Chapter 21

35.6K 1.2K 650
                                    


Left's POV

"Ganito na lang 'to? iiwanan mo na lang ako ng ganon-ganon lang? pinaglaban kita sa  mga magulang ko dahil mahal kita pero bakit mo ito ginagawa, Charlie? hindi mo ba ako mahal?" walang kagana-gana na sabi ko habang nakatingin sa script. Napahawak ako sa ulo ko nang hampasin ni Nami ang ulo ko ng script. "Para snan yon?!" inis na sabi ko. Hampasin ba naman ako eh hindi ko naman sya inaano.

"Umayos ka nga! wala kabuhay-buhay yan pinagsasabi mo!" galit na sabi nya.

"Kaya nga kaliwa, para kang patay na nagsasalita eh." sabi ni Veron. Inirapan ko sya.

"Ikaw kaya patayin ko dyan." sabi ko. Nag-peace sign naman sya.

"Seryoso Left, yung eksena na ginagawa mo ay nakakaiyak pero kung umacting ka para kang walang pakialam eh." sabi naman ni Nike. Wala naman talaga akong pakialam. Kung hindi lang ako napilitan maging leading lady ng play na 'to wala talaga akong pakialam!

"Kung nandito sa harapan ko yung ka-partner ko at nakikisabay sa iyak, edi nadala ako at napaiyak na din." one week na kami nagpra-practice dito sa theater pero ni anino ng ka-partner ko ay hindi pa din nagpapakita. Si Nami or ibang cast ang umaacting bilang Charlie, minsan pa nga si Ms. Dani at nakakailang kapag sya kaya minsan si Nami ang hinihila kong gumanap na Charlie.

"At ilang beses ko din ba sasabihin sayo na busy ang pinsan ko? paulit ulit ka eh." sabi ni Nami. Napa-pout ako. Hindi ako mapapaiyak kung hindi ako madadala sa iyak ng isang tao. Ganon ako eh, kapag may nakikita akong umiiyak ay napapaluha ako. Weird pero masyado akong sensitive.

"Sana hindi na lang sya ang pinili nyong maging partner ko kung tuwing practice na lang ay wala sya. Paano kung magpla-play na tayo? edi magkakagulo pa."

"Sya naman yung sumulat ng kwento kaya alam nya ang gagawin nya." pagtanggol ni Nami sa pinsan nya. Napabuntong hininga na lang ako.

"Iba pa din ang actual play." protesta ko. Nagpapakahirap kami dito mag-practice tapos sya pa-easy lang.

"Hay nako ang hirap mong kausap." sabi ni Nami sabay walk out. Napangisi na lang ako, lagi sya ganyan kapag napipikon na sakin.

"Nasaan pala si Ms. Dani?" tanong ko. Napansin ko kasi na walang sumasaway sakin kapag hindi maganda ang acting ko.

"Busy sya ngayon. Hindi sya makaka-attend ng practice." sabi ni Fin. Alam ah.

"Kung ganon naman pala. Early out!" masayang sabi ko at nagmadaling pumunta sa gamit ako. Kaso nandon pala si Ms. Dani na nakangising hawak ang bag ko. Akala ko ba busy 'to?!

"Not so fast, Left." kinalibutan ako sa pagtawag nya sa pangalan ko. Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Hindi ba busy ka, anong ginagawa mo dito?" tanong ko at tinignan sya sa mga mata nya.

"Naisip ko kasing baka tumakas ka kaya pumunta na ako dito at tama nga ako." sabay smirk nya. Kainis! Lakas maka-timing nito kahit kailangan!

"Pagod na ako! Buong araw na kami nagpra-practice dito kaya gusto ko ng umuwi."

"Hindi lang ikaw ang pagod oy!" sigaw ni Gia.

"Sus napagod ka pa kakaupo lang?" ngising sabi ako.

"Oo nakakapagod kayang umupo." napa-poker face ako. Kung nasa tabi ko lang sya baka nasapok ko na sya.

"Fine. Magsi-uwian na kayo at magpahinga na muna. Pero ikaw." turo sakin. "Maiiwan ka hangga't hindi mo nagagawa ang nakakaiyak na part."

"Ano?!" anak ng! mag-uuwian na din naman, bakit gagawin pa yon?! Nakakainis talaga 'tong Ms. Dani na 'to.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon