Chapter 49

30.2K 898 148
                                    


Left's POV

"Bakit pinagbabawal magdala ng pagkain?" tanong ni Gia pagkapasok nilang apat.

"Nag-iingat lang." simpleng sagot ko dahil ayoko magkwento na naman. Kakakwento ko lang kanila kuya at Papa, uulit na naman ako.

"Ang ganda dito, pwedeng makitulog din dito?" tanong ni Veron.

"Hindi pwede wala na kayong tutulugan." hays, bakit kasi bumisita pa ang apat na ito? imbis na masolo ko si maid, ito ako ngayon nag-eentertain ng mga gunggong.

"Kahit dito lang kami sa sala okay lang, masarap dito malamig." sabi ni Fin at nahiga pa sa sahig na may carpet.

"Hindi nga pwede, manggugulo lang kayo dito tsaka may mga aircon naman kayo sa inyo." banas na sabi ko. Minsan hindi ko talaga maisip kung bakit naging kaibigan ko ang mga ito.

"Ang KJ talaga nitong ni kaliwa, minsan na nga lang tayo mag-overnight umaayaw ka pa." sabi ni Veron.

"Wag ngayon, hindi maganda ang kalagayan ni maid. Kailangan todo ingat kami." sabi ko lalo na nung nangyari kahapon, talagang sinusuri ko muna ang kakainin ni maid bago ko yon ipakain sa kanya. Nasasabihan na nga ako nila kuya na sobra akong paranoid eh. Nag-iingat lang ako para kay maid.

"Nakakapangselos na yan si Nissan, naagaw ka nya na samin." sabi ni Jade. Napangiwi ako sa sinabi nya.

"Kadiri." sabi ko. Natawa lang sila Veron samin. "Oo nga pala, tumawag sakin si Ms. Dani kahapon." napatingin sakin si Fin na preteng nakahiga sa carpet.

"Weh? ano sabi? kamusta na sila?" tanong ni Gia.

"Yun nakatira na daw sila sa kalsada." sinabi ko kung ano sinabi nya na halata namang hindi totoo.

"Impossible, kahit maghirap ang mga yon hindi sa kalsada titira ang mga yon 'no." sabi ni Veron na akala mo naman kilalang kilala sila Ms. Dani. Pero imposible nga yon sa pamilya nila.

"Ano pa sabi nya?" tanong ni Jade. Nakitbitbalikat ako.

"Kinamusta lang ako, yun lang." sagot ko at pasimpleng tumingin kay Fin.

"Wala man lang syang sinabi tungkol sa nangyari sa kanila ni Fin?" tanong ni Gia.

"Wala." ayokong umasa pa lalo si Fin dahil kahit sabihin ni Ms. Dani na bantayan ko si Fin walang kasiguraduhan kung papanagunutan nya si Fin sa nangyari. Malay natin one night stand lang ang nangyari dahil sa sobrang stress ni Ms. Dani at alam naman namin na kung sino talaga ang gusto nya, baka lalo lang umasa si Fin at tumandang dalaga pa kakahintay kay Ms. Dani na hindi alam kung babalik pa ba.

"Okay lang yan Fin. Mas mabuti pang mag-move on ka na sa kanya." sabi ni Veron.

"Tama yon, hindi lang si Ms. Dani ang tao sa mundo." sabi ni Gia.

"Nagsalita." sabi ko habang nakatingin sa iba.

"May sinasabi ka, kaliwa?" sabi nya. Nakitbitbalikat na lamang ako.

Nagkwentuhan lang kaming lima about sa nangyayari sa school. Hindi kasi ako pumasok nitong nakaraang linggo dahil sa nangyari, at sabi nilang apat medyo nababalitaan na sa pagiging murder ni lolo kaya dumalaw din sila para kompirmahin kung totoo ba ang balita. Dahil bestfriend ko naman ang mga ito sinabi ko sa kanila lahat lahat. Sabi ko nga ayokong magkwento ulit pero napakwento ako apat na ito.

"Paano yan kapag nalaman yan ng media? siguradong pamilya ninyo ang laman ng balita nyan." sabi ni Fin. Bumuntong hininga ako.

"Sila Papa na ang bahala don. Ang mahalaga lang naman sakin ay si maid." sabi ko. Nababala din ako para sa pamilya ko lalo sa triplets, Leaf at kay Mama na buntis. Masyadong stress sa kanya ang nangyayari kaya sana okay lang sya at sa apat na bata? nababahala ako na baka ma-bully sila sa school nila kapag nalaman yon ng mga tao.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon