumiti silang apat.

"Fire!" napamura ako sa isipan ko nung barilin ako ng water gun ni Ice at pinaghahampas naman sakin ni Leaf ng ispada nya habang si Cold pinapaingay yung baril nya pero nakatutok sakin, tapos si Frost nilakasan ang volume ng wangwang nya.

"Mga letche kayo!" bago ko pa sila pinaghahambulisin ay nagsitakbuhan sila. Syempre hindi ko hinayaan na hindi ako makakaganti sila. Lintek na lang ang walang ganti!

"Takbo may halimaw na humahabol!" sigaw ni Ice. Letche 'to ginawa pa akong halimaw.

"Mga letche kayo! Humanda kayo sakin!" nilingon nila ako at bineletan. Aba't! Talaga naman oh!

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon